PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paulo Avelino gets ready for baby's homecoming

Paulo is searching high and low for the best crib.
Published Aug 1, 2010
Paulo, who wears a Mohawk for his bad boy role in Ilumina, is eager to play dad to his son, Ethan Akio. While girlfriend LJ Reyes recovers from the July 24 delivery, Paulo is getting Akio's room ready for when mother and baby come home from New York.

Kakaibang Paulo Avelino ang mapapanood sa bagong fantaserye ng GMA-7, ang Ilumina, na pinagbibidahan nina Rhian Ramos at Jackie Rice.

Mistulang "Mohawk" ang punk na gupit ng actor para bagayan ang kanyang kontrabida role.

"Ang role ko po, si Antonio, ang kuya ni Lexsi Fernandez, bad boy. May gusto po ako kay Rhian. Parang doon na po iikot ang pagiging bad boy ko," kuwento niya.

Tinanong namin kung di ba siya natatakot na ma-typecast bilang kontrabida samantalang may potential naman siyang maging bida? O gusto lang niya talaga ng trabaho dahil tatay na siya?

"Siyempre, gusto ko rin po ng trabaho. Pero, parang ginusto ko rin pong maging bad boy para maiba naman at hindi pare-pareho, hindi paulit-ulit. 'Saka sana, after nito, hindi na bad boy po ulit. So, medyo mahirap na i-crack uli kung dire-diretsong bad boy ulit," pag-amin niya.

Nagkaroon noon ng "gender issue" si Paulo. Una siyang natsismis sa malapit niyang kaibigang si Aljur Abrenica at na-link rin sa singer na si Chris Kayser na madalas niyang panoorin sa mga gig nito. Pero noong mabuntis niya si LJ Reyes ay namatay na ang mga ganitong paratang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi naman ako natuwa na walang isyu na gano'n, kasi sa umpisa pa lang naman walang saysay yung issue na yun. Ahm, hindi naman nabi-base ang pagkalalake sa... kumbaga, sa tindig lang. You need to know the person before you judge him," sabi niya.

GETTING READY FOR BABY AKIO. Sinisimulan na raw ni Paulo ang paghahanda para sa pagdating ng kanyang baby sa Pilipinas na ipinanganak ni LJ sa New York, USA, noong July 24.

"Namimili na rin ako ng gamit para sa baby namin. Nagbabasa na rin ako ng books para meron akong alam kung paano mag-alaga," pagbabalita niya.

Kabilang sa paghahanda ni Paulo ay ang pagsasama nila ni LJ sa iisang bubong kahit wala pang basbas ng kasal.

Magsasama raw sila sa bahay nina LJ pag-uwi ng girlfriend at anak sa Pilipinas, "Kasi gusto ko rin pong maalagaan ang baby namin, e," nakangiting paliwanag niya.

Inaasikaso niya sa ngayon ang magiging kuwarto ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Medyo nasa kalahati na... Yung crib kasi nag-canvass rin ako nang matagal-tagal. Naghahanap talaga ako ng matibay. Ang dami kasing nagsasabing ganito-gano'n. So, soon makakabili na rin ako ng crib."

Mas gusto ni Paulo ang simpleng décor para sa kuwarto ng anak.

"Parang bright lang. Ayoko rin ng may character sa room, e. Gusto ko plain lang. Pero hindi naman dull plain. Yung bright lang," balita niya.

Saka na raw nila pag-uusapan ni LJ ang binyag pagbalik nito sa Pilipinas. Pero kung si Paulo ang masusunod, gusto niya bago raw matapos ang taon ay nabinyagan na ang anak nilang pinangalanang Ethan Akio.

Sagad ang ngiti ni Paulo tuwing pag-uusapan si Akio, "chubby cheeks" nga raw ang "cute na cute" na bata. Hindi siya makapaniwalang tumimbang ito ng 7.4 lbs. nang lumabas.

"Hahahahaha... ang laki nga po, e. Ang laki niya for LJ's frame. Hindi mo aakalain na magdadala ng gano'ng kalaking baby si LJ, e, ang liit at ang payat ni LJ, di po ba?" masaya niyang tanong.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

U.S. VISA DENIED. Pero pilit ang mga ngiti niya nang tanungin kung ano ang feeling niya na di niya nasamahan sa panganganak si LJ, at di niya na nahawakan ang kanilang baby pagkalabas nito.

Panghihinayang at lungkot daw ang naramdaman niya sa di niya pagsama kay LJ sa isa sa pinakaimportantent panahon sa buhay nila.

"Ang plano namin before is [for me] to be there before she gives birth, para nandoon ako pagkapanganak niya. Nagkaproblema lang kaya hindi ako nakapunta doon," eksplika niya.

Hindi nabigyan si Paulo ng U.S. visa. Ang nakikita niyang dahilan ay ang posibleng pagdududa ng U.S. consul na nag-interview sa kanya na babalik pa sila ni LJ sa Pilipinas.

"Parang family ties raw is too strong in the U.S. Yun siguro ang dahilan kaya siguro ako na-deny. Inasikaso ko na yung application ko for the visa noong February pa," kuwento ni Paulo.

Inakala niyang magiging emotional sila ni LJ nang manganak ito, pero mas nanaig yung excitement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"No'ng nag-usap kami, tumatawa na nga ako, e... Nakakalungkot lang noong una at nakaka-depress dahil wala ako no'ng moment na yun, e. Pero no'ng lumabas yung baby parang nawala nang lahat, e. Gagawin ko na ang lahat ng makakaya ko, until kung makapunta man ako doon or makabalik sila dito sa atin," pahayag niya.

Di pa makumpirma ni Paulo kung kailan darating sa bansa si LJ at ang baby. Hindi rin niya masabi kung makakapunta pa siya sa New York para sunduin ang kanyang mag-ina dahil bukod sa naumpisahan na ang taping ng Ilumina, panibagong pag-a-apply na naman ito sa U.S. embassy.

"Kung hindi man, siguro dito ko na lang sila hihintayin. Pero titignan ko kung makakapunta pa ako doon. Wala pang date kung kailan sila darating dito. Kasi kalalabas pa lang po ng ospital," sabi niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paulo, who wears a Mohawk for his bad boy role in Ilumina, is eager to play dad to his son, Ethan Akio. While girlfriend LJ Reyes recovers from the July 24 delivery, Paulo is getting Akio's room ready for when mother and baby come home from New York.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results