PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Raymart Santiago admires wife Claudine's stamina in handling both career and family

Raymart on son Santino:"Parang maliit na action star!"
Published Oct 30, 2008
"Sobra kung magtrabaho ang misis ko at minsan umaga na ‘yan nakakauwi. Pero ang nakakagulat sa kanya, kahit pagod ‘yan sa taping, inaasikaso pa rin niya ang mga bata. Kaya sobrang bilib ako sa asawa ko pagdating sa pag-aalaga ng pamilya," Raymart Santiago proudly says of wife Claudine Barretto.

Nakapagbakasyon si Raymart Santiago ng anim na buwan after ng last show niya sa GMA-7 na Zaido: Pulis Pangkalawakan. Kahit natagalan na mabigyan siya ng bagong show, nagpapasalamat pa rin siya dahil nagkaroon siya ng maraming time para makasama ang mga anak nila ng misis niyang si Claudine Barretto.

Kinuwento ni Raymart sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na siya ang mas nakakasama ng kanilang mga anak na sina Sabina at Santino sa bahay at sa pamamasyal dahil nag-comeback si Claudine sa ABS-CBN 2 via Iisa Pa Lamang kaya madalas na wala ito sa bahay.

LITTLE ACTION STAR. Kuwento nga ni Raymart, mas nahirapan daw siya na alagaan si Santino kesa sa una nilang anak na si Sabina.

"Si Sabina kasi noong baby pa, madaling alagaan. Hindi mahirap palitan ng lampin, pakainin at paliguan. ‘Tsaka madaling patulugin. Itong si Santino, masyadong malikot. Lalake kasi, e, at parating hyper. Naku, takbo nang takbo. Ako ang napapagod talaga," ngiti pa ni Raymart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya minsan pinapaubaya ko madalas sa yaya niya or si Claudine mismo ang tumitingin kapag nasa bahay siya. Sinabi ko na hindi ko kinakaya si Santino. Parang maliit na action star!" sabay tawa niya.

FAMILY TIME. Dahil nga kasama siya sa telefantasya na Gagambino ng GMA-7, pareho na sila ng misis niyang si Claudine na wala sa bahay madalas at nagtatrabaho. Pero sabi naman ni Raymart na may inilalaan silang oras para sa mga bata para naman nakikita pa rin sila ng mga ito sa bahay at makalabas pa rin sila as a whole family.

"May pinag-usapan naman kami ni Claudine na kapag walang taping, nasa bahay lang kami. Hindi muna kami tatanggap ng ibang trabaho, not unless importante iyon talaga. Mas gusto kasi namin to spend more time with the kids. Kasi nasanay silang magkakasama kami parati.

"Okey naman yun kay Claudine kasi nagkakaroon siya ng rest day na rin. Sobra kung magtrabaho ang misis ko at minsan umaga na ‘yan nakakauwi. Pero ang nakakagulat sa kanya, kahit pagod ‘yan sa taping, inaasikaso pa rin niya ang mga bata. Kaya sobrang bilib ako sa asawa ko pagdating sa pag-aalaga ng pamilya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil nga sa payat at sexy na ulit si Claudine, hindi ba naiisip ni Raymart na magkaroon ulit sila ng bagong baby?

"Paminsan-minsan!" sabay tawa niya.

"Naku, hindi pa naman namin iniisip na sundan agad si Santino. Siguro after three years pa. Gusto namin na malaki na siya bago sundan. Mahirap na baby pa lang, e, susundan mo agad ng isa pang baby. Nakaplano naman lahat ‘yan sa family namin."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sobra kung magtrabaho ang misis ko at minsan umaga na ‘yan nakakauwi. Pero ang nakakagulat sa kanya, kahit pagod ‘yan sa taping, inaasikaso pa rin niya ang mga bata. Kaya sobrang bilib ako sa asawa ko pagdating sa pag-aalaga ng pamilya," Raymart Santiago proudly says of wife Claudine Barretto.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results