PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rudy Fernandez's best buddies remember the loving person Daboy was

Sen. Bong Revilla, Sen. Jinggoy Estrada, and Phillip Salvador remember Daboy's role in their group.
Published Jun 9, 2008
"Ang pagmamahal ng isang kaibigan. Pagmamalasakit. Alam ko naman na kahit na wala na si Daboy ay ibibigay pa rin ng dalawang katabi ko. Masakit lang talaga na nawalan kami ng isang matalik na kaibigan," says Sen. Bong Revilla about Rudy Fernandez and his two other buddies, Sen. Jinggoy Estrada and Phillip Salvador.

Live telecast ang Showbiz Central noong Linggo sa Heritage Park, kung saan kasalukuyang nakaburol ang labi ng actor na si Rudy Fernandez. Ang Showbiz Central host na si Pia Guanio ang siyang nag-interbyu sa itinuring ni Daboy na tatlo sa kanyang pinakamatatalik na kaibigan sa showbiz—Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla, at Phillip Salvador.

Unang tanong ni Pia kay Jinggoy ay kung gaano nga ba kahirap at kasakit ang mawalan ng isang kaibigan na tulad ni Rudy Fernandez.

Tulad nga ng naiulat na rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), isa si Jinggoy sa mga taong nasa tabi ng deathbed ni Daboy nang pumanaw ito noong Sabado ng umaga.

"Sa akin, he's very very close to me. Para ko na siyang kapatid. Talagang mahirap...mahirap mag-adjust. Dahil araw-araw, kausap ko siya. ‘Tapos ngayon, wala na ‘kong matatawagan. Hindi na niya ‘ko matatawagan kaya talagang napakahirap," umpisang pahayag ni Jinggoy.

Para kay Bong naman, "Isang kapatid na rin ang nawala sa amin. Yung palagi mong kausap. Palagi mong ka-text. Palagi mong kasama. Lalo na sa mga bagay na kapag may problema ka, nandiyan siya. Pero alam niyo, sa ngayon, tuwing ipipikit namin ang mata namin, nakikita namin siya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Napakabigat lalo na yung paghihirap na dinanas niya. Parang bangungot ang nangyayari, e. Sabi ko nga, sana ito ay isang pelikula na lang na may sisigaw ng cut!"

Tulad din ng sinabi ng dalawa, para kay Ipe ay more than a friend for him si Daboy. Isa na raw itong kapatid at kapamilya para sa kanya. Aniya, "Wala akong nakitang taong pinaka-positive kundi ‘yang si Daboy. Ibang klase ‘yan. Ibang klaseng magbigay ng hope ‘yan. Medyo kapag talagang parang bagsak ka, siya ‘yung, ‘wala ‘yan...kaya natin ‘yan. Pagtutulung-tulungan natin ‘yan.' Dapat positive ka palagi."

Dugtong pa niya, "E, ‘yan ang pacifier namin. Siya yung pinakikinggan naming tatlo."

A FRIEND IN HIS FINAL MOMENTS. Ikinuwento rin ni Jinggoy kung paano niya hinarap ang paglisan ni Daboy since naroon nga siya hanggang sa huling sandali ng kaibigan.

"I was there on his bedside together with Lorna and his kids. When I look at the monitor, ‘yung kanyang heart rate, medyo flat line na. So, sinenyasan ko si Doktora, si Dra. Gina, she also looks at me at sinabi niyang wala na...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, sinabi ko sa kanya [Daboy] na magpahinga ka na. Hirap na hirap ka na. Ako na ang bahala sa pamilya mo. I'll take care of them. Yun lang ang nasabi ko."

Ang sumunod na tanong naman ni Pia ay para kay Bong at kung ano ang naging huling pag-uusap nila ng kaibigang si Rudy at kung meron ba itong naging habilin, especially to his family?

"Well, up to the last minute, si Daboy yung tipong hindi niya ipararamdam sa ‘yo na nanghihina na siya. Siya yung tipong, ‘lalaban ako up to the last,' ganoon siya, e. In fact, nang sunduin nga namin sa airport 'yan, pinipilit niyang idiretso ang katawan niya. Lalakad pa rin kahit hirap na hirap na siya. Sabi lang namin, ‘mag-wheelchair ka na.' Ganoon siyang klaseng tao, up to the last minute, hindi niya ipapakita sa mga taong nahihirapan na siya."

