Nung nagsisimula akong mag-artista, ang sipag ko naman talagang um-attend ng mga awards night. Abala kung abala ang drama ko. Pinoprobema ko ang outfit ko, buhok ko, kasama ko…lahat pinoproblema ko. Pati nga yata problema ng mga organizers pinoproblema ko.
First nomination ko was for Star Awards for TV for Best New Female TV Personality…natalo ako ni Mikee Cojuangco. Sunod was Star Awards for Movies as Most Promising New Female Actress…natalo na naman ako ni Mikee. Ang movie ni Mikee, Forever, siya ang bida; ako para sa Sarah Jane, namatay ako sa AIDS.
Ilang beses na ako nanu-nominate, never pa ako nanalo. Madalas sa mga categories na Best Supporting Actress, Best Comedy Actress—both for Film and TV. Napagod na rin ako sa kakapunta dahil di naman ako nagiging presentor. Sayang naman damit at effort ko.
Minsan sa MMFF na-nominate ako. Puwede akong sumakay ng float, excited na excited ako, kaso ginawa akong stand-upper or host sa isang station na dadaanan ng parada kaya wala din. Kaya tinigilan ko na pumunta muna sa mga awards night. E, parati pa naman sumasama ang mommy ko, kaya naawa ako sa kanya dahil talunan ako parati.
Ang unang beses ko ma-experience na maging presentor
ay para sa Best Float. Piniktyuran ako ng mommy ko. Nung ipinapakita ko sa mga kaibigan ko, hindi sila naniniwala na ako yun, kasi ang liit-liit ko. Layo ng camera at ang nakalagay lang sa video screen ay si Vic Sotto kaya siya lang ang napapansin. Okay lang. Nakamayan ko naman si Vic Sotto.
Kahit nga sa parlor games, hirap ako manalo. Sa mga game shows nga, di todo-todo ang pagkakapanalo ko. Parating sablay.
Tumigil na akong um-attend ng awards night, tumigil din akong umasa ng award… Biruin n’yo, tumigil din naman ang mga award-giving bodies na i-nominate ako! ‘Kakaloka!
Parang action-reaction. Kung ano ang nasa puso ko at isip ko, nakiki-ride on ang earth.
Kaya pinagbubuti ko na lang ang trabaho ko. Hindi ako gumagawa ng isang bagay thinking magkaka-award ako dito…wala lang. Basta! Gagawin ko ang best ko dito hanggang lumabas ang esophagus ko kung kinakailangan…Thank God no director has ever required me to vomit my esophagus for that matter.
I enjoy my work! No matter how big or small my role is. I enjoy every minute given to me to perform, put a smile, crack a punch, twist the event… I simply enjoy things given to me immensely. Honestly, even at days that I don’t feel like enjoying work, I began to enjoy it. Why? When? How?
There were days when work was few. Bookings were less. Nothing to do. No work to complain about. No work to talk about. No work to enjoy.
Only then, I really appreciated all the opportunities given me.
Sabagay, dati nga sa pelikula ni Sharon Cuneta, na-extra ako. Ang aga ng call time ko sa Landmark mall. 1 p.m. ng hapon, naghintay ako nang naghintay, naghintay at naghintay hanggang nakunan ako mga 11 p.m. Hinintay nila magsara ang mall bago mag-shooting. Hulaan n’yo kung ano ang role ko dun… Passersby. Kaya ngayon pa ba ako aarte?
Secret natin ito: Sa movie ni Melanie Marquez, nakasali ako when I was like 10 years old. How? My godmother wouldn’t allow them to use her house for the shoot unless I was given a role or a part. Voila! I became the spoiled brat daughter of Zeny Zabala wherein Melanie Marquez really slapped my hands for pestering her.
I forgot the title of the movie! Gosh! Kung saan mas malaki pa ang nagagastos ng mommy ko for my baon, and stuff than the fee they were to pay me. A, e, wala nga yata akong talent fee nun.
That movie had a follow-up. Ako, Ikaw, Magkaagaw with Alma Moreno. I only had one scene and I was taking a bath at a “poso” where Alma would be passing. That’s it. Ang dami kong dalang food nun. Parang wala pa yata akong 30 seconds sa harapan ng camera. Hahahahaha! Ngayon ko lang na-realize at the age of 10, I was accepting daring wet scenes.
Pero di ko tinigil ang paglalakad ko sa industriya kaya naman kahit papaano, lumaki ang role ko nang dahan-dahan.
Dati lahat ng pelikula ko, parati akong namamatay. Totoo po yun.
Dito Sa Pitong Gatang: Starring: FPJ and Anjanette Agbayari. Addict na kaibigan ako ni Harlene Bautista. Nung sabog ako, tumalon ako sa building, patay!
Medal ng Valor: Starring Lito Lapid and Monica Herrera. Kapatid ako ni Conrad Poe na sundalo. Sumunod ako sa bundok, nabaril ako, patay!
Shake, Rattle, & Roll “Undin” Episode. Starring Manilyn Reynes. Kaibigan ako ni Manilyn na makulit. Kinain ako ng undin, patay!
At yung latest kong pelikula, APAT DAPAT, DAPAT APAT. Bida na ako dito, pero ang role ko, patay.
The point is di ako tumigil umasa kaya umasenso naman ang status ng pagiging patay ko. Try and try until you die. Wow! That sounded too literal with my case
Wait! Why am I telling you my movie history? It’s just far out from the whole point of what I’m going to tell you. Well, maybe because all these experiences molded the way I see things, perceived, and what I have become…Ano nga ba?…wala lang…eto pa rin.
