Last February 21, lumipad si Ronnie Liang along with Pinoy Dream Academy Season 2's Bugoy Drilon para sa isang charity show na ibinigay ng ABS-CBN at DZMM para sa mga kababayan natin sa Hong Kong. Nag-perform sila mula 11 am to 6 pm noong February 22 sa Chater Garden in Central Park. Kinanta ni Ronnie ang ilan sa mga pinasikat niyang kanta tulad ng "Ngiti."
"Ang sarap ng feeling kasi nakita ko yung kasiyahan, yung kagalakan ng mga kababayan natin dun. Siyempre pagod sila, marami silang trabaho, nakita ko yung happiness nila na makakita sila ng artists," kwento ni Ronnie sa PEP.
"It's a charity show ng ABS-CBN and DZMM for our Filipino OFWs tapos may medical mission din, may mga Filipino doctors na nagbibigay ng libreng check ups, consultation. Ang sarap ng feeling na alam mong napasaya mo 'yung mga kababayan natin dun."
Kahit kapos sa oras ay nagkaroon naman ng tsantsa si Ronnie na kahit papaano ay maglibot at i-enjoy ang Hong Kong.
"Tumuloy kami sa Panorama Hotel, yung hotel namin nasa gitna ng city so nakapaglibot-libot pa kami. Sumkay ako ng subway, buong Hong Kong pala may subway pero lakad ng lakad ang mga tao dito kahit ang lamig. Ito siguro ang reason kaya di sila tumataba tapos ang tagal ng buhay nila.
"Nag-night market kami, dito ako mas natutong tumawad. Nag-uwi ako ng mga pasalubong like pabango, damit at kung anu-ano pang mabibili para sa pamilya ko.
"May radio station ang mga Filipino dun. Nag-radio tour kami, nandun 'yung mga kanta namin. Ang daming pumasok sa computer nilang messages for us: Kumusta na raw si Sarah [Geronimo], regards daw sa ASAP, nanood daw sila ng I Love Betty La Fea. Yung iba nga ang tawag sa akin ay Enrique [ang karakter nya sa Betty La Fea] kaya nakakatuwa kasi nanonood talaga sila ng Betty."
Right after the show ay lipad agad pabalik ng Pilipinas si Ronnie dahil may taping pa siya ng Betty La Fea kung kaya't medyo bitin ang punta niyang ito sa naturang bansa. Nangako si Ronnie na babalik siya uli ng Hong Kong para higit na i-enjoy ang nasabing lugar.
"After ng show punta agad kami sa airport, balik agad kami sa Pilipinas coz may taping ako ng I Love Betty. Gusto ko sanang mag-extend kaya lang di ako pinayagan. Actually two weeks nga ang binigay ng stay sa akin ng Immigration pero two days lang ang nagamit ko. Babalik talaga ako dun, maybe with my family."
This coming June ay aalis ng bansa si Ronnie for the Star Magic World Tour. Isang endorsement rin ang pinaghahandaan sa ngayon ni Ronnie bukod sa isa pang bagong album under Universal Records na dapat ay abangan ng kanyang mga tagahanga.