Pero napansin daw ni Bong na yung mga last few hours, iyon yung naging aminado na si Rudy sa nararamdaman at tila nagsasabing, "Pare, hirap na hirap na ko."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bong regretted na kung alam lang daw niya, hindi na raw sana siya umalis sa bahay nina Rudy at Lorna sa White Plains around 4 ‘o clock in the morning. "Kung alam ko lang, hindi na sana ‘ko umalis. Pero sinabi ng doktor na, magpahinga na kayo para may karelyebo naman kung kaya't si Jinggoy nga raw ang pumalit sa kanila.

"Kung alam lang namin, we should have stayed. Bago ‘ko umalis, hinawakan ko siya sa noo at dinasal ko na lang na, Lord, sana po huwag na siyang maghirap pa. Napakabait po niyang tao."

Tinanong din ni Pia si Ipe kung meron daw ba silang magkakaibigan na "unfinished business," o mga bagay na pinangarap sana nilang gawin pero hindi na nangyari dahil nga nagkaroon na ng sakit si Daboy.

Ayon kay Ipe, "Dream ng bawat isa na makagawa kami ng pelikula na kaming apat ang magkakasama. At gustung-gusto ni Daboy na mag-progress yun, kaya lang nga, nagkaroon na siya ng karamdaman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

A LOVING FRIEND. Naniniwala sila na walang-dudang tatanggapin ng Diyos si Daboy sa langit. Ayon kay Jinggoy, wala raw siyang alam na naging kaaway nito. At kahit superstar status na ay nanatiling humble pa rin. Nagpapasalamat din daw sila sa lahat ng nagdasal at nagdarasal para sa kaibigan, pero hiling din ni Jinggoy na sana nga raw, isama rin sa prayers ang pamilya ni Daboy na sina LT, Ralph, Renz, at lalung-lalo na raw si Mark Anthony Fernandez.

Nangiti si Jinggoy nang ipaalaala ni Pia ang biro raw ni Daboy na dadalawin pa rin ito kahit wala na. Sabi ni Jinggoy na ibinuko ng mga kaibigan na matatakutin sa multo, "Ang sa akin, kahit bumista siya, okey lang...pero sa umaga lang, ha, huwag lang sa gabi!" biro pa niya.

Ang sumunod na tanong ni Pia ay kay Bong at kung ano ang mami-miss nito ngayong wala na ang kaibigan?

"Ang pagmamahal ng isang kaibigan. Pagmamalasakit. Alam ko naman na kahit na wala na si Daboy ay ibibigay pa rin ng dalawang katabi ko. Masakit lang talaga na nawalan kami ng isang matalik na kaibigan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inamin din ni Bong na kapag nagkakaroon sila ng tampuhan ng kapwa senador na si Jinggoy, si Rudy raw ang tagapamagitan nila. "'Yun ang bridge namin, e...tuwing nagkakaroon kami ng mama sa tabi ko ng conflict...tuwing nagkakatampuhan kami, si Daboy talaga ang tulay namin."

Sinundan naman ni Ipe ang sinabi ni Bong. Aniya, "Kapag nagkaganoon pa kayong dalawa, e, baka mamaya, bumangon ang kaibigan natin. Sasabihin sa inyo, tumigil na nga kayong dalawa!" na ikinatawa nilang tatlo.

Ayon kay Bong, more than 20 years na raw ang friendship nilang apat. At naniniwala raw siyang naramdaman naman ni Daboy ang pagmamahal nila rito bilang kaibigan dahil sila rin ay naramdaman din ang pagmamahal ni Daboy sa kanila.

As parting word, ang mga katagang ito ang huling nasambit ni Ipe. Na sa oras na ini-interview ni Pia nang live ang tatlo ay halatang mas naka-recover na kahit paano sa naging pagpanaw ng kanilang matalik na kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, nasabi nga ni Phillip, "Mahal na mahal ka namin, Daboy... Sobrang pagmamahal!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang pagmamahal ng isang kaibigan. Pagmamalasakit. Alam ko naman na kahit na wala na si Daboy ay ibibigay pa rin ng dalawang katabi ko. Masakit lang talaga na nawalan kami ng isang matalik na kaibigan," says Sen. Bong Revilla about Rudy Fernandez and his two other buddies, Sen. Jinggoy Estrada and Phillip Salvador.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results