PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sheryl Cruz does not burn bridges with competing networks

Sheryl goes where there's work and good roles.
by Rommel R. Llanes
Published Apr 4, 2009
"I cannot say this is better than that. Basta yung akin lang, I've always been happy here [GMA-7], yes, I'm happy. I worked for ABS for sometime, nakita ko yung mga taong na-miss ko. But then, it cannot last forever also kasi marami din namang mga artista ang nagtatrabaho doon, binibigyan din naman nila ng iba't ibang projects," says Sheryl Cruz about working in both ABS-CBN and GMA-7.

Masaya ang aktres na si Sheryl Cruz na isa siya sa iilang mga artista na malayang nakakapagtrabaho sa dalawang higanteng networks sa bansa, ang ABS-CBN at GMA-7. Matatandaang nang bumalik sa pag-arte si Sheryl pagkatapos ng ilang taong pamamalagi sa U.S. kasama ng kanyang pamilya, gumawa siya ng sunud-sunod na proyekto sa GMA-7, simula sa Mulawin. Pero pagkalipas ng ilang proyekto ay nagdesisyon naman siyang gumawa sa ABS-CBN.

Ngayon ay balik-GMA-7 na naman si Sheryl. Kasama siya sa ipinalalabas na ngayong SRO Cinemaserye Presents "Ganti."

"It's a very, very competitive industry, especially now," simula niya. "Sinu-sino na lang ba ang nagbibigay ng trabaho sa industry natin? So, instead na magkaroon tayo ng mga [network] war, di ba, mas gusto ko yung nagkakatulungan tayo, wala nang labels, di ba?

"Basta yung akin lang, kung sino man yung nakatulong sa 'yo, I think it's just right na you give respect and you do your part. Pero kung wala ka naman talagang kumpromiso na kailangan mong pangalagaan o exclusivity na pinirmahan, then it's still my choice where I want to work and where work is being offered. Kasi nowadays, I cannot be choosy in the sense na kailangang mag-inarte pa ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kapag meron namang ino-offer na matinong trabaho and it is a regular pay, at maganda yung role, it's decent enough, why not?" mahabang paliwanag niya.

SWITCHING CHANNELS. Kaya naman kahit nasa GMA-7 siya ngayon, willing pa rin si Sheryl na muling magtrabaho sa ABS-CBN.

"It depends," sabi niya. "Per show naman talaga ako. Pero ako naman, kilala n'yo naman siguro ako, my loyalty is where I am working. At saka kahit papano naman, hindi naman ako nagsasalita ng whatever regarding kung sino ang pinagtatrabahuhan ko.

"Of course, in this world, you cannot have everything you want, di ba? There are still mga things na cannot be given to you and I have to be contented with that in the sense na kung sino ang mas nag-aalaga nang mas better or whatever, ganyan.

"I cannot say this is better than that. Basta yung akin lang, I've always been happy here [GMA-7], yes, I'm happy. I worked for ABS for sometime, nakita ko yung mga taong na-miss ko. But then, it cannot last forever also kasi marami din namang mga artista ang nagtatrabaho doon, binibigyan din naman nila ng iba't ibang projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung akin, kung wala naman talagang project na maganda na magagawa ko, why should I worry about it? Anyway, I'm a freelancer, kapag merong bagong offer na maganda, na sparks my interest, why not, di ba?"

Maganda naman ang relasyon ni Sheryl sa ABS-CBN, kahit nasa GMA-7 siya ngayon.

"I didn't burn my bridges with anybody. No bad blood between me and ABS. Humingi talaga ako ng permiso because I said I would be coming back," sabi niya.

Kaya naman masaya si Sheryl sa takbo ng kanyang career.

"Well, I'm very happy career-wise, wala akong reklamo. Kaya nga I thank the Lord for all the projects and thank you rin sa GMA for entrusting me this new and challenging project, na SRO Cinemaserye Presents Ganti."

Nagpapasalamat din siya na hindi siya kinakalimutan ng GMA-7 kapag may magandang dramatic projects.

"Every time na mabibigyan ako ng project, hindi naman nakaka-disappoint. Kasi I feel so blessed, I feel na kahit papaano... Di ba, kapag binibigyan naman nila ako, marami ang napapasaya—ang mga fans, ang mga manonood—kasi iba-iba yung mga characters, at magaganda."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Sheryl Cruz
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I cannot say this is better than that. Basta yung akin lang, I've always been happy here [GMA-7], yes, I'm happy. I worked for ABS for sometime, nakita ko yung mga taong na-miss ko. But then, it cannot last forever also kasi marami din namang mga artista ang nagtatrabaho doon, binibigyan din naman nila ng iba't ibang projects," says Sheryl Cruz about working in both ABS-CBN and GMA-7.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results