Sa special video message na ginawa ni Gabby Concepcion sa nakaraang birthday celebration ng kanyang ex-wife na si Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum last January 6, nagsilbi itong hudyat ng tuluyang pagtutuldok ng kung anumang samaan ng loob na namagitan sa dating mag-asawa.
Gabby is very vocal in saying na bukas ang communication line nila ng dating asawa through texting at minsan ay nag-uusap din sila sa phone. But last Monday, March 16, ay personal na raw nagkita at nag-usap ang dalawa. Kinumprima ito ng aktor sa nakaraang grand launch ng Mikaela for Philosophy noong Lunes din ng gabi
"Just like I said before, nag-uusap na naman kami ni Sharon. Nagkita kami for the first time dahil nga sa station ID ng ABS-CBN. Inalam ko kung nandun siya, nagpunta ako sa dressing room niya, kinumusta ko siya. Sandali lang, but it's a very happy feeling. Ang daming words to put that feeling, but overall it was really, really good feeling to see her again. Nag-usap kami uli after all those storms that passed," kuwento ni Gabby sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
KC CONCEPCION. Kung may isang man siguradong matutuwa sa nangyari, ito ay ang anak nina Gabby at Sharon na si KC Concepcion, na nasa Paris, France ngayon para sa taping ng Lovers in Paris with Piolo Pascual.
"Maganda ang feedback ang naririnig ko sa tamabalan nila ni Piolo, and excited din naman siya nung nag-uumpisa sila, bago sila nag-umpisa. Another project for her and nakikita ko naman sa feedback ng mga tao na magiging successful ang teleserye nila. Plus, ginawa pa sa Paris and dun galing si KC, o relax na relax si KC."
Proud din si Gabby sa charity work ng kanyang anak.
"Kahapon galing ako sa Iloilo. Nakausap ko si Mayor Espinosa and nabanggit niya sa akin na madalas daw si KC dun at sinusuportahan niya ang abused women and suportado yung French supporters. Nakakadalaw o nakakatatlong punta na yata siya dun, nag-o-overnight pa siya dun para lang makatulong sa kanya. I'm very happy that si KC grew up to be a mature and responsible individual," pagmamalaki ng aktor sa anak.
MAY BUKAS PA. Sa maayos ng relasyon ngayon ni Gabby kay Sharon at kay KC, maganda rin ang itinatakbo ng career ni Gabby. Mapapanood siya ngayon sa top-rating (based on TNS survey) family drama na May Bukas Pa at gagawa rin siya ng teleserye with Lorna Tolentino and John Estrada.
"I'm ecstatic, siyempre lahat ng nangayayari sa akin ng 2009, happy ako dahil yung mga projects na yun, napag-aralan nang husto. I'm so thankful nga na may mga project ako na ganun kagaganda na hindi ko naman ine-expect.
"Dun sa May Bukas Pa, parang naintriga kasi ako. 'Ano ba itong May Bukas Pa at sobrang pinapanood ng mga tao?' Then I find out na may mga lessons pala ito kaya pala ang title ay May Bukas Pa. Parang binibigyan tayo ng pag-asa na kahit na ano pa ang daanan natin sa buhay, may dahilan. Di katulad ng iba na natapos, ano ba ang moral lesson nun? Happy ako to be part of this teleserye. Iba ang role ko dito. Medyo natatawa nga ako kasi ngayon lang ako gumanap ng ganun, so, sana abangan nila.
"Regarding dun sa teleserye namin nina Lorna and John, napakinggan ko na yung storyline and maganda yung storyline. Base dun sa storyline na iprinesent sa akin, gustung-gusto ko siya.
"Si Lorna, she's very professional. Madalas ko siyang katrabaho, marami akong natutuhan sa kanya kasi mas nauna sila sa akin. So nung mga panahong nag-uumpisa ako, inoobserbahan ko rin sila at mga nasa paligid ko. Marami akong natutuhan sa kanila and she's really good," pagtatapos ni Gabby.
