PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gov. ER Ejercito says Regal Films is prohibiting Carla Abellana from promoting their movie; clarifies "billing issue" of Phillip Salvador

Gov. ER Ejercito denies rumors that Phillip Salvador is not happy with his billing in the Asiong Salonga movie.
by William R. Reyes
Published Dec 9, 2011
"Ang banggit sa akin ni Carla [Abellana] at ng kanyang manager na si Arnold Vegafria, 'pag sila daw ay nag-promote, o pupunta sa presscon, sasakay sa float sa December 24, at kapag nanood sa premiere night [on December 17], e, idedemanda raw [sila] ng Regal Films," says Gov. ER Ejercito (left) when asked why Carla Abellana was not at the presscon where this interview took place. With him in the photo is his son Jerico Ejercito (right) who plays the young Asiong Salonga in

Maraming issues ang nilinaw ni Laguna Governor ER Ejercito sa major presscon ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story kahapon, Disyembre 8, sa Zirkoh Restaurant Bar, sa Tomas Morato, Quezon City.

Ang nasabing pelikula, na si Governor ER ang nasa title-role, ay entry sa gaganaping Metro Manila Film Festival, simula sa December 25.

Sa pelikula ay ginamit niya ang pangalang Jorge "ER" Estregan Jr., sunod sa pangalan ng kanyang yumaong ama, ang aktor na si George Estregan.

Sa unang dalawang presscon pa lamang ng pelikula na dinirek ni Tikoy Aguiluz, early and middle of this year, ay nagkaroon na ng aberya dahil may pagtutol ang Regal Entertainment outfit sa partisipasyon ng leading lady ni Jorge Estregan Jr., na si Carla Abellana.

Sa Regal Entertainment kasi eksklusibong nakakontrata ngayon si Carla.

At sa presscon kahapon ay isa ito sa mga issue na binanggit ng actor-politician.

Galit daw ngayon si Governor ER kay Mother Lily Monteverde.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"E, hinaharang niya, e," ani Governor ER. "Siya ang humarang, e. Siya ang humaharang. Ayaw niyang mag-promote si Carla, e."

Matapos ang Q & A, sa presscon proper, nagbigay pa ng ilang detalye si Governor ER tungkol sa naturang isyu, sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang taga-media.

"Ang banggit sa akin ni Carla [Abellana] at ng kanyang manager na si Arnold Vegafria, 'pag sila daw ay nag-promote, o pupunta sa presscon, sasakay sa float sa December 24, at kapag nanood sa premiere night [on December 17], e, idedemanda raw [sila] ng Regal Films."

Wala nga si Carla sa presscon kahapon, at sa dalawang naunang presscon para sa nasabing pelikula noong Enero at Agosto ng taong ito.

Pero hindi raw galit si Governor ER kay Carla at sa manager nito [Vegafria].

"A, hindi po. Dun lang sa mga pumipigil sa kanya," pag-amin ng gobernador.

Pero itinanggi ito ng lady boss ng Regal Films na si Roselle Monteverde-Teo. Nung usisain siya ng PEP sa pamamagitan ng text message, ang reply nito: "Of course not!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang ikontak naman si Arnold, ang sabi nito, "Carla cleared the issue in her presscon now."

Ilalathala sa araw ding ito ang pahayag ni Carla tungkol sa isyu.

Samantala, ayon pa kay ER, masama rin ang loob ng Viva Films, na siyang nag-distribute ng pelikula na prinodyus ng isang independent movie outfit, ang Scenema Concepts, Inc., as represented by Ms. Mylene Enriquez.

Dumalo rin sa presscon si Ms. Enriquez, gayon din ang politician-wife ni Governor ER na si Mayor Maita Sanchez ng Pagsanjan, Laguna, at dalawa niyang anak na binata.

Maaayos pa kaya ang problema ng production hinggil sa partisipasyon ni Carla Abellana, sa promosyon ng pelikula, habang nalalapit ang premiere night at opening ng pelikula?

