PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eula Valdes admits ex-hubby was surprised when she publicly announced her relationship with Rocky Salumbides

Eula likes Rocky's authoritativeness.
by Rommel R. Llanes
Published Jan 14, 2010
"Siya yung lalake na kaya akong ikontrol, na alam niyang may takot ako. Para siyang tatay ko," says Eula Valdes about boyfriend Rocky Salumbides.

Ikinagulat pala ng dating asawa ni Eula Valdes na si Richard Litonjua nang mapanood nito sa telebisyon ang tungkol sa relasyon ng aktres sa modelong si Rocky Salumbides.

Bago pa man kasi inilantad nina Eula at Rocky sa publiko ang kanilang relasyon, alam na ito ni Richard. Pero may usapan sina Eula at Richard na hindi muna nila ito sasabihin sa publiko.

Ipinaliwanag naman ni Eula sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dahilan ng paglantad nila ni Rocky.

"Tinext nga niya [Richard] ako. Sabi niya, 'Akala ko ba hindi natin sasabihin?' E, parang dumating yung pagkakataon. Kasi ayoko namang i- deny tapos makikitang magkasama kami," saad ng aktres.

Pero nilinaw ni Eula na hindi naman daw nagalit ang dati niyang mister.

"Hindi naman. Alam mo naman yung taong yun, masyadong cool. Okay lang sa kanya. Although, mas pini-prefer niya na sinabi ko muna sa kanya."

EULA'S CHILDREN. Dalawa na ang anak ni Eula—si Miguel (anak niya kay Ronnie Quizon), 15, at si Juliana o Yana (anak niya kay Richard), 5. Mahal na mahal daw ni Rocky ang mga anak ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Grabe! Grabe, sobra!" sambit ni Eula.

Ano ang tawag ng mga anak niya kay Rocky?

"Si Yana noon, tinatawag niya ng Papa si Rocky. Pero sinabi naman ni Rocky na ayaw niyang magpatawag ng Papa kasi ayaw niyang maging presumptuous na okay lang na ganun ang tawag sa kanya. So, sabi niya, 'You call me Rocky lang.'"

Ano namang trait ang pinakagusto ni Eula kay Rocky?

"Authoritative siya, para siyang papa ko," sabi niya.

Under ba siya ni Rocky?

"Hindi naman under. Alam mo yung siya yung lalake na kaya akong ikontrol, na alam niyang may takot ako. Para siyang tatay ko," paliwanag ni Eula.

Naitanong din ng PEP kay Eula kung hindi ba nagkaroon ng problema sa GMA-7 nang sunduin niya sa Pinoy Big Brother house si Rocky, na naging housemate doon? Napapanood kasi ngayon si Eula sa Kapuso Network via The Last Prince.

"Wala naman akong show na palabas that time, kaya wala namang naging problema," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinagot din ni Eula ang isyung siya ang bumubuhay kay Rocky financially.

"Hindi. Iyon lang ang iniiisip ng mga taong hindi naman namin kasama 24 hours a day."

May ikinabubuhay naman daw si Rocky na isang international model.

"Nabubuhay pa siya hanggang ngayon. Yun lang yun. Oo, nabubuhay pa siya. At kaya niya kaming buhayin ng mga anak ko."

BAYANI AGBAYANI. Iisa ang manager nina Eula at Bayani Agbayani noon, si Cornelia Lee o mas kilala bilang si Tita Angge. Kaya hiningan namin siya ng reaksiyon sa paglipat ni Bayani sa GMA-7 mula sa ABS-CBN at pagpapalit ng manager. Si Noel Ferrer na ang nagpapatakbo ng career ni Bayani ngayon at si Eula naman ay mina-manage na ni Ricky Gallardo.

"Alam mo, nalungkot ako," sabi ni Eula. "Wine-welcome natin si Bayani sa GMA, pero siyempre nalungkot ako para kay Tita A. I'm sure malungkot siya dahil paborito niya si Bayani. Dyusko, kapag hindi ko mahagilap or makausap si Tita A, sino ba kasama niya? Si Bayani! Nag-a-abroad sila, as in talagang paborito niya. Alam kong mga paborito ni Tita A si Sylvia [Sanchez], si Smokey [Manaloto], at si Bayani... sila ang mga paborito niya."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagulat daw si Eula sa paglipat ni Bayani sa GMA-7.

"Kasi kailan ko lang nalaman yun, e. I'm sure na-hurt si Tita A. Yun ang sigurado ako. I'm sure na-hurt din siya nung umalis ako."

December 2008 nang umalis si Eula kay Tita Angge bilang talent.

"Pero sinulatan ko siya, na ayokong... na walang kinalaman yung pagkakaibigan namin sa professional na decision ko. So, bago pa umabot sa... Bago pa maging tainted ang relasyon namin dahil hindi kami magkasundo sa propesyon namin ay maging magkaibigan na lang kami. Iyon ang isinulat ko sa kanya.

"Pero yung kay Bayani, wala akong alam na... Alam mo yun, yung detalyado, kung ano'ng nangyari, ganyan-ganyan. Pero ganyan talaga, di ba? Ganyan talaga ang trabaho, lahat nangangailangan ng trabaho. I'm sure si Bayani din, ang tagal niyang walang project sa kabila [ABS-CBN], di ba? E, may pamilya rin si Bayani. Naiintindihan ko din siya, naiintindihan ko sila pareho," saad ni Eula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siya yung lalake na kaya akong ikontrol, na alam niyang may takot ako. Para siyang tatay ko," says Eula Valdes about boyfriend Rocky Salumbides.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results