PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Juday and Ryan in Barcelona

Juday and Ryan bring the love in Spain!
Published Oct 3, 2008
"Posing at the veranda of Hotel Inglatera where we stayed, with the Barcelona Cathedral in the background. That's where we proceeded after our shoot with Judy Ann & Ryan."—Alfie Lorenzo on their trip to Spain. (Hi! January 2008 issue)
November 2004 nung umalis sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo papuntang Barcelona, Spain, para kunan ang honeymoon scene nila sa pelikulang Sakal, Sakali, Saklolo, na entry ng Star Cinema sa Metro Manila
Film Festival Philippines (MMFFP).
Dumagsa raw agad ang napakaraming text messages sa manager ni Juday na si Alfie Lorenzo, at ang article na ito ay sinulat niya para sa kanila:
"Aba, halos lahat ay kinikilig at ang iba ay nilalagnat na agad at parang gusto na nilang hilahin ang araw para mapanood na ang mga eksena ng dalawa sa Barcelona, ha!
"Well, sinisiguro daw ni Direk Joey Reyes na kikiligin talaga ang mga fans sa mga eksenang ginawa nila. Na kapag napanood ang mga eksenang yun, parang type ninyo na ring magpakasal at mag-honeymoon
sa Barcelona. At wholesome po sina Ryan at Juday, kaya hindi
yun malaswa, ha!
"MOMMY CAROL. Pagdating namin sa Barcelona Airport noong Lunes, November 5, ng madaling-araw ay nagulat kami sa mga sumalubong sa amin. Nandoon sina Mommy Carol ni Juday at ang kaibigang Joe Barrameda. Ang alam kasi namin ay sa Lourdes, Prague, nagpunta ang dalawa at sa Paris. Nag-tren pala sila patungong Barcelona at nakalibot na sila sa Madrid bago kami dumating.
"Bongga ang dalawa, ha! Dalawang araw naming kasama ang mag-partner, although may sarili silang lamiyerda kasama nina Beth Tamayo at ilang kaibigan.
"Sanay na sanay sila sa pagsakay sa tren at pagpunta sa iba’t ibang parte ng Barcelona. Nauna pa silang nakapagsimba sa Sagrada Familia Cathedral, kesa sa amin. Pagkaalis nila ay saka lang nag-shoot si Direk Joey sa Sagrada Familia.
"DIRETSO SA TRABAHO. Tatlong araw na sunud-sunod ang shooting nina Juday at Ryan sa Barcelona. Kararating lang ng dalawa, diretso-trabaho na agad sila. Sa airport pa lang ay kinunan na sila, para nga naman maipakita ang pagdating nila sa kanilang honeymoon. At dahil three days lang kami nina Juday at Ryan sa Barcelona, ratsada talaga at walang pahinga.
"Nagsisimula ang shooting nila ng 6:00 a.m., at gabi na natatapos. Iba’t ibang lugar na hindi pa nakunan o nakita sa mga teleserye o iba pang TV specials na kinunan sa Barcelona ang ginalugad ni Direk Joey. Sa dami ng magagandang lugar sa Barcelona, hindi nga kakasya ang tatlong araw, kung hindi mamadaliin ang syuting.
"So, kailangan talaga ay mabilisan ang trabaho, na hindi puwedeng pabandying-bandying lang, ha! Hindi nga tulad sa Pilipinas na mas matagal pa ang paghihintay ng mga artista kesa sa kinukunang mga eksena nila.
"DINNER PARTIES. Sa second day namin sa Barcelona ay may mga Filipinos na nag-organize ng dinner for Juday and Ryan. Kaya lang, gawa ng the day before ay galing nga sa mahabang biyahe sina Juday at Ryan at maagang-maaga silang pinapunta sa set, bagsak na sa pagod at puyat ang dalawa pagdating ng gabi at hindi na sila magising!
"Kaya kami na lang nina Direk Joey, ang staff niya, at sina Mommy Carol at Joebarr ang nagpunta. Kinabukasan naman ay natuloy ang isa pang dinner party for Juday and Ryan, organized by another set of Filipino workers sa Barcelona. This was given by Tina Paner’s boss sa travel agency nila.
"Last night na namin yun sa Barcelona. Ako naman ay matutulog lang sana ng dalawang oras in time for the dinner at 8:00 p.m., kaso nung ginigising na pala kami ni Nonong [make-up artist ni Juday] ay nagsawa ito ng kakakatok sa kuwarto namin, pero hindi kami nagising. Balak sana namin na maglamiyerda magdamag, since 7:00 a.m. pa lang ay tutungo na kami sa airport para sa biyahe namin pabalik ng Pilipinas.
"12 HOURS NA PAGHIHINTAY. Tama na naman ang sapantaha namin na huwag umalis ng Nobyembre 1, dahil unang-una, eh, pistang patay nga yun at ikalawa ay birthday ng mommy ni Ryan ng November 3, kaya November 4 ang pinili naming araw nang pag-alis patungong Barcelona.
