PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carla Abellana not closing doors on offer from other network

Carla already bought a Christmas gift for boyfriend Geoff Eigenmann.
by Rose Garcia
Published Dec 9, 2011
Carla Abellana on relationship with boyfriend Geoff Eigenmann: "Ano kami, very private. Yung hindi dapat pag-usapan at pagbuhusan ng panahon, huwag na. Kung walang kuwenta lang 'yan, kung tungkol sa ibang tao lang 'yan, 'wag na lang lang pag-usapan, di ba?"

More than one year na rin ang relationship nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann. Pero tila mas matatag na ang samahan nila ngayon.

Ano nga ba ang sikreto nila?

Ayon kay Carla, "Ano kami, very private.

"Yung hindi dapat pag-usapan at pagbuhusan ng panahon, huwag na.

"Kung walang kuwenta lang 'yan, kung tungkol sa ibang tao lang 'yan, 'wag na lang pag-usapan, di ba?

"We support each other sa trabaho namin kung anuman yun.

"Kung walang trabaho, talagang magkasama kami.

"So, bawian lang talaga ng oras din."

Wala bang mga selosan sa kanila?

"Ako, hindi ako nagseselos," mabilis niyang tugon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa Christmas party nila ni Geoff para sa kanilang fans—ang Carlaholics, Carlanatics, Geoffspace, at Careoffsters.

Tinawag nilang "One Love. One Careoff. One Christmas" ang naturang event na ginanap noong December 3 sa Berting's Grill sa Tomas Morato, Quezon City.

CHRISTMAS PLANS. Malapit na ang Christmas, may plano na ba sila ni Geoff?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakangiting sabi ni Carla, "With our respective family muna.

"Magno-Noche Buena ako kasama ang family ko. I'm sure si Geoff din.

"Very traditional kaming mag-celebrate.

"I'm sure, after ng Noche Buena, doon na kami magkikita.

"E, hindi naman talaga tayo natutulog kapag Pasko at New Year, hangga't kaya mo pa na gising ka.

"Last year, ganoon din.

"Nagpunta siya sa bahay namin, naki-Christmas siya do'n.

"Noong New Year naman, ako naman ang dumalaw sa kanya, sa family niya."

GIFT FOR GEOFF. Hindi rin pahuhuli si Carla pagdating sa pagbili ng gift. In fact, meron na siyang nabiling Christmas gift para sa boyfriend.

"Meron na. Nabili ko na, nabalot ko na at naitago ko na.

"Advance kasi akong mamili. Ayokong nagra-rush ako at nagla-last-minute shopping ako.

"So, nandoon na yun sa bahay. Secret kung nasaan.

"Pero hindi ko rin naman pinagplanuhan yun.

"Nakita ko lang siya at naisipan ko nang bilhin sa kanya yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, hindi siya planado and it's not something that he would expect to receive."

Nagsasabihan or nagtatanungan ba sila ni Geoff kung ano ang wish nilang matanggap sa isa't isa ngayong Pasko?

Sagot ni Carla, "Tinanong ko siya. Pero wala naman siyang masabi.

"Mahirap 'to, e. Mahirap...Kapag tinanong mo, wala naman daw siyang kailangan or gusto.

"So, ang hirap, di ba?

"Pero kapag binigyan mo, gusto na niya yun.

"So, sana, magustuhan niya, di ba?"

CAREER PLANS. Sa pagpasok ng 2012, marami pa rin daw aabangan sa kanila ni Geoff ang kanilang mga tagahanga. Pero karamihan dito ay hindi sila magkasama.

Huli silang nagkasama sa early primetime series na Magic Palayok.

Saad ni Carla, "Si Geoff, malapit nang magsimula sa Legacy.

"Ako, yung aming soap na Kung Aagawin Mo Ang Langit at hanggang next year pa yun mapapanood.

"May dalawa rin akong movies for the filmfest this year, sana abangan nila—ang Yesterday Today Tomorrow at Asiong Salonga, parehong maganda."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dugtong pa niya, "Yung Kung Aagawin...hindi namin ine-expect na mag-e-extend siya.

"Tapos ngayon, pinag-iisipan pang i-extend bukod sa four weeks extension.

"We are crossing our fingers and hoping na tuluy-tuloy na."

Nalaman din namin mula kay Carla na pagkatapos ng afternoon series niya ay sa primetime naman siya mapapanood.

"Yes, primetime na raw. Pero, wala pa...wala pa akong alam kung ano.

"Actually, hindi pa ako nakakapirma ng kontrata ko.

"Although, sinasabi nga na primetime na raw ang susunod na ibibigay ng GMA."

Bakit nga ba hindi pa siya muli nagsa-sign up sa Kapuso network?

Paliwanag ni Carla, "Kasi, pinag-iisipan pa naming talaga kung saan kami pipirma.

"Magpa-Pasko na, hindi ko pa alam kung saan talaga ako mauuwi."

Pero nasabi ni Carla noon na matimbang sa puso niya ang pagiging Kapuso.

"Oo naman. Pero siyempre, the offer of the other network is also there.

"So, hindi naman namin isinasara completely ang pinto namin doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Binabasa namin siya nang maigi, tapos pinag-uusapan. Pinag-iisipan.

"Sana before the year ends, makapirma na kami."

Si Carla ang nababalitang papalit kay Rhian Ramos sa primetime series na My Beloved, katambal ni Dingdong Dantes.

Pero wala pang kumpirmasyon mula sa GMA-7 tungkol dito.

Read Next
Read More Stories About
Carla Abellana, Geoff Eigenmann
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carla Abellana on relationship with boyfriend Geoff Eigenmann: "Ano kami, very private. Yung hindi dapat pag-usapan at pagbuhusan ng panahon, huwag na. Kung walang kuwenta lang 'yan, kung tungkol sa ibang tao lang 'yan, 'wag na lang lang pag-usapan, di ba?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results