PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sheena Halili makes sure to stamp her mark on every role

Sheena almost quit showbiz. Then Marimar came along.
by Ruel J. Mendoza
Published Mar 20, 2009
"Kahit na ipagawa sa akin ang mag-tumbling sa apoy at tumawid sa pansit, gagawin ko para lang tuluy-tuloy ang pagbigay ko ng kasiyahan sa kanila," jokes Sheena Halili about her willingness to exert effort for the TV viewers' entertainment. She also makes sure she makes her mark on every role she gets so that people would always remember her.

Masayang-masaya nga si Sheena Halili dahil sa magandang takbo ng career niya sa GMA-7. For the past two years nga raw ay hindi siya nababakante sa trabaho at may bago siyang series parati kapag may natapos na siyang isa.

Tuloy may mga nang-iintriga kay Sheena na baka isa na siya sa mga paborito kaya hindi siya nawawalan ng trabaho.

"May gano'ng chika talaga?" tawa ni Sheena.

"Kung paborito ako, e, di sana nagbibida na ako. E, ang mga roles ko naman puro supporting lang at enjoy ako sa binibigay na mga roles sa akin kasi hindi ako pressured. Puro patawa lang ang ginagawa ko."

Simula nga noong Marimar ay nalinya na si Sheena sa mga sidekick roles. Nasundan ang Marimar ng Ako Si Kim Samsoon, Lalola at ngayon ay kasama siya sa Zorro. Gagampanan niya ang role na Lena, isa sa mga babaeng nagbibigay-aliw sa mga kalalakihan sa series.

"Akala ko nga sexy ang role kaya nagtanung-tanong pa ako. Nalaman ko na wala naman pala kaming isusuot na sexy na damit kasi period series ang Zorro kaya ang mga babae ay balot na balot ang mga suot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"In fairness, magaganda ang costumes namin. Mainit nga lang kasi patung-patong. Yung mga eksena namin ang puro tawanan kasi maiingay kami nina Maureen [Larrazabal], Bubbles [Paraiso], Paloma, Sheila Marie at Bianca [King]. Lahat kami mga kikay, masaya sa taping."

MAKING HER MARK. Muntik nang iwan ni Sheena ang showbiz noon dahil inakala niya na wala nang mangyayari sa career niya. Binalak niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Pampanga. Pero biglang dumating ang role na Monica sa phenomenal hit series na Marimar.

"Sinabi ko nga sa sarili ko na kung wala pang mangyari sa akin sa Marimar, talagang titigil na ako. Kaya ginawa ko ang lahat ng puwede kong gawin sa role ko. Nagluka-lukahan ako, nagtanga-tangahan ako para lang mapansin ako sa show.

"Naging effective naman. Naalala nila ang role ko at maganda ang feedback na nakuha ko. 'Tapos naging big hit pa ang Marimar kaya doon na nagsimula ulit ang lahat. Kaya sa lahat ng role na ibigay sa akin, I make sure na lalagyan ko ng kakaibang dating para tumatatak siya sa mga manonood."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod nga sa mga series na ginagawa ni Sheena, napapanood din siya sa sarili niyang segment sa Pinoy Records tuwing Sabado at paminsan-minsan ay nagpe-perform siya sa SOP tuwing Linggo naman. Kaya the whole week na siyang napapanood.

"Mabuti na lang at hindi nagsasawa sa akin ang mga tao. Naku, huwag naman sana, di ba? Matagal kong hinintay ang ganitong klaseng work kaya maaliw pa sila sa akin.

"Kahit na ipagawa sa akin ang mag-tumbling sa apoy at tumawid sa pansit, gagawin ko para lang tuluy-tuloy ang pagbigay ko ng kasiyahan sa kanila," sabay tawa pa ni Sheena.

NO TIME FOR SUITORS. Dahil nga sa nagiging priority na ni Sheena ang kanyang career, dedma ba siya sa mga lalake na type siyang ligawan?

"Hindi naman sa dedma. Wala lang akong time to entertain them. Kung liligawan ako, gusto ko ay puntahan ako sa bahay. I'm still a lady after all," ngiti niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ayoko yung dinadaan sa text-text lang. Ano gusto nila? Sagutin ko sila sa text din? Hindi maganda, huh! Dapat manligaw nang tama para sagutin ko sila nang tama rin," pagtatapos ni Sheena Halili.

Read Next
Read More Stories About
Sheena Halili, Marimar, '
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kahit na ipagawa sa akin ang mag-tumbling sa apoy at tumawid sa pansit, gagawin ko para lang tuluy-tuloy ang pagbigay ko ng kasiyahan sa kanila," jokes Sheena Halili about her willingness to exert effort for the TV viewers' entertainment. She also makes sure she makes her mark on every role she gets so that people would always remember her.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results