PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Iwa Moto is happy that Marian Rivera and Katrina Halili are friends again

Iwa calls Marian her best friend, and Katrina her sister.
by Rommel R. Llanes
Published Jan 23, 2010
There used to be a gap between Marian and Katrina after their Marimar days, but all is well now between the Darna co-stars, Iwa Moto (pictured) is happy to report: "Ay, sobrang happy ako kasi siyempre ang gusto ko both of my friends okay. Ayoko ng may gulo sa set. Gusto ko masaya lagi sa taping. Masaya ako na nakikita ko sila na nagba-bonding."

Hindi raw totoong nagtampo si Iwa Moto dahil mas napapanood lately si Katrina Halili sa Darna kaysa sa kanya.

Gumaganap si Iwa bilang Serphina at si Katrina naman as Valentina.

"Hindi! Never akong magtatampo dahil lang dun. Kasi binibigyan talaga kami ng break. 'Tsaka from the start nandun ako sa Darna. Nawala ako like one and a half months, e, ilang buwan na ba ang Darna... six months?

"So for four months straight nandun ako, hindi ako nawala, so bakit ako magrereklamo? At saka ngayon, napapanood na ako ulit sa Darna.

"And besides, si Katrina, she's my sister. I'm happy na kasama ko siya sa Darna."

Wala raw gap sa pagitan nila ni Katrina.

"Wala! Dati pa naman kaming kino-compare sa isa't isa, e, tapos natatawa lang kami kasi nga lalo kaming nagiging close.

"The more na pinag-aaway kami, the more na pinag-iisyuhan kami, natatawa lang kami and the more kaming nagiging close."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SISTERS AND FRIENDS. Kanino siya mas close, kay Katrina o kay Marian Rivera?

"Ay, 'yan ang tanong na ayaw kong marinig," natatawang sinabi ni Iwa. "Pareho ko silang friends...

"Kasi ganito, iba yung friendship namin ni Marian sa friendship namin ni Katrina kaya matimbang sila pareho sa akin... Marian is like my best friend, and Katrina is like my sister. So magkaibang pagmamahal."

During their Marimar days, napabalitang nagkaroon ng gap sina Marian at Katrina. Naayos ito nang napasama si Katrina sa Darna.

Nararamdaman ni Iwa na maayos na maayos na muli ang pagkakaibigan nina Marian at Katrina.

"Ay, sobrang happy ako kasi siyempre ang gusto ko yung both of my friends okay, siyempre, di ba? Ayoko ng may gulo sa set... Gusto ko masaya lagi sa taping, sa trabaho. Ayun, masaya ako na nakikita ko sila na nagba-bonding."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
There used to be a gap between Marian and Katrina after their Marimar days, but all is well now between the Darna co-stars, Iwa Moto (pictured) is happy to report: "Ay, sobrang happy ako kasi siyempre ang gusto ko both of my friends okay. Ayoko ng may gulo sa set. Gusto ko masaya lagi sa taping. Masaya ako na nakikita ko sila na nagba-bonding."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results