"Malabo... malabo," saad pa ni Governor ER, na may panghihinayang.

"Maganda at malaki pa naman ang role niya, halos pantay nga kami. Mga fifty percent din ang exposure niya. Puwede rin siyang ma-nominate as best actress..."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"BILLING" ISSUE. Bukod sa problema sa pagpu-promote ni Carla Abellana ay binanggit din ni Governor ER ang tungkol sa issue sa billing niya at ni Carla, at pati na rin ni Phillip Salvador.

Sa layout ads ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ay prominently billed, above the title, ang mga pangalan nina Jorge "ER" Estregan, Jr., kapantay ng kay Carla Abellana.

May below-the-title billing din ang dalawa, na mas maliit.

Pero sa hanay nito'y una ang pangalan ni Phillip Salvador na mas maliit na ang tipo, kumpara sa above-the-title billing ng bidang magkaparehang Jorge at Carla, ayon sa ginampanan nilang mga tauhan.

Nabalita na diumano'y nag-demand ng "mas magandang billing" ang multi-awarded actor na si Philip Salvador.

Totoo nga ba ito?

"Hindi," banggit ni Governor ER. "Una naman siya [Phillip], pagbukas ng pelikula, unang-una ang pangalan niya.

"Pero, dun sa itaas, Viva Films decision 'yon.

"Gusto nila, parang sa [Bitayin Si] Baby Ama [1976], nina Alma Moreno at Rudy Fernandez."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang nasabing action movie ang naging turning point sa career ng yumaong si Daboy, bilang top action star.

Mas nauna sa billing sa kanya si Alma Moreno, who later became the mother of his son, dahil noo'y top actress-sex symbol si Alma.

Sa isang banda, nag-request din nga ba si Ipe na "tanggalin na lang ang pangalan niya" kung hindi rin lang siya mabibigyan ng "above-the-title" billing?

"Ah, hindi totoo 'yon. Wala po, lambingan lang 'yon... kantiyawan lang po namin 'yang billing issue," paglilinaw pa ni Governor ER.

"Malalim na ang pinagsamahan namin [ni Phillip]," aniya.

Bilang patunay, nabanggit niya na kasama din si Phillip sa major cast ng El Presidente: The True Story of Gen. Emilio Aguinaldo.

Ang pelikula ay pangungunahan pa rin ni Governor ER kasama ang superstar na si Nora Aunor.

Mula pa rin sa direksiyon ni Tikoy Aguiluz, ang El Presidente ay nakatakdang ipalabas sa darating na June, 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON DIREK TIKOY AGUILUZ. Kumusta naman ang pakikipagtrabaho sa award-winning filmmaker na si Tikoy Aguiluz?

"A, ang galing! Ang galing!" pagpuri ni Governor ER sa direktor, sa una niyang pakikipagtrabaho rito.

"Sulit! Kahit magastos, sulit! Napakaganda ng pelikula! Sabi ko nga sa kanya, 'Direk, gusto ko Hollywood-type, ha?'

"Hollywood-type talaga ang ginawa! Hollywood-type talaga!

"Walang tipid! Walang tipid! Oo, sabi ko, 'Wag kang magtipid.' Kasi sayang, e.

"Pati gastos, Hollywood, 40 shooting days!"

ON WORKING WITH NEW ACTORS. "Masarap. Mga disiplinado at professional sila!" positibong banggit naman ni Governor ER sa mga nakatrabahong higit na batang mga aktor.

Ang anak niya na si Jerico Ejercito ang gumanap bilang batang Asiong Salonga.

Kasama rin sa pelikula ang premyadong aktor na si Baron Geisler na bukas sa madla ang pagpasok sa rehab dahil sa kanyang "drinking problem."

