PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carl Guevara doesn't let "gender issue" bother him: "In the end, lalabas rin naman yung totoo."

Despite such rumors, he's said to be causing a rift between Jennica Garcia and her supposed boyfriend Alwyn Uytingco.
Published Aug 21, 2010
"Kasi sinasabi nilang malamya raw akong kumilos. Minsan, parang mahiyain. Ewan ko, hindi ko alam. Nagkaroon naman ako ng girlfriend, si Daiana. Kahit siya ang tanungin," said the baby-faced Carl, who used to date Brazilian stunner Daiana Menezes of Eat Bulaga!

Hindi pinagtatakhan ni Carl Guevara na matsitsismis sila ni Jennica Garcia dahil meron silang sitcom, ang JejeMom sa GMA-7. Pero ang ikinagugulat nito ay ang balitang madalas raw mag-away ngayon sina Jennica at ang nababalitang boyfriend nitong si Alwyn Uytingco dahil sa kanya.

Kasabay ng pagpapasinungaling sa balita ay ang pagpapatunay naman ni Carl na masaya sa isa't isa sina Jennica at Alwyn.

"Kapag nagti-taping kami, dumadalaw naman si Alwyn kay Jennica... nag-i-stay siya..." At paminsan-minsan, "nagdadala siya ng pagkain. No'ng nag-taping kami sa Pilyang Kerubin, nakalimang beses na taping kami, e, siguro dalawang beses siyang dumalaw sa set," kuwento ni Carl sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kaya naniniwala siya na may relasyon na ang dalawa, pero hindi raw siya pinagseselosan ni Alwyn, although may mga pagkakataon na parang nagkakailangan pa rin sila.

"Kumbaga, minsan parang napi-feel ko na parang nahihiya ako sa kanya, nahihiya siya sa akin. Pero mabait si Alwyn kaya nagkakakuwentuhan kaming tatlo pag nasa tent kami... Wala namang problema. Konting ilangan lang minsan," sabi ni Carl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado naman siya na crush niya ang dalaga, pero wala raw siyang balak sulutin ito kay Alwyn.

"Respeto ko sa kanila yun, e... Ang sa akin basta magawa ko yung trabaho ko nang maayos at saka si Jennica. Nakikita ko namang mukhang masaya sila, e, lalo na si Jennica na mukhang masayang-masaya sa lovelife nila. Para sa akin as partner niya, masaya ako para sa kanya. At least, minsan sinasabi niya sa akin na masarap ang may boyfriend kasi minsan nai-inspire siya kapag nabibigyan siya ng advice. Minsan pag pagod siya, kinakausap siya, ganyan-ganyan," kuwento ni Carl.

MOVING ON AFTER DAIANA. Wala raw girlfriend ngayon si Carl. Natatawa nga siya kung bakit nababalitang "hurting" pa raw siya sa relasyong Daiana Menezes at Sam YG na kilala bilang si Shivaker.

"No'ng naghiwalay kami ni Daiana maayos yung hiwalayan namin, wala pa akong alam about yung kay Shivaker. No'ng nalaman ko yung tungkol sa kanilang dalawa, siyempre kumbaga, kung nakipag-break ka sa isang relationship parang mahirap kaagad makahanap nang kapalit ng iba. Si Daiana kasi... hindi ko naman sinasabing meron siyang kaagad boyfriend na si Shivaker nga. Baka kaibigan lang niya. Hindi, e. Kumbaga, okey naman sa amin yung hiwalayan namin. Minsan, no'ng kaka-break lang namin, nagkakamustahan kami, e. Ngayon lang natigil, mga lately," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapag-move on na raw siya nang husto.

"Oo naman. Noong una, no'ng nag-break kami, siyempre noong una, ang hirap mag-adjust, e, dahil eight months din kami. Kasi before Christmas kami nag-break. Dinamdam ko rin. Pero after no'ng New Year nagtrabaho na ako. So, unti-unti na akong naka-move on na ako," sabi niya.

GENDER ISSUE. Wala raw girlfriend ngayon si Carl dahil naka-focus siya sa trabaho. Iyon nga lang, hindi pa rin matapos-tapos ang "gender issue" sa kanya kahit nga napatunayang tunay siyang lalake dahil nga sa pakikipagrelasyon niya sa nasabing Eat Bulaga! mainstay.

"Ever since pa 'yan e, no'ng Be Bench pa [model search]. Hindi ko alam. Kasi sinasabi nilang malamya raw akong kumilos. Minsan, parang mahiyain. Ewan ko, hindi ko alam. Nagkaroon naman ako ng girlfriend, si Daiana. Kahit siya ang tanungin. Ewan ko. Hindi ko alam," ang tanging masasabi niya tungkol sa mga sabi-sabi.

Hindi naman siya naaapektuhan sa gender issue.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hindi. Kasi ang dami namang lahat na nai-issue na ganyan, di ba? Dami rin, mga ibang lalake. Kasi pag pumasok ka sa showbiz, kailangan mong harapin lahat, e, yung mga mababato sa iyong issue. In the end, lalabas rin naman yung totoo, e," nakangiti niyang pahayag.

Samantala, kasama si Carl sa lalabas na pelikula ni Eugene Domingo, ang Mamarazzi na pang-50th anniversary celebration ng Regal Films.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kasi sinasabi nilang malamya raw akong kumilos. Minsan, parang mahiyain. Ewan ko, hindi ko alam. Nagkaroon naman ako ng girlfriend, si Daiana. Kahit siya ang tanungin," said the baby-faced Carl, who used to date Brazilian stunner Daiana Menezes of Eat Bulaga!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results