PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eula Valdes defends nude pictorial of boyfriend Rocky Salumbides

Rocky did not renew his modeling contract in South Africa because of Eula.
by Rommel R. Llanes
Published Jan 7, 2010
"Kasi unang-una, yung photographer na yun, yun ang photographer ng Louis Vuitton, hello! Parang, hindi naman siya kung sinu-sino lang na ano [photographer]. Para sa kanya, kay Rocky, siya lang yung Asian dun sa book na yun, e. Hindi yun basta-basta... Yung sa kanya, ginawa naman niya yun, it's for a good cause naman," says Eula Valdes about the nude pictorial of boyfriend Rocky Salumbides (inset).

Recently lamang daw nakita ni Eula Valdes ang controversial nude photo ng boyfriend niyang si Rocky Salumbides, ang international model na naging housemate sa Pinoy Big Brother Double Up ng ABS-CBN. Ito ang ipinahayag ni Eula nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng The Last Prince kagabi, Janaury 6, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Aniya, "Alam mo yung nude photo niya, recently ko lang nakita, alam ko na yun noon pa. Kasi yun yung lumabas dun sa book na para sa tsunami victims. Yung pictorial niyang yun, para yun doon. Kumbaga, ako gumawa ako ng... hindi naman nude, pero may ginawa si Xander Angeles na X book, parang ganun lang yun.

Ano ang reaksiyon ni Eula nang makita niya ang nude pictorial ni Rocky?

"Wala, natawa lang ako," sambit niya.

Alam ba ni Eula kung bakit pumayag si Rocky sa nude pictorial na yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi unang-una, yung photographer na yun, yun ang photographer ng Louis Vuitton, hello! Parang, hindi naman siya kung sinu-sino lang na ano [photographer]. Para sa kanya, kay Rocky, siya lang yung Asian dun sa book na yun, e. Hindi yun basta-basta. E, ako nga nag-FHM naman ako, hindi nga lang kita yung lahat-lahat. Yung sa kanya, ginawa naman niya yun, it's for a good cause naman," paliwanag ng aktres.

Pero aware daw si Eula na naging controversial ang nude photos ng boyfriend.

"Siyempre, kasi ang interpretasyon ng iba, kung hindi nila alam na galing sa libro yun, di ba? So, yung aspetong yun naawa ako sa kanya, kasi dyina-judge siya na iba ang nasa isip ng ibang taong nakakita nung photo. Although ako, hindi naman ako affected kasi alam ko naman kung saan yun nanggaling," saad ng aktres.

Hindi rin daw nabastusan si Eula sa nude photos ni Rocky.

"Art naman, e, hindi naman siya bastos."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Affected ba si Rocky sa sinasabi ng iba?

"Hindi, hindi siya affected," sagot ni Eula. "Pero kung kunwari lalapitan mo siya na, 'Uy, ito, pototoy mo ba ito?' Yung ganun, maaapektuhan naman siya ng ganun,."

May nagbirong nagtanong kay Eula kung kay "rocky" ba talaga ang private part na nasa larawan?

"It's for me to know!" ang natatawang sagot naman ni Eula.

IS ROCKY JOINING SHOWBIZ? Wala bang nawala o nasakripisyong project si Rocky sa pagkalat ng nude photos niya?

"Wala," mabilis na sagot ni Eula. "Kasi nung kinuha naman siya sa kabila [ABS-CBN], alam naman nila yun. Kasi bago pumasok sa PBB... dapat hindi si Zanjoe [Marudo] ang pumasok noon, dapat siya [Rocky]. Kaso may kontrata siya, I think sa Hong Kong or sa Singapore, nung time na yun, so hindi siya pumasok. So, ilang beses na siyang pinapatawag sa kabila and I'm sure na-research na nila 'yan, di ba? Na-research na nila, so aware sila."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naging advantage pa nga raw kay Rocky ang pagkalat ng nude photos niya sa pagpasok niya sa Bahay ni Kuya at ang boluntaryong paglabas nito dahil nami-miss na nito si Eula. Si Eula pa nga ang sumundo kay Rocky sa PBB house.

