It’s been months since I went to Quezon City Hall of Justice.
I remember the very first time na pumunta ako sa doon. Kahit wala akong kasalanan, feeling ko judgmental ang mga tao.
I was charged by TMG (Traffic Management Group) of anti-fencing due to a car that my ex-husband and I bought more than five years ago. Four years ago, he sold the car and left. After three years, TMG went to me with this anti-fencing case.
(To those who do not know, fencing is defi
All my subpoenas were forwarded to my old house. But the Notice for Guilty or Warrant was sent to my present address. That technicality made the case complicated that I was forced to pay bail.
I’m here again at the Quezon City Hall of Justice. My reason, however, are different this time. Before, there was a case charge against me. Nevertheless, “not guilty as charged” ako. Obviously, ‘di ko nga alam kung saan kinuha yung car. Now, it’s my turn to file a case. Naks! Iba na…
After going through that criminal case experience, I decided to file for my annulment. The details of the annulment cannot be disclosed because…because… ganun yata talaga. Basta!
Iba naman talaga ang feeling when you are confident and know what’s happenning. Dati kasi, wala talaga kasi akong alam.
Parang naging tambayan ko na ‘yang Hall of Justice. Alam ko na kung saan agad ako pupunta.
I stopped in the middle of the hall. Looked around. Walang pinagbago.
1. Mainit pa rin ang paligid.
Kaya sigurado ako bibihira ang nagbabati dito kasi mainit na nga ulo nila, mainit pa ang paligid nila.
2. Masikip pa rin ang mga hallways.
Bakit? Kasi po punong-puno ito ng mga files. Files are piled up at the hallways. Kung may kinasuhan ka ng attempted murder at dito kayo magkikita, hindi malayong mapatay ka dito dahil maliit lang at masikip ang tatakbuhan mo. Mahihirapan kang umiwas.
3.
Alam mong aabutin ng 50 years ang kaso mo sa amoy pa lang.
4. Bawal umihi dito.
Syempre, hindi nila binura ang nakasulat na bawal umihi dito sa second floor, sa may hagdanan, sa loob ng Hall of Justice. Bakit?! Bakit may umiihi sa hagdanan ng Hall of Justice? Bakit? Anong nangyari? Akala ko dati sa kalye lang umiihi ang Pinoy. Hindi pala.
5. Wala pa ring upuan.
Ang ngawit ayon sa aking personal experience causes stress and headaches that trigger my right membrane to react accordingly, sending the message to all my nerves regarding the ngawit that this human anatomy feels. This, in effect, causes one person to get mad easily, fuzzy, uneasy, impatient, thus, making him/ her not in the right frame of mind and position to decide on important matters, especially legal matters. Lagot na! Diyan nagsisimula ang unang kaguluhan at ‘di pagkakaunawaan.
6. Papunta sa Fiscal ay let’s gets physical.
Kung sa mga branch ay masikip. Ang opisina ng mga Fiscal ay desig
7. Nakakalito at nakakahilo.
Sa sobrang dami ng tao, nakakahilo at nakakalito kung saab ka pupunta. hahahaha! Bago ka makarating sa kaso mo, nalaman mo na ang kaso ng iba o nakalimutan mo ang kaso mo sa lito.
8. Iisa ang Elevator at ang bagal nito.
Mas mabilis pa kumuha ng lisensiya kesa ang andar ng elevator sa QC Hall of Justice.
Dahil hindi ko kinaya ang aking karanasan, meron akong mga mungkahi para mapaganda at maisaayos ang Hall of Justice. With my suggestions, sigurado akong marami ang magbabati.
1. Magpatugtog ng classical music: calming, soothing, and it clears one’s mind from destructive thoughts.
2. Put live plants inside the building for better air circulation.
3. Uso na po ang computer. Store all the files in a computer.
4. Add Bathrooms para ‘di sila umihi sa hagdanan.
5. Put some chairs para walang ngawit factor.
And so many more suggestions.
