Dumating na kaninang 9:50 a.m., December 12, via China Airlines ang American Idol Season 7 finalist na si Ramiele Malubay. Kasama ng Fil-Am singer ang kanyang boyfriend na si Austin Torres.
Nandito si Ramiele para sa concert—Ogie Sings With the Idols—na gaganapin sa December 20 & 21 sa Aliw Theater. Excited si Ramiele dahil first time siyang mag-show sa Pilipinas.
Paborito raw na singer ni Ramiele ang girlfriend ni Ogie na si Regine Velasquez, at gusto niyang makita in person ang Asia's Songbird. Matutupad ang kahilingang ito ni Ramiele dahil magge-guest siya nang live sa SOP sa Linggo, December 14.
Looking forward din ang 21-year-old Fil-Am singer sa mga guest appearances niya sa Kapuso network.
Habang nandito sa Pilipinas si Ramiele ay uuwi raw siya sa hometown ng kanyang ama sa Polilio Island. Dito rin siya magpa-Pasko at magba-Bagong Taon dahil three months siyang mananatili sa bansa.
Si Ramiele ay naging 9th placer sa American Idol Season 7, kung saan ang nanalo ay si David Cook.
Ipinanganak si Ramiele sa Dammam, Saudi Arabia ngunit dinala siya ng kanyang mga magulang sa Pilipinas during the Gulf War. Pagkatapos nito ay nanirahan ang kanyang pamilya sa Miramar, Florida, kung saan sila naka-base hanggang ngayon.
Click here to view a video of an interview with Ramiele.