PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sen. Bong Revillla confirms movie with Vic Sotto for MMFF will push through

Sen. Bong: "Kapuso pa rin ako."
by Glen Sibonga
Published Jun 29, 2010
"Sabi ko nga, kahit na hindi ako mag-number one, manalo lang si Lani, masaya na ako. Pero ibinigay pa rin sa atin yung number one kaya talagang ang pasasalamat ko sa ating Panginoon at hindi Niya tayo pinabayaan," says Sen. Bong Revilla (left) about his family's victory in the last elections. (With him in this photo are GMA-7 executive Wilma Galvante, middle, and wife Lani Mercado, right.)

Nag-oathtaking na kahapon ng umaga, June 28, sa Cavite ang mag-asawang sina Senator Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado-Revilla. Kasama rin nilang nanumpa ang kapatid ni Sen. Bong na si Bacoor Mayor Stryke Revilla.

Kinagabihan naman ay isang magarbong victory party para sa tagumpay ng kanilang pamilya sa pulitika ang ginanap sa One Esplanade sa Pasay City bilang pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kanila. Present sa party ang buong Revilla family sa pangunguna ng ama ni Sen. Bong na si dating Senador Ramon Revilla Sr., na kahit naka-wheelchair ay kitang-kita mong masaya at nag-enjoy sa party.

Napuno ang loob at labas ng venue sa dami ng mga dumalo sa party na kinabibilangan ng malalaking pangalan sa mundo ng pulitika, showbiz at business. Special guest pa si outgoing President Gloria Macapagal-Arroyo na nagpanumpa kina Sen. Bong.

Ilan sa mga namataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa pulitika ay sina Senators Kiko Pangilinan, Loren Legarda, Edgardo Angara, Bongbong Marcos, Miguel Zubiri; Immigration Commissioner Marcelino Libanan; Bataan Board Member Teri Onor; at Laguna Board Member Angelica Jones.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula naman sa showbiz, naroon sina Phillip Salvador, Ricky Davao, Annabele Rama, Miriam Quiambao, Bubbles Paraiso, Michelle Madrigal, Bobby Andrews, Kitchie Benedicto, at German Moreno.

Masasabi ba ni Sen. Bong na itong 2010 ay taon ng mga Revilla dahil lahat silang tumakbo sa nakaraang eleksyon ay nanalo, kasama na rin ang asawa ng kapatid niyang si Andrea "Andeng" Bautista na si Rizal Governor Junjun Ynares?

"Masaya ako dahil nanalo si Stryke, yung kapatid ko. Higit sa lahat, nanalo si Lani. Sabi ko nga, kahit na hindi ako mag-number one, manalo lang si Lani, masaya na ako. Pero ibinigay pa rin sa atin yung number one kaya talagang ang pasasalamat ko sa ating Panginoon at hindi Niya tayo pinabayaan. Pati nga si Junjun, asawa ng kapatid ko, nanalo rin. Kaya very thankful talaga kami sa pagtitiwalang ibinigay ng mga tao sa amin," pahayag ni Sen. Bong nang ma-interview siya ng PEP at iba pang press sa kanilang victory party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MOVIE WITH BOSSING VIC. Bukod sa tuluy-tuloy na trabaho bilang Senador, balik-trabaho rin sa showbiz si Sen. Bong. Lalo na' t magiging busy siya sa paggawa ng pelikula kasama si Vic Sotto. Bago pa ang eleksyon ay ibinalita na ni Sen. Bong ang pagsasama nila ni Bossing sa isang pelikula. Pero napaulat ding hindi na raw ito matutuloy.

Ngunit kagabi sa party ay kinumpirma na mismo ni Sen. Bong na tuloy na tuloy na ang pagsasama nila ni Bossing Vic. Nagkausap na raw sila at nagkasundo ni Bossing Vic at tina-target nilang maging entry ang pelikula sa Metro Manila Film Festival sa December. Ayon kay Sen. Bong, magandang proyekto raw ito at excited na silang lahat na masimulan ang project na ito.

Paano ba nagsimula ang idea na magsama sila sa pelikula?

