PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Senator Bong Revilla denies barring Marian Rivera's boyfriend, Dingdong Dantes, on the set of Panday 2

Bong Revilla on staying fit and goodlooking: "Siyempre, yun din naman ang unang-unang kapital din natin. Kailangang maging cute tayo."
Published Dec 19, 2011
Senator Bong Revilla on which film will become the MMFF 2011 topgrosser: "Siyempre, sino ba naman ang ayaw maging number one? Lahat kami. Pero siyempre kung yun ay ibibigay ng Panginoon na maging number one ka, nobody can stop it. Basta sa atin, ginawa natin ang lahat para sa pelikulang ito, Panday 2."

Si Senator Bong Revilla, Jr. ang sumagot sa maiintrigang tanong ng Showbiz Central co-host na si John "Sweet" Lapus para sa "Don't Lie To Me Reloaded" segment na napanood sa GMA-7 kahapon, Disyembre 18.

Kaugnay ito ng pagpo-promote ng pinagbibidahan niyang pelikula, ang Panday 2, na entry ng GMA Films at Imus Productions sa Metro Manila Film Festival 2011.

DINGDONG NOT BARRED. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumalang si Bong sa hamon ng lie-detector test.

Unang tanong ni Sweet kay Bong: Pinagbawal nga ba niyang mabisita sa set ng Panday 2 ang leading lady niyang si Marian Rivera ng boyfriend nitong si Dingdong Dantes?

Sagot ni Bong: "No."

Resulta ng lie detector: "Truth."

Paliwanag ni Bong, "Bakit naman pagbabawalan? Dingdong is a very good friend of mine. At siyempre ano sila [magkasintahan sila ni Marian]."

Dagdag tanong ni Sweet kung nagbigay-pugay o nagpaalam ba siya kay Dingdong dahil may kissing scene sila ni Marian sa movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Well, trabaho lang ito. Nothing personal. So, 'ayan," sagot ng actor-politician.

GOOD LOOKS. Pangalawang tanong: Dahil napanatili niya ang maayos na pagmumukha at katawan na tila hindi siya tumatanda, may ipinagawa ba o may ipinaretoke ba siya sa kanyang good looks ngayon?

Birong sagot ni Bong kay Sweet: "Gusto mong pasayawin kita? Ang sagot ko, yes!"

Resulta ng lie detector: "Lie."

Tawa nang tawa si Bong dahil napasayaw nga niya si Sweet ng kanyang buwis-buhay dance moves, sabay sabi ng, "I love you, Sweet! Hindi na ako magla-lie."

Paliwanag naman ni Senator Bong kung bakit goodlooking pa rin siya, "I work out every other day. Kung kaya ko, every day.

"So, maalaga rin ako sa balat. And I have to be fit, di ba? Kailangan cute tayo."

Dagdag tanong pa ni Sweet, ano ang pakiramdam ni Senator Bong na sa paglalakad niya sa Senado ay tinitilian siya ng mga tao, dahil bukod sa paghanga sa kanya bilang politician ay humahanga rin ang mga tao sa kanyang hitsura?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ng senador, "Nakakatuwa naman.

"Siyempre, yun din naman ang unang-unang kapital din natin. Kailangang maging cute tayo."

Ano ba ang sexiest part ng kanyang katawan?

"My chest and my triceps. Yung susunod na pelikula ko, palalabasin ko na ang abs ko!" biro ni Bong.

Para naman kay Sweet, ang mga mata raw ni Bong ang pinaka-sexy sa kanya dahil pag tinititigan daw siya ay para siyang natutunaw.

ON BEING TOPGROSSER. Pangatlong tanong: Consistent na matagumpay sa takilya ang kanyang mga pelikula sa MMFF.

Taun-taon ay inaabangan ng mga tao kung anong pelikula ang mangunguna sa takilya. Affected ba siya kung anong pelikula ang magiging top-grosser sa MMFF this year?

Sagot ni Bong: "No."

Resulta ng lie detector: "Truth."

Ayon kay Bong, "Alam mo, Sweet, ang importante dito, mapaligaya natin yung ating mga manonood.

"Tayo pinilit natin... siyempre sino ba naman ang ayaw maging number one? Lahat kami.

"Pero siyempre kung yun ay ibibigay ng Panginoon na maging number one ka, nobody can stop it.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Basta sa atin, ginawa natin ang lahat para sa pelikulang ito, Panday 2.

"Kumbaga, mas maganda pa ito sa Panday 1. Kaya yung effects lang, at saka yung casting, napakatindi."

Bukod sa pagpapaligaya sa mga manonood, layunin din daw ni Bong na magbigay ng dekalidad na pelikula.

"Correct, correct, kumbaga itinaas natin ang antas ng paggawa ng pelikula," sabi niya.

LANI IS NOT JEALOUS. Para naman sa pang-apat na katanungan, ang nagtanong nito kay Senator Bong ay walang iba kundi ang gumaganap na Lizardo sa Panday 2, na si Phillip Salvador.

Biniro muna ni Phillip ang kaibigang si Bong, "Patay ka ngayon sa akin!"

At saka nagtanong, "Sa mga katulad mong action star, hindi mawawala ang intriga. Mga leading ladies mo ang gaganda. Nandiyan si Marian Rivera, nandiyan si Iza Calzado. May Rhian Ramos ka pa. Anak ng teteng! Ibang klase ka talaga!

"Ang ano rito, e, naiintriga pa kaya si Mareng Lani [Mercado, asawa ni Senator Bong]? Ang tanong ngayon, nagseselos pa ba sa mga leading ladies mo ang Kumareng Lani ko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Don't tell a lie, tell the truth. Now or never."

Sagot ni Bong: "Yes."

Resulta ng lie detector: "Lie."

Gusto ni Senator Bong na si Phillip ang magsayaw, pero tumabi na nga ito at inako na lang ni Sweet.

"Sorry, Sweet. Akala ko si Ipe ang sasayaw," ani Senator Bong.

Paliwanag naman ng senador-aktor-host: "Hindi nagseselos si Lani. Sa totoo lang, she's a very good sport. Hindi siya ganun.

"Hindi kami siguro magtatagal nang ganitong katagal, umabot kami ng 25 years together."

May approval ba ni Lani ang magiging leading lady niya?

"Oo, minsan siya pa ang pinapipili ko e. May tiwala siya sa akin."

Dagdag pa ni Ipe, "Alam mo, bilib ako kay Mareng Lani kasi walang kaselos-selos 'yan, dahil wala namang dapat pagselosan, di ba?"

Dahil sa pangungulit ni Bong na pasayawin si Phillip ay napilitan na rin itong sumayaw na ikinatuwa naman ng lahat ng nasa studio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla on which film will become the MMFF 2011 topgrosser: "Siyempre, sino ba naman ang ayaw maging number one? Lahat kami. Pero siyempre kung yun ay ibibigay ng Panginoon na maging number one ka, nobody can stop it. Basta sa atin, ginawa natin ang lahat para sa pelikulang ito, Panday 2."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results