PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda's Sunday show extended; reveals three things that make him happy

Vice Ganda reveals his dream guests are Noli de Castro and Joey de Leon.
Published Dec 16, 2011
"Bongga 'yong reception, 'yong feedback na nakukuha namin, maganda 'yong ratings, in-extend na nila," says Vice Ganda about his weekly show Gandang Gabi Vice.

Kaliwa't kanan ngayon ang mga proyekto ni Vice Ganda sa ABS-CBN.

Sa katunayan, araw-araw siyang napapanood ngayon sa TV, from Mondays to Sundays.

Siya ang resident judge ng daily variety program na Showtime, na ipinapalabas from Monday to Saturday, at tuwing Linggo naman ng gabi ang kanyang sariling talk show na Gandang Gabi Vice. (CLICK HERE to view gallery)

"Ang saya nga, e, sobrang saya!" galak na galak na pahayag ni Vice sa presscon niya para sa Globe noong August 29 sa Imperial Palace Suites.

Kuwento niya, "Originally, thirteen episodes lang 'yong pinirmahan kong contract na gagawin 'yong ano, 'yong Gandang Gabi Vice.

"Ayun, bongga 'yong reception, 'yong feedback na nakukuha namin, maganda 'yong ratings, in-extend na nila.

"Happy naman ako, kasi no'ng after no'ng thirteen episodes, sabi ko, 'Sige, tama na rin para hayaan na nating pataas, kaysa 'yong pag tinanggal natin 'yong ma-realize ng tao baka pababa nang pababa 'yong ratings.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko, since mataas pa, okay na iwan na natin. Pero nabitin ako, tapos na pala 'yong thirteen episodes. Parang ang bilis, di ko pa masyadong damang-dama, kaya sige, extend pa ng kaunti.

"Pero not to the point na isa-saturate namin na... na 'yong pa-waley na 'yong show, e, ipinipilit pa rin.

"Sabi ko nga, pag nararamdaman natin na kailangan na ng something, mag-usap-usap ulit."

DREAM HAVEY GUESTS. Ni-reveal din ni Vice Ganda sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kung sino ang mga "havey" na gusto niyang maka-chikahan sa Gandang Gabi Vice.

"Si ano po, si Kabayan Noli de Castro... si Joey de Leon, 'yon 'yong mga gusto kong kachikahan.

"'Yong parang imposible kong makasama, 'yon 'yong gusto kong makachikahan ko," pahayag ni Vice.

DAY-OFF. Bagamat araw-araw siyang nakikita sa TV, ni-reveal ni Vice na meron din naman siyang day-off.

"Minsan meron din," sambit niya.

Ano 'yong usual na ginagawa niya pag-day-off niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pag-day-off talaga, nirarampa ko. Nagbabaliw-baliwan ako sa mga day-off ko. Nagpapaka-normal ako pag-day-off.

"I go to my friends, ano, gumigimik pa din ako. 'Yong mga pangkaraniwang ginagawa ko pa dati no'ng hindi pa ako masyadong busy.

"Binabalikan ko talaga 'yon kasi 'yon 'yong nami-miss ko, e. Para ano lang, para to keep me sane.

"Siyempre, di ba, pag nagpapakapagod ka na rin, paulit-ulit, trabaho ka nang trabaho, nakakabagot.

"Kailangan gumawa ka rin ng mga normal na ginagawa mo dati no'ng hindi ka pa masyadong kabisihan."

Dagdag din ni Vice, "'Yong paglabas-labas with friends na pumupunta sa mga clubs, sumasayaw, pagpupuyat... Gustung-gusto ko 'yong nagpupuyat ako, 'yong nginangarag ko 'yong katawan ko, 'yon ang gusto ko."

COMEDIAN. Sinabi rin ni Vice na hindi raw niya in-expect na maging artista, lalo na maging isang komedyante.

"It wasn't my dream to become a comedian. At first, it was my dream to become a lawyer, but it didn't push through.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kusa nang dumating itong pagiging artista, pagiging komedyante."

Ano ba ang dream project ng isang Vice Ganda?

"A, kasi wala akong konkretong dream project. Hindi kasi ako maplanong tao, e. I just live by the day.

"Kung may bibigay sa aking project, pag-iisipan ko, titingnan ko. Kung maganda, go!"

Madalas mag-joke around si Vice tungkol sa mga bagay-bagay, kung kaya't natanong siya kung may napikon na sa kanya at kung paano niya hinandle ang sitwasyon.

"Madami, sobrang dami. I handled it with grace and composure," sabi ni Vice.

Tinanong naman ng PEP si Vice kung ano ang tatlong bagay na ikinasasaya nito.

"Three things that make me happy? Ano ba? Shopping, boys, money," sagot ni Vice.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Bongga 'yong reception, 'yong feedback na nakukuha namin, maganda 'yong ratings, in-extend na nila," says Vice Ganda about his weekly show Gandang Gabi Vice.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results