"Alam mo, kilala na nga siya. Nagpunta kami sa Baguio, grabe! Mas una pa nga siyang tinatawag kesa sa akin, alam mo yun? Yung parang given na nandiyan ako, pero siya yung tinatawag, although proud ako," saad ni Eula.

Wala siyang nararamdamang selos kapag may mga fans na lumalapit kay Rocky at humahanga?

"Ako? Hindi, hindi! Makikipag-compete ba naman ako dun? Alam mo ako, matatawa at matutuwa ako at the same time, wine- welcome ko yun kasi ang ipinagpalit niya ay yung work niya abroad. Na hindi na siya nag-renew ng contract niya sa South Africa dahil mahaba ang hair ko!" tawa ng aktres.

Una raw silang nagkakilala nang maging leading man ni Eula si Rocky sa "Minahal Kita" music video na mula sa Schizo album ng aktres noong October 2008.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero months after nung MTV, dun lang siya nag-text or nagpakita ulit," banggit ni Eula.

May balak bang mag-artista si Rocky?

"Yun nga ang pinag-usapan namin, na 'Ano ba, go-go ka ba?' Pinag-usapan namin. Yung sa PBB siyempre, ano pa ba ang kahihinatanan nun, di ba? Mag-aartista or ano. Napag-usapan namin na, 'Ano, kaya mo ba?'

"Kaya pinasabak ko na rin siya sa A Streetcar Named Desire na play ko nung October last year para meron lang siya na... Kasi sa stage, walang take two. Mas kailangan mas makapal ang mukha mo, mas ibang klase ang training, so pinasali namin.

"Nagustuhan kasi siya ng director naming si Floy Quintos, so sinali siya dun. And for me, parang workshop na rin yun na masasabi, di ba? Pinag-usapan namin yun, na kung gusto niyang mag-stay dito, anong gagawin niya? Ayaw nga kasi niya na wala kaming communication, ayaw niyang magkahiwalay kami.

"Hindi naman ganun ka-lucrative ang modeling dito, unlike sa abroad na mas malaki talaga ang pay and medyo mas prestigious, di ba? Sa kanya is mas importante na hindi kami magkahiwalay. Ang haba ng hair ko, nakapulupot sa mga paa ninyo!" tawa nang tawang biro ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya, "Ako, okay lang. Sabi ko naman sa kanya, kung ano ang gusto niyang gawin, okay lang. Ako kasi, since mas matanda ako sa kanya, alam mo yung mas open-minded ako."

Forty-one years old si Eula at 30 naman si Rocky.

Pinag-uusapan na ba nila ang kanilang future? Magpapakasal ba sila kapag na-annul na ang kasal ni Eula kay Richard Litonjua?

"Basta ang sinasabi niya, gusto niyang tumanda na magkasama kami. Iyon ang lagi niyang sinasabi," sabi ni Eula.

THE LAST PRINCE. Sa The Last Prince, gumaganap si Eula bilang Adela, ang ina ni Kris Bernal.

Ang iba pang mga kasama sa cast ng The Last Prince ay sina Aljur Abrenica, Carmina Villarroel, Angelu de Leon, Chanda Romero, Paolo Ballesteros, Benjie Paras, Bianca King, Chynna Ortaleza, Karen delos Reyes, Elvis Gutierrez, Bubbles Paraiso, Stef Prescott, Francis Magundayao, Rita Iringan, Joey Paras, Angeli Nicole Sanoy, at Emilio Garcia.

May mahalagang partisipasyon din sina Geoff Eigenmann, Carla Abellana, at Princess Punzalan. Ito ay mula sa direksiyon ni Mac Alejandre at mapapanood na simula sa Lunes, January 11, sa GMA Telebabad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kasi unang-una, yung photographer na yun, yun ang photographer ng Louis Vuitton, hello! Parang, hindi naman siya kung sinu-sino lang na ano [photographer]. Para sa kanya, kay Rocky, siya lang yung Asian dun sa book na yun, e. Hindi yun basta-basta... Yung sa kanya, ginawa naman niya yun, it's for a good cause naman," says Eula Valdes about the nude pictorial of boyfriend Rocky Salumbides (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results