PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis says fatherhood has changed his outlook

The new father is still willing to go sexy.
by Rommel R. Llanes
Published Jun 9, 2010
"Hindi naman porke tatay ka at nag-aalaga ka ng bata, hindi mo na aalagaan ang sarili mo," says Paolo Contis.

Isa sa mga naging TV project ni Paolo Contis noong teenager pa lamang siya ay ang Tabing Ilog ng ABS-CBN. Sa nabanggit na programa, na tumakbo mula 1999 hanggang 2003, ay nakasama ni Paolo ang matalik niyang mga kaibigan na sina John Lloyd Cruz at Baron Geisler; along with Patrick Garcia, Jodi Sta. Maria, Kaye Abad, Paula Peralejo, Desiree del Valle, among others.

Kahit matagal na panahon na ang lumipas at kahit hindi na sila ganoong kadalas nagkakasama at nagkikita, napanatili nina Paolo, John Lloyd, at Baron ang friendship nila. Si Paolo ay lumipat na sa bakuran ng GMA-7, samantalang nasa ABS-CBN pa rin sina John Lloyd at Baron.

ON BARON GEISLER. Nang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Paolo kamakailan ay itinanong namin sa kanya kung ano ang masasabi niya sa mga negatibong kaganapan sa buhay ngayon ni Baron, tulad ng dalawang sexual harassmant case na kinakaharap nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Well, sa story conference ng Pilyang Kerubin [his latest soap on GMA-7], he called me, kaya nga akala ko kasama siya. [Yun pala] nangungumusta lang, na magkita raw kami soon, pero he sounded happy, so... Hindi pa kami nagkikita, pero may plano nga sana. Sabi niya ipapakilala raw niya ako sa gf [girlfriend] niya.

"Ever since naman kasi, ganun si Baron, e...magulo, maano. So, maaaring hindi niya alam when he is getting over, hindi niya alam offensive na siya. Pero again, he has to learn to control it kasi he's not getting any younger, hindi. Mahirap lusutan 'yan pag tumatanda ka na, di ba? Kailangan mas responsable ka na, kailangang gawin niya yun para sa sarili niya."

FATHERHOOD. On a different topic, bilang isang ama na ngayon ng isang babaeng sanggol—si Xonia Aitana na anak nila ng girlfriend niyang si Lian Paz—sinabi ni Paolo na nagbago ang tingin niya sa mga babae. Wala na raw malisya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Babae anak ko, e. Hindi ibig sabihin na dati, e ganun, ha?" natatawa niyang sabi. "Walang malisya in the sense na pag makakakita ka ng ano... Katulad nung isang araw, nasa party kami ni Lian, puro babae, mga bata... not bata kundi teenagers, na naglalasing, mga nagkakasayahan, mga nagwawala. Sabi ko, ang nasa utak ko, 'Dyusko, ganyan ba lalaki ang anak ko?' Ganun ang nasa utak naming dalawa ni Lian.

"'Tsaka kami ni Lian sabi namin, 'Pagod na ako!' Kaming dalawa, 'Pagod na tayo!' Sila nagsasayaw pa sa harap namin. Sabi niya [Lian], 'Isipin mo, si Xonia, ganyan na kalaki.' 'Magdadala ako ng baril!' sabi ko," at muling tumawa si Paolo.

SEXY DAD. At dahil tatay na siya, hindi na ba rarampa ng seksi tulad ng ginawa niya last year sa Cosmopolitan Bachelor Bash?

"Well, kung kukunin nila ako, bakit hindi?" sabi niya. "Oo, even si Lian, kung ano... Hindi naman porke tatay ka at nag-aalaga ka ng bata, hindi mo na aalagaan ang sarili mo."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

So, willing pa rin si Paolo na maghubad.

"Oo. Sabi ko nga kay Lian, magla-lie low ako [sa pagwu-workout], until five to six months si baby. Kaya nga sinabi ko sa GMA, 'Dito ba sa Pilyang Kerubin, maghuhubad ako? Is there any instance na kailangan ninyo akong maghubad?' Sabi sa akin, 'no'. So okay, relax! Magre-relax muna ako kasi busy ako kay baby, ang hirap iwan ni baby."

Pero kapag okay na raw, muling sasabak si Paolo sa pagdyi-gym at pagpapalaki ng katawan para handa siya if ever kailanganin siya ulit rumampa nang nakahubad.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi naman porke tatay ka at nag-aalaga ka ng bata, hindi mo na aalagaan ang sarili mo," says Paolo Contis.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results