PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Panganiban reveals it's harder to make people laugh than cry; says she's grateful to be accepted in both comedy and drama

The actress looks up to comediennes Ai-Ai delas Alas and Eugene Domingo.
Published Dec 3, 2011
This year, Angelica Panganiban has won two acting awards from the Entertainment Press Society Inc. (ENPRESS): A Golden Screen Award for Best Comedy Actress for the movie, Here Comes The Bride and a Golden Screen TV Award for her Outstanding Performance by an Actress in a Gag or Comedy Program for Banana Split (ABS-CBN).

Last November 29 ay muling kinilala ang husay ni Angelica Panganiban bilang comedienne nang manalo siya sa 2011 Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society Inc. (ENPRESS) sa kanyang Outstanding Performance by an Actress in a Gag or Comedy Program para sa Banana Split ng ABS-CBN.

Ito ang ikalawang acting award ni Angelica bilang komedyana.

Itong taong ito, nanalo rin sa Golden Screen Movie Awards si Angelica bilang Best Comedy Actress para sa pelikulang Here Comes The Bride.

Ano ang masasabi niya na ngayon ay kinikilala na ang kanyang talent sa comedy?

“Sobra po akong thankful na sa year na ito ay dalawang awards ang nakuha ko sa comedy.

“Last year rin ay nanalo ako sa Star Awards for Banana Split, kaya lang ay wala ako roon para kunin ang award.

"So, talagang thankful po ako sa mga blessings na ito,” masayang wika ng versatile na aktres sa panayam kamakailan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And sobrang natutuwa po ako na tinanggap ako ng mga tao sa dalawang mundong iyon [comedy at drama],” nakangiting pahabol pa niya.

Next time na gagawa siya ng drama, lalo na yung may matitinding iyakan, hindi kaya manibago ang viewers o dapat na mas mag-effort siya dahil mas sanay na ang manonood na nakikita siyang nagpapatawa?

“Hindi naman siguro dahil sa drama naman talaga ako nagsimula e,” ang sabi niya.

Inamin din niya na mas mahirap magpatawa kaysa mag-drama o magpa-sexy sa pelikula.

Dahil sa mga award na ito, handa na ba niyang kabugin at maging threat sa trono nina Ai-Ai delas Alas at Eugene Domingo bilang mga kilalang top comedy actresses ng bansa?

“Hindi naman, sumasali lang ako sa kanilang grupo na nagbibigay ng aliw at kasiyahan sa mga tao,” nakatawang saad ni Angelica.

“And I’m sure na happy rin sila na may dumadagdag sa mga taong katulad nila na gusto lang talagang makapagpasaya sa mga manonood."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa girlfriend ni Derek Ramsay, idolo niya ang dalawang comedienne at nagpapasalamat siya nang sobra dahil napaka-supportive sa kanya ni Eugene.

“Oo naman, idol ko silang dalawa. Bata pa lang ako ay napapanood ko na si Ms. Ai-Ai, sana nga ay mabigyan kami ng chance na magka-work; aabangan ko iyon.”

Idinagdag pa ni Angel na itinuturing niyang isang mentor si Uge at labis siyang nagpapasalamat sa lahat ng suporta at alalay sa kanya ng batikang komedyana.

“Si Ate Uge naman, ever since ay napaka-supportive sa akin sa lahat ng ginagawa kong roles. Mapa-drama, mapa-comedy ay talagang pinapanood niya ako. Pati guestings ko...kaya, sobrang thankful ako sa kanya.

“Sa totoo lang, ang sarap ng feeling na may mga ganoong klaseng tao na mentor ka, na tinuruan ka, inaalalayan ka para makakuha ka rin, kung anuman iyong na-achieve rin nila.

“So, hindi siya selfish talaga at laging andoon iyong pag-alalay niya sa akin...at doon mo makikita kung gaano sila ka-professional.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Na hindi lang yung sarili nila ang mahal nila, kundi iyong industriya mismo at iyong ginagawa nilang trabaho,” wika pa ni Angelica na muling makakasama si Eugene sa part two ng very successful nilang pelikulang Here Comes The Bride.

Itong taong ito, dalawang comedy awards ang natanggap niya, next year ba ay gusto niyang madagdagan pa ito?

“Sana,” matipid na saad niya, sabay pakawala ng malulutong na halakhak.

“Well, sana po mayroon ulit next, sana,” nakatawang pagtatapos niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This year, Angelica Panganiban has won two acting awards from the Entertainment Press Society Inc. (ENPRESS): A Golden Screen Award for Best Comedy Actress for the movie, Here Comes The Bride and a Golden Screen TV Award for her Outstanding Performance by an Actress in a Gag or Comedy Program for Banana Split (ABS-CBN).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results