PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wendy Valdez on long-distance relationship with Bruce Quebral: "There's nothing to worry about."

Wendy stars opposite Joem Bascon in an episode of Precious Hearts Romances.
Published Apr 24, 2009
Though marriage is the farthest thing from her mind, Wendy Valdez is hoping that present boyfriend Bruce Quebral is her Mr. Right.

Sa upcoming romantic series ng ABS-CBN na Precious Hearts Romances, kapansin-pansin na bagong mga pares ang tampok sa bawat istorya nito. Sa isang episode, ang magkatambal ay sina Wendy Valdez at Joem Bascon, na una nating napanood sa I Love Betty La Fea nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

"Actually, meron din nga kaming bed scene ni Joem sa Betty kaya medyo na-familiarize na rin namin ang isa't isa. So, ine-expect ko na medyo mas kumportable na kami sa isa't isa," sabi ni Wendy sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ibinuko pa ni Wendy na nagkakailangan daw sila ni Joem sa Betty La Fea noon.

"Super nagkakailangan kami sa Betty, na umabot kami ng ilang takes sa bed scene namin. Kasi, siyempre nakaka-ano yung mag-ulit-ulit ng kissing scene, di ba? So, hopefully, I'm expecting na ngayon, one take na lang."

After niyang "awayin" si Joem, naging okey rin sila agad?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Well, hindi naman inaway yung away... Parang, 'Joem naman!' Yung mga ganoon lang. Siguro ngayon, feeling ko naman, magiging kumportable na siya," sabi ng dating housemate sa Pinoy Big Brother Season 2.

NOT FAN OF ROMANCE NOVELS. During the Q&A portion sa presscon ng Precious Hearts Romances, inamin ni Wendy na hindi siya nagbabasa ng mga romance books. Mas gusto pa raw niya ang mga horror books. Puwede kayang sabihin na hindi siya yung tipong romantic na tao?

"Hindi. Kasi, di ba, kapag horror, nandiyan yung medyo natatakot ka? But it doesn't mean, I'm not romantic. I love movies. Noon nagbabasa kasi ako noong high school pa, so medyo childish pa. At saka kapag movies, mas madali kasing manood."

Yung mga kuwentong gagawin nila na hango sa romance pocketbooks ay may mga eksenang sensual. Siya nga ba among the lead actresses ang magbibigay ng justice sa mga intimate scenes ng bawat episode?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Posible, kasi galing ako sa ganoong role," sabi niya. "Baka ganoon..Pero ako kasi, medyo makulit kasi ang character ko rito. So, it's going to be fun. Actually, marami ngang mga bed scenes, pero lahat naman yata kami, maraming mga sexiness na ipapakita."

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP. Going strong pa rin daw ang relasyon nila ng boyfriend niyang si Bruce Quebral kahit nagdesisyon na ngang mag-quit ito sa showbiz at magtrabaho na bilang flight steward sa Emirates.

Masuwerte pa rin daw silang matatawag ni Bruce kumpara sa ibang mga nagtatrabaho abroad.

"Hindi naman kami yung madalang na madalang na magkita, na parang mga tipong OFW. We're lucky pa rin kasi sometimes, he has flight here in Manila and for four days, he can stay here, so I'll be with him."

December pa raw nang magsimula si Bruce bilang FA (flight attendant). Although for three months, training pa lang ito at ngayon pa lang talaga siya nagpa-flight.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nakauwi na siya ng for ten days straight at nakakadalawang flights na rin siya sa bansa."

Hindi ba mahirap para sa kanila ang long-distance relationship?

"Medyo mahirap noong una, yung first three months, kasi hindi siya nakakauwi. So, medyo malungkot, pero coping. And we always talk naman and we chat. And we trust each other so much, so there's nothing to worry about. At saka, iba rin kasi yung kapag occupied ka sa work, e. Maganda rin when you are working, hindi ka masyadong malulungkot."

Paano nila naibibigay ang assurance sa isa't isa that they will be faithful to each other kahit magkalayo sila?

"We feel it at saka kami, parang nasubukan na namin. Ako rin, may nagkukuwento sa akin na marami raw ang nagkakagusto sa kanya dun, at yun, parang wala naman daw siyang ano... So, ako rin, ganun din sa akin."


I WILL FOLLOW HIM. Inusisa rin namin kay Wendy yung lumabas na balitang nauna lang si Bruce na magpunta sa ibang bansa para magtrabaho, pero ang plano nilang talaga ay susunod siya rito. Totoo ba ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Meron akong mga iniisip na gano'n. Baka it's better if I'll go there with him. Pero ang nangyari kasi, nag-close yung Emirates, so it's a sign. 'Tapos, nagkaroon naman ako ng work, so parang hindi muna siguro."

Bahagi na rin ba ito sa plano nilang pagpapakasal?

"Plan na rin siguro, kasi malungkot din naman kung work lang ang habol namin pareho. Pero yun nga, gaya ng sinabi ko, hindi naman din, nagsara rin ang Emirates. So, I guess, ito na muna ang work for me at ngayon naman, hindi na kami ganoong nahihirapan."

Napag-uusapan na rin daw nila ang future plans nila like getting married.

"Siguro kasi, we're adults. Siguro naisip namin yung ganoon. But he still has a lot of things to do. I think, the right time will come. We'll feel it naman, e. Pero sa ngayon, yung work niya, it's more for his family pa rin. Kasi, di ba, pareho naman kaming breadwinner? At noong nandito naman siya sa Philippines , hindi naman siya masyadong nakakaipon. At least now, better naman na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa palagay niya, ilang years pa kaya bago sila magpakasal?

"I don't know, hindi ko naman kasi masabi. Mamaya, magbigay ako ng four to five years 'tapos baka earlier pa, baka later pa."

Sa palagay niya, si Bruce na nga ba ang lalaking pakakasalan niya?

"Sana! At saka sana ganoon din siya sa akin. Kawawa naman ako kung hindi naman pala!" natawang sabi ni Wendy.

Palagay ba ni Wendy ay tama ang naging desisyon ni Bruce na maging FA at iwan ang nasimulan na ring career sa showbiz?

"I think....and there are lot of times na sinasabi niyang he is so happy with his job. Hindi ko kasi naririnig sa kanya yun dito. Kasi, hindi niya talaga gustong umarte. Ayoko naman na nalulungkot siya. Siyempre, kapag naririnig kong masaya siya, I am also happy. Siyempre, mas maganda yung nae-enjoy mo ang ginagawa mo. Although yun, may lungkot, pero ganoon naman talaga, lahat naman may something," pagtatapos ni Wendy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Wendy Valdez, Joem Bascon
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Though marriage is the farthest thing from her mind, Wendy Valdez is hoping that present boyfriend Bruce Quebral is her Mr. Right.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results