Hindi na lamang mga ordinaryong netizens, kundi pati mga artista na rin, ang nahuhumaling ngayon sa photo sharing website na Instagram.
Isa na nga ito sa mga ginagamit nilang paraan upang makipagtalastasan sa kanilang fans, at upang ipaabot ang pagbati sa kanilang mahal sa buhay sa anumang okasyon.
Nitong Linggo, June 16, ipinagdiwang ng buong mundo ang araw ng mga ama o Father’s Day.
Base sa analytics tool na Statigram, umabot na sa mahigit 1.2million ang posts sa Instagram na naglalaman ng hashtag na #fathersday.
At kabilang na nga ditto ang ilang posts ng local celebrities na nagpaabot ng kanilang mensahe sa kanilang mga tatay, daddy, papa, paps, papsie, papu, at dada.
VIEW PHOTOS: Stars “Insta-greet” their dads on Father’s Day