Last 2005, nag-US tour kami (ako, John “Sweet” Lapus, Direk Wenn Deramas, Eugene Domingo, Tita Malu de Guzman, DJ Durano, Chokoleit). Pagka-landing namin sa San Francisco, nakatanggap kami ni Sweet ng SMS na nanalo kami pareho for Best Stand-up Comedy Act. “Talaga?!” sabi ko. ‘Tapos nagtaka ako, nanalo ako, ni hindi ko alam na nominated pala ako. Gaano katagal na ba ako nag-tour para di ko malaman na nominated ako? The point is… Nanalo na ako sa wakas! Di nga lang ako ang umakyat sa stage para tumanggap…sayang!
Last Wednesday evening, November 28: Finally, I went to Palacio de Maynila to attend the 2007 Aliw Awards. My Mom and my sisters followed. This is it! I was chosen to be one of the presenters. Kasi nga nama, kokonti lang kaming artista na puwede pang mag-present ng nominees.
And yes, I went there because nominated po ako. ‘Pag nominated ka, parati kang may edgy feeling kasi dapat ‘pag nanalo ka, handa ka. ‘Pag natalo ka, handa ka rin sa tamang reaksiyon. Ganun talaga!? Yun naman kasi ang tama. Steady pulso lang ang acting.
This time, iba ang naging ending ng gabi: I WON AND I AM THERE! At hindi naging steady ang acting ko.
Nakakatawa yung planado na ang lahat ng sasabihin ko pagdating dun, pero iba ang lumabas sa bibig ko. Planado naman ang paglakad ko nang maayos, natapilok ako. Planado naman na poised akong tatayo, kaso umiinom ako ng kape kaya nagulat ako. ‘Pag masyadong planado, mas nakaka-disappoint ‘pag di ko nagagawa ang nasa plano. Hindi Candid.
Totoo palang nakakanerbiyos ang feeling ng tumatanggap ng award. Nalito nga ako kung ano ang uunahin ko. Muntik na ako mag-speech nang hindi ko pa kinukuha yung trophy. Nahilo ako sa saya!
Totoo naman palang nakakaiyak ‘pag tumatanggap ng award. Totoo rin na makakalimutan mo ang mga taong gusto mo sanang pasalamatan at kung ano ang sasabihin ko. Kasi ang pakiramdam ko, ‘pag hinabaan ko pa ang pagsasalita ko, maiiyak ako. Maiiyak ako pero masaya ako nang bonggang-bongga! Nakadaming buntong-hininga ako. Saka wala talagang pumapasok sa membrane ko. Alam n’yo ba yung ganung feeling?
Nautal ako. Nablangko ang membrane ko. It couldn’t function as it should be. Na-excite ako. Kung puwede nga lang mag-take 2, gagawin ko. Nanalo ako at kasama ko mommy ko. Hindi lang mommy ko, pati 2 kapatid ko, 3 pamangkin ko. Wala kasi akong kasabay pumunta, malay ko bang magsisisama ang lahat? Masaya naman ako kasi full support ang pamilya ko. I’m sure proud sila sa akin. Kasi ako, proud ako sa sarili ko. Lalo na siguro ang mommy ko. Siya pa! Mommy ko siya.
At dahil nga po di ako nakapagpasalamat nang maayos sa TV, dito ko na lang isusulat ang thank you ko—ngayon na mas kalmado ang damdamin ko:
1. Thank you kay Lord (totoo rin pala na nagpapasalamat talaga kay Lord, at walang ek yun) for this pleasant surprise. It comes when you least expect it.
2. Thank you to my family for being there, ready to support me… Nagbenta ng ticket, naghanap ng sponsors, naghakot ng audience… Salamat.
3. To Dondon Monteverde, Paula Punla, and Direk Joven Tan, for giving me a chance to do such a show that I can truly call my own. For taking care of all the details.
4. For Dondon Monteverde, for saving me when I had nowhere to go.
5. For Angeli and Gina V. Martinez, for allowing me to spread my wings and see things differently.
6. To my husband, kundi mo ako iniwan, walang akong script.
7. To my director, Andrew de Real, the staff, and artists who generously guested on my show for the sake of friendship—that’s Piolo Pascual (first night) and Ogie Alcasid with John Lapus (second night).
8. To all my friends: Gelli, Carmina, Direk Wenn, Uge, Andoy, Aiko, Willy Cuevas, Sweet, LWPC, UP friends, and so many more of you for taking time out to listen to all my fresh ideas, heartaches, and all that stuff.
9. To my son who made me realize that things can be much better everyday.
10. At para sa lahat ng taong nakasalamuha ko, nakasama, nakatrabaho, nakainuman, nakakuwentuhan, naka-chikahan, nakatulong, nakasama… Lahat kayo kasama sa pagsasalamat kasi…kasi…kasi… gusto ko lang at ganun talaga yun. (‘Pag nanalo, lahat gusto pasalamatan. Pati nga yung nagbukas ng pinto papasok sa ballroom gusto ko pasalamatan. Kung di niya binuksan yung pinto, hindi ako makakapasok para tumanggap ng award).
11. To this blog space: Thank you for giving me a chance to thank people. Kaya thank you talaga!
Settled.
Best Stand-up Comedy Act (Female) lang naman ang panalunan ko. OA ba sa reaksiyon? Pasensya, di naman po ako araw-araw nabibigyan ng award.
All your comments and affirmations make me want to better my craft. Your laughter is the most precious award that I have ever received. Naks! But the real one with the trophy is another story that I will not say no to.
Totoo pala yung mga kasabihan na, Do your best and God will do the rest. Saka yung, Honesty is next to cleanliness. Don’t talk when the bus is in motion. And of course: You better watch out, You better not pout, You better not cry, I’m telling you why… Santa Claus is coming to town. He did. He gave me a pleasant surprise.