"Ay, hindi na [naging problema]...under rehab na siya, e. Matinung-matino na..." pagtukoy pa ng gobernador tungkol kay Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON EX-PRESIDENT ERAP. Ang obserbasyon, talagang sinusundan ni Governor ER ang landas na tinahak, bilang actor-politician ng kanyang uncle na dating Presidente, Joseph "Erap" Estrada.

Memorable kay dating Pangulong Erap ang pagbibida sa Asiong Salonga noong '60s. Ito rin ang panahong nagsisimula si dating Pangulong Erap sa kanyang political career bilang alkalde ng San Juan.

Na ginawa rin ni ER Ejercito, o Jorge Estregan Jr. noong dekada '80.

'Tapos, sumabak siya sa pulitika at nagtagumpay hanggang maging kasalukuyang gobernador na nga ng Laguna province.

"Idol ko si Presidente Joseph Estrada. Kaya lahat ng nangyari sa kanyang buhay ay gusto kong marating.

"Huwag lang [ang] makulong!" kuwelang banggit niya.

Hanggang maging Presidente rin kaya siya?

"Bahala na si Lord," aniya.

Ano ang bagong plano ni Governor ER sa kanyang political career?

"Gusto kong tapusin ang term ko, bilang governor...nine years!" sabi rin niya.

A DIFFERENT ASIONG SALONGA. Kakaiba raw ang Asiong Salonga remake na ito kumpara sa mga nauna, o sa orihinal na pinagbidahan ni Joseph Estrada noong 1961.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gumawa na ng remake na pinagbidahan ni Rudy Fernandez noong 1978, at sa ikalawang remake, nagbida rin si Jorge Estregan Jr. noong 1988.

"Palagay ko, ito na siguro ang pinakamagastos na pelikula sa Metro Manila Film Festival. Oo, 75 million [pesos]," pagtukoy niya hinggil sa budget/cost ng entire project.

"Shot in black-and-white. It's a gangster film na maipagmamalaki natin sa ibang bansa," sabi pa niya.

WELL-RESEARCHED. Ang sumulat ng screenplay ay si Roy Iglesias, kasama ang team ng researchers.

"Yes. Nasa Tondo lagi ang ating mga researchers. At maraming dokumento ang nakuha nila sa Internet at sa National Library kaya well-researched po ang pelikulang ito.

"Untold story ito ni Asiong Salonga," pagtukoy pa ni Governor ER sa true-to-life character ni Nicasio Salonga, the legendary "Robinhood" of the underworld, noong late '40s and '50s, sa magulong distrito ng Tondo, Maynila.

"Madaming bakbakan ngayon ang ipinakita. Ipinakita din ang maraming minahal niya sa buhay, mga naging inspirasyon," banggit pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Palagay ko, ito rin ang pinakamagandang Asiong Salonga. In this generation, ha?" banggit pa ni Governor ER.

"Siyempre, nung kay Erap, maganda nung panahon niya. Nung kay Daboy, maganda rin nung panahon niya [late '70s].

"Yung ginawa ko, nung [late '80s], maganda rin ang Asiong Salonga nung panahon na 'yon.

"Ngayon naman, ito na ang pinakamaganda!" pagpuri pa ni Governor ER sa latest collaboration nila ni Direk Tikoy.

"Siguradong matutuwa po kayo sa pelikula dahil pinaghirapan, ginastusan at maipagmamalaki sa buong mundo."

Mayroon nga raw prospects for showing abroad sa international filmfests ang kanilang pelikula.

"May mga premiere nights kami sa ibang bansa, na inaayos pa," aniya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang banggit sa akin ni Carla [Abellana] at ng kanyang manager na si Arnold Vegafria, 'pag sila daw ay nag-promote, o pupunta sa presscon, sasakay sa float sa December 24, at kapag nanood sa premiere night [on December 17], e, idedemanda raw [sila] ng Regal Films," says Gov. ER Ejercito (left) when asked why Carla Abellana was not at the presscon where this interview took place. With him in the photo is his son Jerico Ejercito (right) who plays the young Asiong Salonga in
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results