PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Erik Santos gets ready for Valentine's Day with an intimate concert next month

The balladeer hasn't romanced anyone since Rufa Mae Quinto.
Published Jan 17, 2010
"I'll sing different love songs, classic love songs, yung mga greatest love songs na talagang pag pinakinggan mo, mai-in love ka," said the Prince of Pop, whose Heartsongs... An Intimate Valentine with Erik Santos goes on stage this February 12 and 13 at the Teatrino, Promenade in Greenhills.

Kung si Rufa Mae Quinto ay vocal sa pagsasabing she's engaged at nakaplano na ang pagpapakasal niya sa kanyang non-showbiz fiancé this year, hanggang ngayon ay zero pa rin ang lovelife ng ex-boyfriend nitong si Erik Santos.

Ang espekulasyon tuloy ay di pa raw nakaka-move on ang Prince of Pop sa breakup niya with the sexy star kung kaya't wala pa itong bagong girlfriend hanggang ngayon.

"Di naman," sagot ng singer. "After mo sa isang relationship, may mga taong madaling mag-move on at may mga taong hirap makahanap. Ako, kumbaga, concentrated ako sa mga ginagawa ko. I'm graduating na, hopefully this March [BS Psychology].

"Ang dami ko ring ginagawa—shows, albums, concerts. Sa ngayon wala pa talaga sa isip ko 'yan. 'Saka di naman sa hindi, wala pa rin namang dumarating pa, wala pa lang talagang nakikita."

RESPECT FOR RUFA MAE. Ipinagtanggol naman ni Erik ang dating girlfriend sa mga balitang nag-iilusyon lang daw ito at di totoong may non-showbiz fiancé siya. Ayon sa singer, mismong si Rufa Mae ang nagkuwento sa kanya tungkol sa bagong karelasyon nang minsang magkita sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siguro irespeto na lang natin kung ano yung sinasabi ni Peachy [palayaw ni Rufa Mae]. Kumbaga karapatan niyang itago sa publiko kung sinuman ang minamahal niya sa panahon na ito."

Marami sa mga tagahanga ng Champions ang nalungkot at nanghinayang nang buwagin ang grupo nila sa ASAP at bumuo ng kanya-kanyang grupo. May YRS sina Yeng Constantino, Sarah Geronimo at Rachelle Ann Go, at may sarili na ring grupo sina Jed Madela, Mark Bautista, Christian Bautista at Erik.

"Sa ngayon magkakasama kami nila Christian sa isang segment ng ASAP. Hindi naman ako nanghihinayang kasi iba-iba ang nagugustuhan ng mga tao. May ginagawa kami na di kailangang pare-pareho na lang every Sunday."

Masayang ibinalita ni Erik na mayroon siyang Valentine's show na pinaghahandaan.

"The title is Heartsongs... An Intimate Valentine with Erik Santos. Two nights bale ito and this will be on February 12 and 13 in Teatrino, Promenade in Greenhills.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I'll sing different love songs, classic love song, yung mga greatest love songs na talagang pag pinakinggan mo, mai-in love ka."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I'll sing different love songs, classic love songs, yung mga greatest love songs na talagang pag pinakinggan mo, mai-in love ka," said the Prince of Pop, whose Heartsongs... An Intimate Valentine with Erik Santos goes on stage this February 12 and 13 at the Teatrino, Promenade in Greenhills.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results