Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ang alitan sa pagitan nina Claudine Barretto at Angelica Panganiban. Mas tumindi nga ang away ng dalawa matapos lumabas ang exclusive interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Claudine kung saan isiniwalat nito ang galit niya kay Angelica dahil sa diumano'y paninira nito sa kanya at sa kanyang pamilya. (CLICK HERE to read related story.)
Sinagot naman ito sa pamamagitan ng pagte-text sa PEP ng manager ni Angelica sa Star Magic na si Johnny Manahan, o mas kilala bilang si Mr. M. Si Angelica naman ay nananatiling tikom ang bibig tungkol sa isyu. (CLICK HERE to read related story.)
STAR MAGIC'S OFFICIAL STATEMENT. Bilang update sa naturang kontrobersiya, ipinalabas sa The Buzz kahapon, August 29, ang official statement na ipinadala ng legal counsel ni Angelica, si Atty. Joji Alonso, at ng Star Magic. Ayon dito, inabisuhan nila si Angelica na manahimik sa isyu.
Pagtatanggol ng Star Magic, hindi si Angelica ang naninira kundi siya pa raw ang biktima sa mga maling akusasyon. Dagdag pa ng Star Magic, hindi na dapat pang pag-usapan ang isyung ito. Anumang sabihin laban kay Angelica ay magiging basehan lang daw ng pagsasampa ng mga kaso.
Narito ang kabuuan ng official statement na ito:
"Angelica has been advised to maintain her silence. There is no need for her to say anything, more so in reaction to what has been said, she has not done anything wrong, much less, maligned Claudine. On the contrary, it is Angelica who is being maligned by these unfounded accusations.
"Neither is there a need to dignify this incident by saying something more than what has already been said. It is hoped that with this statement, this issue comes to an end. Whatever more is said against Angelica shall be a cause for the filing of the appropriate civil and criminal cases."