Kasi naman, marami pang hindi nagbago. Pero ako nagbago. Wala akong kaso. Ako ang nagsampa ng Kaso. Dito sa Hall of Justice, marami din akong natutunan. Iyan naman ay nabanggit ko na sa inyo dati. Hindi naman pala lahat ng tao dito ay mukhang pera. Merong mga totoong mababait at gustong magsilbi, magtrabaho ng maayos. Marami nga sila. Kaso ang mas tumatatak ay ang iilan na nagpapabulok sa sistema ng hustisya. Building pa lang ang bulok na bulok na. Naisip ko na nga na pwede na rin ito donate sa
Marami na ang tumanda sa serbisyo dito. Kung sa itsura ay ‘di nabigyan ng tamang paghahalaga ang hustisya,
Sa gitna ng bulok na building na ito ay ako.
Nakangiti. Nakatingala. Isang taong nakakulong sa pamaraan at sitwasyon ng paligid. At ang tanging masasabi ko lang ay: “Kung ang building na ito ay ayaw niyong ayusin, okay lang, building naman ito. Pero ang mga buhay ng tao na pumapasok at lumalabas sa gusaling ito, kailangan niyong ayusin dahil nakasalalay sa mga kamay ninyo ang buhay at kinabikasan ng nakararami dito. Isa na ako dun.”
Mabilisan lang na update:
Nagkita na kami ng ex-husband ko after more than three years. Wala akong naramdaman. Nakita ko pa nga yung babae niya sa labas. Wala akong naramdaman. Hindi ako galit. Hindi ako natutuwa. Wala akong nararamdaman. Hindi naman din ako naiinis. Pwede pala mangyari yun, ang mawala lang basta ang lahat ng nararamdaman mo para sa isang tao. Parang itong building na ito. Nandyan lang. Nakalumaan na. Nagpapasikip lang. Hindi mapaayos ng lubusan, kailangan kasi muna, linisin. Iyan ako at ang pinagdadaanan ko sa annulment case na ito sa Hall of Justiis.
heavensent143, maraming Salamat.
Geneskie, Candidly na po ang official title ng blog ko.
Hetchos, si Angeli Pangilinan po ang manager ko. Sabihan niyo rin ang stations na kunin ako. hehehehehe…
angel.26, yes. It’s part of our life being public property. Di naman ako nagagalit. Mas nakakatuwa naman na napapansin ako kaysa deadma ang tao. Ibig sabihin nun wala akong bearing sa kanila. Di na ako masyado tumatambay dahil wala akong time. Pero pag may chance, sa Esquinita or Kafebaresto ako nagpupunta.
pinktulips, carin, eym, skyscraper, I hate hypocrites!
malinesky, bitchy_rhan, mam, mabeth, and everybody else in the house: Thanks for your wonderful and inspiring comments. Nakakagana pong sumulat. Salamat naman at napatawa o napangiti ko kayo sa pagbabasa.
Sa mga nagtatanong kung ako si manager, akala niyo lang yun.
Purita, my son is 4years old. Meron siyang speech occupational therapy,
Guisie. ‘di ka nag-iisa sa maling akala na iyan.
sugar n spice, hindi naman pasaway ang mga bata. Mababait naman sila. Nagkataon lang na bata lang talaga sila. Ganun, eh.
Suzette, heto ang parang city hall experience ko. Second encounter ko naman.
Siomai, tama ka. Puyat yung driver ko nung nabangga kami. Tsk! Kaya di rin ako nagalit kasi puyat din ako. Nakakatamad magalit.
AJ Reyes, bonggang-bongga kong na-appreciate ang comments mo. Nakakataba ng puso at kaluluwa.
sanCnukob, meron akong invitation to do a concert there sa
Doubledutch, gusto ko talaga ma-experience iyang panagbenga festival ng
Sa lahat ng galit kay blonde_skinny_bitch at kay blonde_skinny_bitch: mukhang mabait naman siya, malakas lang ang arrive. Steady lang mga repapips. Wag na po nating gawing tayo pa ang maging source ng stress siya. At ikaw naman mismo, wag naman po masyadong pala-sagot. Happy-happy lang tayo. Ako ang na-stress sa inyo. Ako na ang nagso-sorry para sa isa’t isa at nakakapagod magbasa ng comments ng mga nag-aaway. Ay…Oo nga pala, according to the advice of majority, di na kita papansinin, kaya erase-erase ang lahat ng sinabi ko. hehehehehe…
