Mga anak, may ipagtatapat ako..." hirit ni Joey de Leon sa hino-host niyang show na Startalk habang guests doon ang kanyang mga anak na sina Cheenee at Keempee de Leon.
Ito kasi yung biro ni Joey sa co-host niyang si Lolit Solis. Na kunwari ay may anak sila nito at yun ang ipagtatapat niya sana sa lahat.
Umandar na naman ang malikot at baluktot na pag-iisip ng Hi! mad scientist at nag-"What If" ng magiging "anak" nina Joey at Lolit! Kung sakali bang isang gabi ay nakalimot sila sa kanilang mga sarili at nangyari ang di dapat mangyari.
Heto po mga mahal naming mambabasa sina Joselito at Josefa!