"Dahil November 4 ang rebooking namin ay sa KLM kami napasakay kaya sa Amsterdam lang ang stopover namin. E sina Direk Joey at crew niya ay sa Doja pala dumaan via Lufthansa Airways at nagdusa sila ng paghihintay doon ng 12 hours! Ganyan din ang ruta nila pabalik ng Maynila.
"Kaya inis na inis si Direk Joey, kasi nga naman nasasayang lang ang 12 oras sa paghihintay lang ng next flight. When he could have utilized the wasted hours in shooting some more scenes. Habang wala pa sina Juday at Ryan sa Barcelona, ay nakakuha na ng mga establishing shots si Direk Joey at nakunan na rin ng ilang eksena niya si Dominic Ochoa.
"TWO-DAY DAY-OFF. Friday, November 9 ng alas-10:00 nang umaga kami dumating ng Manila nina Juday, Ryan at Kuya Jeff ni Juday. Mahigit na 12 oras ang biniyahe namin from Barcelona to Amsterdam to Manila. Kahit na tulugan mo ang biyahe ay iba rin yung sa bahay at sa kama ka natulog, fully rested ang katawan mo. Ewan ko ba kung bakit yung tulog sa eroplano ay hirap pa sa katawan. Kaya humingi si Juday ng day-off ng Sabado at Linggo, para makapahinga siya.
"Masuwerte si Gorgy Rula ng Startalk dahil bukod-tangi siyang nakakuha ng exclusive footages ng pagdating nina Juday at Ryan sa airport. Dapat kasi ay mag-stopover muna sa Amsterdam sina Juday for three days, para naman daw makita nila ang lugar, pero nagkakahirapan sa rebooking at ni walang hotel na available at baka raw next month pa makauwi ang dalawa kapag nagpaiwan sila sa Amsterdam.
"Kaya umaasa na lang si Juday na kung sakaling matuloy ang premiere night ng Sakal, Sakali, Saklolo ay may chance na niyang malibot ang Amsterdam.
“'WALANG IWANAN'. Kinunandin ng TFC Barcelona sina Juday at Ryan ng Christmas greetings nila para sa ABS-CBN. Yung Christmas specials pala ng ABS-CBN ay kabilang doon ang greetings ng mga artista na nasa iba’t ibang panig ng mundo. Sa Barcelona nga nakarga ang kina Juday at Ryan, which is timely naman para sa promo ng kanilang 2007 Star Cinema MMFFP entry.
"Bongga ang eksena, dahil ginawa pa yun sa harap ng Sagrada Familia, na kung saan ay nag-dialogue si Juday, “…na kahit nasaan ka man, nasa Saudi ka man, nasa Amerika ka man, o kahit saang panig ng mundo, masaya ang Pasko mo, basta kasama mo ang mahal mo.”
"At pagkabanggit ni Juday ng 'mahal mo' ay biglang ibinaling naman ang kamera kay Ryan, na nag-dialogue naman ng, 'kaya nga ako nandito,
walang iwanan!'
"Oh, bongga, ‘di ba? Siguradong kikiligin na naman ang mga fans nina Juday at Ryan at bagay na bagay nga ang mga linyang “walang iwanan” sa kanila, lalo na ngayong Pasko, na may pelikula silang palabas.
"INTELLIGENT MOVE. Natatawa naman ako sa question ni Gorgy Rula kina Juday at Ryan kung nagpakasal na raw ba ang dalawa sa Barcelona, kaya doon ang honeymoon nila?
"Kasama lahat sa script ng Sakal, Sakali, Saklolo yung kasal at sa Barcelona nga kunwari naghoneymoon ang dalawa. Bahagi lahat ‘yun ng kuwento sa MMFFP entry.
"Ewan ko ba naman kung bakit inaapura ang dalawa na magpakasal na. Sa halip na payuhan sila na huwag gumaya sa mga biglang nagpakasal at ilang araw lang ay hiwalayan na ang usapan at galit-bati na ang isyu. Bakit hindi man lang nila mapuri sina Juday at Ryan, for setting an intelligent move na pinaghahandaan ang bukas nila at pinag-iisipan nang matindi ang mga hakbang na gagawin nila? Hindi ‘yung basta lulundag na lang sa kawa ng apoy only to cry out loud, ‘pag nasunog na sila!
"Ganyan ko nga napupuri sina Juday at Ryan sa desisyon nila. Ang kinabukasan nila ang inaalala nila. Paano nga naman kung mag-quit na sa showbiz si Juday, ‘pag mag-asawa na sila ni Ryan, sino ang tutulong pa kay Juday at sino ang tatakbuhan niya, if and when bumaba na ang status niya bilang nangungunang bituin ngayon sa showbiz? Hindi kaya gusto lang ng mga hindi makaalagwa ang kasikatan, eh, mawala na sa eksena si Juday sa pag-asang makakaabante na sila ‘pag wala na si Juday? Nakakatawa namang pag-asa yun, huh!"
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Posing at the veranda of Hotel Inglatera where we stayed, with the Barcelona Cathedral in the background. That's where we proceeded after our shoot with Judy Ann & Ryan."—Alfie Lorenzo on their trip to Spain. (Hi! January 2008 issue)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results