PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Shaina Magdayao echoes John Lloyd Cruz's statement about their real score

Shaina: "Masasagot lang namin 'yan sa tamang panahon."
Published Jun 7, 2010
"Kung ano ang sinabi niya [John Lloyd], yun na yun. Kumbaga, right timing lang naman. Basta okay naman, we're happy and let's all be happy. Lahat naman 'yan masasagot namin sa tamang panahon," says Shaina Magdayao about the status of her relationship with John Lloyd Cruz (inset).

Sa ilang ulit nang pagtatangka ng press people na kunin ang panig ni Shaina Magdayao tungkol sa sinasabing espesyal na relasyong namamagitan sa kanila ni John Lloyd Cruz, laging umiiwas at ilang beses na ring bigo ang media na ma-interview ang young actress. Pero sa nakaraang Bench fashion show, sinuwerteng nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Shaina at nagbigay ng maikling pahayag tungkol sa kanila ng rumored boyfriend.

"Kung ano ang sinabi niya [John Lloyd], yun na yun. Kumbaga, right timing lang naman. Basta okay naman, we're happy and let's all be happy. Lahat naman 'yan masasagot namin sa tamang panahon. Sa ngayon, heto lang ang masasabi namin, sana maging masaya tayong lahat," saad ni Shaina.

Ganito rin halos ang sagot ni John Lloyd sa hiwalay na interview nang tanungin tungkol sa totoong estado ng relasyon nila ni Shaina. Ayon sa aktor, "As much as I'd like to give you a straight and complete answer, parang I don't really think it's the right time already. So, give us a little more time. Darating din tayo diyan." (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nasulat din na nagli-live in na raw sila John Lloyd at Shaina. Agad ay tinanong namin ang young actress kung ano ang reaksiyon ng pamilya niya tungkol sa nasabing issue at kung naapektuhan ba ang mga ito dahil sa kumalat na balita.

"Not really coz they know it's not true," sagot ni Shaina. "Yung family ko, alam nila kung ano ang totoo at alam nila na hindi totoong nagli-live in kami ni John Lloyd."

Nagbigay rin ng mensahe si Shaina sa mga taong rumerespeto naman sa relasyon nila ng aktor.

"Gaya ng sinabi ko, masasagot lang namin 'yan sa tamang panahon. Maraming-maraming salamat to everyone na nakakaintindi. Sa lahat ng rumerespeto, maraming salamat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kung ano ang sinabi niya [John Lloyd], yun na yun. Kumbaga, right timing lang naman. Basta okay naman, we're happy and let's all be happy. Lahat naman 'yan masasagot namin sa tamang panahon," says Shaina Magdayao about the status of her relationship with John Lloyd Cruz (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results