Sa screening ng Bb. Pilipinas 2007 candidates nung Saturday, January 6, dalawang talents ng GMA-7 Artist Center ang nagbakasakali: si Ailyn Luna na produkto ng StarStruck 2, at si Margaret Wilson na gumaganap na Via sa Asian Treasures.
As a StarStruck Avenger, sinabi noon pa ni Ailyn na childhood dream niya ang maging beauty queen. At di naman kataka-taka dahil at 17, nang sumali siya sa StarStruck ay 5’7” na siya at tindig-modelo pa.
Ngayong 18 and standing at 5’8”, isasakatuparan na ni Ailyn ang kanyang pangarap. At tulad ng pagsali niya sa StarStruck, bagay talagang panuntunan sa pag-reach sa goal ng mga kabataan ang “Dream! Believe! Survive!”
Edad kinse at 5’7” naman si Maggie nang ma-discover sa mall ng writer na si Neil de Guia. Sa age niyang yun ay naka-focus na rin si Maggie sa dream niyang maging beauty queen.
Mga October last year, medyo malusog si Maggie. Pero sa press con ng Asian Treasures last Sunday night, January 7, in pageant fighting form na siya.
“I used to weigh 140 pounds, now I’m 114. I have to lose mga four pounds pa,” sabi ng determinadong si Maggie, na 5”9” na ngayon.
The 2007 Binibining Pilipinas Pageant finals is scheduled on March 3 (kung hindi babaguhin) at the Araneta Coliseum. Three titles ang paglalabanan: Bb. Pilipinas-Universe, Bb. Pilipinas-World, and Bb. Pilipinas-International.
Balitang darating ang Miss World 2005 na si Unnur Birna Vilhjalmsdottir para putungan ng korona ang mananalong Bb. Pilipinas-World 2007. Kasama umano ni Unner ang may-ari ng Miss World Organization na si Ms. Julia Morley.
Totoo kayang maglo-“location hunting” si Ms. Morley sa Cebu para pagdausan ng Miss World 2007 pageant in December 2007?
