PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelika dela Cruz hopes to take over late brother's spot in Malabon council

Edward dela Cruz won as councilor of Malabon in the last elections.
Published Jun 13, 2010
But for now, all that Angelika (inset) and her family can think of is laying Edward dela Cruz (main photo) to rest at Our Lady of Lourdes Memorial in Malabon City today, June 13. "Gusto lang naming maka-survive kami sa bukas na darating," said Angelika on Startalk yesterday. "Aside from yung shock noong unang beses mong malaman ang pangyayari, siguro yung paglibing ang isa sa pinakamahirap."

Kahapon, bandang alas tres ng hapon, inilipat na ang mga labi ni Councilor Edward dela Cruz sa Amphi Theater ng Malabon mula sa Floresco Heritage sa Longos, Malabon. Napagdesisyunan ito ng kanyang pamilya, kasama na ang aktres na si Angelika dela Cruz, para sa huling gabi ng lamay ay ma-accommodate ang lahat ng taong nagnanais na masilayan pa si Edward sa huling sandali.

Umaga ng Monday, June 7 nang mahagip si Edward ng isang truck sa may San Simon, Pampanga, at dead on arrival na ito nang umabot sa ospital sa Pampanga. He was 28 years old. (CLICK HERE for related story.)

Kahapon din, nang nasa Amphi Theater na ang lamay, ay nakausap nang live sa Startalk si Angelika. Nakasuot ito ng purple, gayundin ang karamihan ng taong nakikiramay sa kanila. Ni-request ng pamilya ang purple sa huling gabi ng lamay bilang pag-alala kay Edward. Purple kasi ang campaign color ng kapatid ni Angelika na nanalong konsehal sa Malabon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala raw kutob si Angelika na mababawian na ng buhay ang kapatid pero nagkataong suot-suot niya ang campaign T-shirt ni Edward noong mismong araw ng pagkamatay nito.

"Yung sa pakiramdam na, di ba, sabi ng iba, kinakabahan sila, nagigising sila, wala akong ganon, e, wala talaga. Kaya it was really a shock when my dad called me nga and said that my brother had an accident and someone told him nga na dead na raw."

STRENGTH TO GO ON. Nakapag-taping pa si Angelika during the wake for her new primetime series na Pilyang Kerubin. Monday ng gabi ang simula ng burol pero kinaya niyang makapag-report sa set noong Wednesday and Friday.

"Wala akong choice, e. Kasi bago ang show. Pero, hindi ko alam kung anong klaseng performance ang naibigay ko. Wala akong nararamdaman, e."

Hanggang ngayon daw ay parang di pa nagsi-sink in sa kanya na wala na si Edward.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gano'n pala yun, 'no, kapag namatayan ka," sabi niya kay Startalk host Butch Francisco. "Kahit nakikita mo na siya sa coffin niya, hindi ka pa rin maniniwala."

Tila nagkapatong pa ang dinadala ni Angelika dahil ang nag-iisa niyang anak na si Gabriel or Gab ay nasa ospital naman.

"Taas-baba kasi ang fever niya kaya pinadala ko sa hospital para sigurado." Ang asawa niyang si Orion Casareo ang nagdala sa bata.

At the same time, halatang di rin maganda ang pakiramdam ni Angelika.

"Hindi ko lolokohin ang mga tao. Hindi ko lolokohin ang sarili ko, I'm not okay.

"Siyempre, nai-stress ako, e. So, emotionally, mentally, physically, I'm not okay. But I'm trying to be strong. I'm trying to be strong for my family, most especially my parents. My mom and my dad...

"Pinakamasakit sa kanila yung nangyari. Ako nga, masakit na sa akin, pero, hindi ko ma-imagine yung mga nararamdaman ng mga magulang ko...

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"They're not okay... I tried to talk to them. Kinakalma ko naman sila, pero, anak nila yun, e. Anak nila ang nawala. It will take time para ma-accept nila yun."

MAY TAKE OVER AS COUNCILOR. Habang ini-interview siya, may background music na nagpe-play at ito raw ay komposisyon ng tiya niya na si Edward mismo ang kumanta at nag-record, although hindi pa raw nari-release ito. Minsan ding naging singer ang nakababatang kapatid ni Angelika at nakapagtayo pa ito ng banda at nag-perform ng ilang beses sa Japan.

Paano ngayon ang posisyon ni Edward sa council na mababakante?

"Kung mapagbibigyan, siguro ako... Kasi, sayang naman yung pinaghirapan niya. Pinaghirapan niya yun, e. Nanalo na siya. Na-proclaim na siya."

Pero ready ba raw siya kung sakali, lalo't iba ang government sa showbiz?

"Oo naman, oo naman. Alam ko ang lahat ng plano ng kapatid ko, kasi araw-araw noong campaign kasama 'ko. Kasama 'ko sa naghirap sa posisyong pinanalunan niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa hinaharap pa 'yan. Sa ngayon, wala pa silang ibang iniisip kundi ang paglibing kay Edward.

"Gusto lang naming maka-survive kami sa bukas na darating. Yung bukas kasi, siguro, aside from yung shock noong unang beses mong malaman ang pangyayari, siguro yung paglibing ang isa sa pinakamahirap. Kaya one step at a time."

CASE AGAINST HIT-AND-RUN DRIVER. Sinampahan nila ng kaso ang truck driver na nakaaksidente sa kapatid ni Angelika.

"Nakulong naman po siya. Kaya lang, unfortunately, napakasakit, may bail po ang kasong yun, so, hindi ko alam kung nag-bail na siya as of now. Siguro ipa-follow up ko pagkalibing ni Edward.

"Kasi as of now, kay Edward ko lang gustong mag-concentrate. Siya lang muna ang importante sa ngayon."

Pagkalipas ng ilang araw, may nami-miss na ba siya sa kapatid?

"Wala pa 'ko ro'n, e, wala pa 'ko."

Ngayong araw, June 13, ang paghahatid sa libingan kay Edward. Magkakaroon muna ng memorial service sa San Bartolome Parish Church sa Malabon and after that, Edward's remains will be laid to rest at Our Lady of Lourdes Memorial sa may Letre Road, Tonsuya, Malabon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Angelika dela Cruz
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
But for now, all that Angelika (inset) and her family can think of is laying Edward dela Cruz (main photo) to rest at Our Lady of Lourdes Memorial in Malabon City today, June 13. "Gusto lang naming maka-survive kami sa bukas na darating," said Angelika on Startalk yesterday. "Aside from yung shock noong unang beses mong malaman ang pangyayari, siguro yung paglibing ang isa sa pinakamahirap."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results