"Napag-usapan namin ito last December, last festival. Nag-usap kami by phone na, 'O sige, magsama tayo sa pelikula para mas lalo nating mapasaya ang mga manonood natin.' Kaya we decided to do a movie. Tapos three days ago lang namin na-finalize na itutuloy na naming gawin yung movie," lahad ng actor-politician.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinag-uusapan pa raw nila ang title ng movie at ilan nga sa matunog na titles ay Agimat ni Enteng o Enteng Agimat na pinagsamang titles ng MMFF movies nila in the past—Ang Agimat ni Sen. Bong at Enteng Kabisote naman ni Vic.

"Action-fantasy-comedy, all-in-one," ang paglalarawan ni Sen. Bong sa big project na ito.

Sa ngayon daw ay namimili pa lang sila ng magiging leading ladies nilang dalawa.

"Sorpresa natin yun. Pag-uusapan pa namin ni Vic. Ang masasabi ko lang, manghihiram tayo sa kabilang istasyon. Nasa Channel 7 kami ni Vic, so meron din from Channel 2. Hindi naman kasi ito dapat maging network war. Hindi ito GMA o ABS, dapat magtulungan."

Ipinagmamalaki rin ni Sen. Bong na maraming production outfits ang magsasama-sama rin para sa pelikulang ito.

"It will be co-produced by GMA Films, M-Zet, Imus Productions, at dalawang produksyon pa. Limang produksyon ang magsasama-sama, so big time," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaabang-abang ang pagsasamang ito nina Sen. Bong at Vic dahil ang mga pelikula nila ang madalas na naglalaban sa top grosser tuwing sasapit ang taunang film festival. Mas confident ba siya ngayon na ang pelikula nila ang magiging top grosser sa MMFF this year?

"Hindi mo naman masasabi yun, e, kung magta-top kayo or whatever," sagot ni Sen. Bong. "Basta gumawa ka ng magandang pelikula. Siguraduhin mo na maiibigan ng mga bata at ng buong pamilya. Yun, pagka sa tingin ko maiibigan nila, doon ko masasabi na baka mag-top grosser."

STILL A KAPUSO. Bukod sa pelikulang gagawin niya with Vic, balik-telebisyon din si Sen. Bong sa pagho-host niya ng Kap's Amazing Stories. Ngayong nagbabalik siya sa pagtatrabaho sa GMA-7, patunay lamang daw ito na hindi siya lilipat ng network.

"Kapuso pa rin ako. At babalik na ako sa Kap's Amazing. Abangan n'yo," banggit niya.

Pero totoo bang in-offer sa kanya ang pagho-host sa Wowowee?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"In-offer lang sa akin. Pero nasa GMA ako, e. At saka Wowowee is Willie Revillame kasi, e. Nobody can match Willie."

GMA-7 IS HAPPY FOR BONG & LANI. Present din sa party ang GMA-7 executives sa pangunguna nina Senior Vice President for Entertainment TV Wilma Galvante at Vice President for Entertainment Marivin Arayata. Nagkaroon pa ng pagkakataon ang PEP na mahingan ng pahayag si Ms. Wilma kaugnay sa pananatili ni Sen. Bong sa Kapuso network.

"Wala naman kaming doubt na mag-i-stay siya. He is still a Kapuso. And GMA is happy with that," sabi ni Ms. Wilma.

Pero aware ba sila sa offer ng ibang istasyon kay Sen. Bong?

"Oo, kinukuwento niya sa akin. Wala naman 'yon [Sen. Bong] itinatago, e. Wala lang. Basta we continue to give him good projects, good shows. We're always behind him. He's always been a professional talent of GMA and he always delivers in terms of ratings and popularity and professionalism sa industry. So, gawa nun, gagawin din namin lahat para manatili siyang Kapuso," sabi ng TV executive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mensahe rin si Ms. Wilma para kina Sen. Bong at Congresswoman Lani.

Aniya, "Sen. Bong, Lani, congratulations. You know we love you very much. We're always behind you. Personally, I will always be your friend."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sabi ko nga, kahit na hindi ako mag-number one, manalo lang si Lani, masaya na ako. Pero ibinigay pa rin sa atin yung number one kaya talagang ang pasasalamat ko sa ating Panginoon at hindi Niya tayo pinabayaan," says Sen. Bong Revilla (left) about his family's victory in the last elections. (With him in this photo are GMA-7 executive Wilma Galvante, middle, and wife Lani Mercado, right.)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results