PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera on what gift she wants to give boyfriend Dingdong Dantes: "Sarili ko!"

The Amaya star wants to give a pillow to her beau's ex-girlfriend Antoinette Taus.
by Rommel R. Llanes
Published Dec 26, 2011
Marian Rivera on how she can offer herself as a gift to her boyfriend Dingdong Dantes: "Ako, pagsisilbihan ko siya. 'Pagluluto ko siya. Maglilinis ako ng bahay nila. Yaya niya muna ako ng isang araw."

Naka-one-on-one interview ni John "Sweet" Lapus si Marian Rivera sa Showbiz Central kahapon, December 25.

Kinunan ang nasabing interview bago mag-Christmas break para sa airing kahapon, kaya malamang ay naisakatuparan na ang karamihan sa kanilang napag-usapan, kung 'di man lahat.

Tungkol sa Christmas plans ng aktres muna ang kanilang napag-usapan.

"Ayan, parade, siyempre ng Panday, 'tapos diresto kina Dong," sabi ni Marian na ang tinutukoy ay ang kasintahang si Dingdong Dantes.

"[December] 24 kami sa kanila. Sa 25 sa bahay," umpisang kuwento ni Marian.

Ipinagluluto ba ni Marian ng pagkain ang kasintahang si Dingdong?

"Oo naman."

Ano usually ang niluluto niya kapag holiday season?

"Depende sa taong bisita ko, kung ano ang gusto nila."

Kung si Dingdong ang bisita niya?

"Kaldereta."

Favorite daw kasi ni Dingdong ang espesyal na kalderetang baka na niluluto ni Marian.

Si Marian ba, ipinagluluto rin ni Dingdong?

"Ang alam niyang lutuin, steak."

Siguradong sarap na sarap si Marian sa steak kapag si Dingdong ang nagluto?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Minsan nagpapanggap ako. Minsan [kasi] maalat," at tumawa nang tumawa ang aktres.

"Nilalagyan ko na lang ng kalamansi, ganu'n.

"Pero, masarap naman siyang magluto... ng steak!"

DINGDONG'S CHRISTMAS GIFT? Ang motorsiklong Ducati na iniregalo niya kay Dingdong, na-test drive na ba?

"Oo naman. Oo naman."

Umangkas ba siya?

"Hindi."

Ano naman ang ipinangtapat ni Dingdong sa regalo ni Marian?

"Ano kasi, alam niya na ang gusto ko, yung mga gamit sa pagluluto, sa pagbe-bake.

"Bongga naman siya," pagtukoy ni Marian sa mga iniregalo ni Dingdong sa kanyang gamit panluto.

Libangan ni Marian ang baking.

"Nakagawa na ako ng carrot cake, yung banana cake, ng cookies, at tsaka ng muffins."

At ang pinakanagustuhan ni Dingdong ay...

"Yung carrot cake.

"At tsaka may love iyon habang ginagawa ko."

MARIAN PLAYS SANTA CLAUS. Dahil Holiday Season, halimbawang may ireregalo si Marian sa ilang showbiz celebrities, anu-ano ang mga ito?

Sinimulan ni Sweet ang pagbanggit ng pangalan ng leading man ni Marian sa Ang Panday 2, na si Senator Bong Revilla, Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siguro ano, bakasyon. Sa dami ng trabaho niya, siguro kailangan niya ng matinding bakasyon na kasama si Ate Lani [Mercado] para magkaroon sila ng bonding."

Kay Congressman Manny Pacquiao?

"Marami pang money! Para mas marami pa siyang lalong matulungan, bilang gusto niyang tumulong palagi sa kapwa niya."

Kay Lovi Poe?

"Shoes! Shoes! Kasi hilig niya mga shoes. Ganun talaga siya."

Kay Aljur Abrenica, na nakasama ni Marian sa epic-serye ng GMA-7 na Amaya.

"Damit!"

Dahil laging hubad si Aljur sa kanilang epic-serye?

"Tama! Kasi wala siyang saplot, so kailangan magdamit siya sa Pasko."

Kay Antoinette Taus na may magandang mensahe sa kanya sa taped interview na kinunan sa Amerika?

"Pillow. Kasi ang pillow is, ito yung, dun ka nakakapag-rest. At base sa mga interviews niya, busy yung schedule niya.

"Siguro kailangan niyang mag-rest kahit papaano."

Kay Kris Aquino na kapareha ni Dingdong sa Segunda Mano, na entry rin sa 2011 Metro Manila Film Festival?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Rosary! Palagi siyang nagte-text sa akin ng mga prayers.

"Kaya gusto ko siyang bigyan ng rosary bilang katumbas na palagi niya akong pinaaalalahanan kung gaano kabait ang Diyos sa atin.

"Di ba? Every day 'yan, hindi talaga pumapalya [sa pagte-text ng prayers si Kris]."

Kay Dingdong?

"Una, bakasyon din para sa kanya. Ang OA kasi ng trabaho ni Dong .

"Bukod sa taping ng soap [My Beloved] na ginagawa niya, sabay na tinapos niya ang Segunda Mano, so every day siyang nagte-taping.

"Sobrang hirap at puyat, so talagang kailangan rin niya ng bakasyon para sa sarili niya."

Bukod sa bakasyon, ano pa ang ireregalo niya kay Dingdong?

"Sarili ko!" sabay-tawa ni Marian.

"Ako, pagsisilbihan ko siya. 'Pagluluto ko siya. Maglilinis ako ng bahay nila. Yaya niya muna ako ng isang araw."

Kay Sweet...

"Trophy! Gusto kong magkaroon ka pa ulit ng ganu'n.

"Kasi nakakatuwa na nakikita ng tao yung galing mo sa pag-arte, lalo na sa pagiging komedyante. Kaya isa pang trophy para sa iyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera on how she can offer herself as a gift to her boyfriend Dingdong Dantes: "Ako, pagsisilbihan ko siya. 'Pagluluto ko siya. Maglilinis ako ng bahay nila. Yaya niya muna ako ng isang araw."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results