May isa na naman akong schedule na ganun. Alis na ako mamaya for our show in California. Kasama ko sina Dennis Trillo at Yasmien Kurdi. Panibagong kuwento na naman ito ng sunud-sunod na schedule. Samahan niyo ulit ako, ha.
Sa ngayon, ito muna ang entry na ginawa ko. Maganda talaga na nasasagot ang inyong comments. Thank you so much for reading my blog!
BUBBLYCEL, naku, talagang ‘di ko napigilang umiyak. Pinipilit kong ibahin ang nasa loob ko, pero ‘di ko kinaya. Pagkatapos nung auditions nung araw na yun, nagdasal ako. Nag-thank you ako nang todo todo na healthy ako. Pinagdasal ko na din yung mga ibang tao na walang kapansanan pero nagrereklamo sa buhay nila.
God is good.
COPYMILYUCK, kakaloka talaga. Paglapag nga ng eroplano, magang-maga na yung paa ko. In-enjoy ko na lang yung travel para wala akong maramdaman na sobrang kabigatan ng loob. ‘Tsaka enjoy din yung Iloilo kasi dami kong kasama na katrabaho. Thank you for reading my blog.
ROBJESS, thank you sa palaging pagbasa sa blog ko at pag-comment. Nakakatuwang mabasa na may mga suki na talaga ako. Ilang beses na rin ako nakapunta sa bayan mo. Ang TV days pa lang nakakapag-concert na ako dun, e. Sana minsan, makita kita pagbalik ko ng Iloilo.
MANDERSNORK, nakapagpahinga na ako the following week. Sa totoo lang, ‘di nga ako nagka-jetlag. Siguro dahil sandali lang din ako sa Amerika. Yung beltbag ko, sa Market! Market! ko yun nakuha. ‘Pag nagpunta ka dun pag-uwi nyo, hanapin mo sa Market! Market! yung shop na TAFFETA. Ok yung beltbag na yun, leather belt at suede yung bag. Pag shopping, ok talaga naka-beltbag kasi free ang dalawa mong kamay ‘tsaka andun lang ang kailangan mo ‘pag namimili. Nung nasa Broadway pa ang SOP, wala pa nga ako nun. Kakatuwa din mga kwento nila sa ‘kin nung nasa Broadway pa sila.
ALOH, Happy V-day din sa ‘yo. Kakapagod yung ginawa ko ‘no? Pero natutuwa ako at nadala ka sa sked ko. Keep on reading my blog. Thank you.
CHEERIOS, uy, thank you, ha! Alam mo, siguro kaya mukhang fresh pa rin kahit kakapagod yung sked kasi, ini-enjoy ko yung ginagawa ko. ‘Tsaka ‘pag nakakaramdam ako ng pagod, iniiba ko isip ko, ginagawa kong positive. Sana ma-meet ko yung sister mo. Or kung magkamukha kami, pwede mo s’ya isali sa Unang Hirit. May segment kami dun na, “You’ve Got the Look-alike.” Baka manalo siya. Buti may Tinoy TV ka na. Tama ka, maganda si Marian…at mabait pa.
LADYLARA_16, ay naku, lahat ng nakakabasa ng blog ko at nagcocomment, pakiramdam ko close na sa ‘kin. Thank you, ha. Yung tungkol sa personal question mo, naku, mahirap mag-comment. Basta mabait s’ya at mabuti s’yang tao. Baka hindi naman siguro s’ya ganun. Basta abangan mo yung Pinoy Idol, ha.
GOSSIPHUNGRY, hay…. Sa totoo lang, sarap talaga ng feeling na minsan lalabas lang kayo ng loved one mo at kakain lang ng ice cream. Simple life. Nagawa mo na ba yun?
NOV_8, alam mo, tama ka. Sa sked ko nun, dapat nga understanding ang boyfriend ko. And I think, I’m so lucky. Bebong is a good man, napaka-understanding and supportive. At kahit three hours lang yun, ang saya namin. Kuwentuhan lang kami ng kuwentuhan. Quality time talaga. Siya rin kasi busy sa work.
Talent ko talaga ang madaling makatulog. Basa basa lang, maya maya, aantukin na ako. Pero dapat, boring ang binabasa ko para antukin ako. Ayoko rin masanay sa sleeping pills.
KERS, siyempre naman…Talagang enjoy ako ‘pag may performance. Minsan kahit anong puyat ko o pagod, ‘pag perform na, para na akong nasususian. At lagi ko din iniingatan yung health ko para laging happy. Tungkol naman dun sa mga bitter sa ‘kin as one of the Pinoy Idol judges, ok lang yun, kasi alam ko naman na ‘di ko talaga mapi-please lahat. Basta happy ako na napili ako. At happy ako na isa ako sa pipili ng unang Pinoy Idol. Sa movie naman namin ni Gabby, excited na ako.
SANCNUKOB, ok ba? Para ka na ring sumama sakin nung mabasa mo yung sked ko. Salamat at nagustuhan mo mga outfits ko.
EDNA, happy V-day! Smile lang lagi. Enjoy talaga ako ‘pag nagtatrabaho. ‘Tsaka isa pa, kaya siguro masaya ako, kasi masaya kasama mga tao sa paligid ko. Lalo na sa Pinoy Idol. Ok kami lahat. Kaya kahit anong pagod, nawawala ‘pag magkakasama na kami.
NICO, hahahaha!!! Tumpak ka!!! Mas matagal pa kaming nakapag bonding ng eroplano kesa sa mga lugar na pinuntahan ko. Nung pagkabalik ko nga galing Amerika ‘tapos punta sa domestic airport, sabi ko talaga, “Airport na naman!” Nakatunganga na ako habang naghihintay ng boarding. Buti nga, pagdating ko ng Iloilo, ‘di ako sinumpong ng migraine! Kaya go, go, go!
EDANJOLI, uy…sobrang thank you sa comment mo. Basta ‘pag nagja-judge ako ng Pinoy Idol, nagiging honest lang ako. Dami ko na ring pinagdaanan sa showbiz, e. Basta panoorin mo ‘pag nag-airing na ang Pinoy Idol ha.
SIOMAI, cute ni cosmo ‘no? Seven years old na sya. Yes, ako ang kumuha nung sunset. Alam mo nasanay narin ako sa ganung klaseng sked. Dami ko nang pinagdaanang ganun. Basta ini-enjoy ko na lang. Tsaka s’yempre, kasama na ang inspirasyon dun! Ay!!! Kinilig daw ako! Hahahahaha! Thank you for reading.
ANGEL_BUJOY, dami pa ako nakunan sa lugar na yun—mga ibon, seashore, yung tambayan ng mga lifeguard, resto. Next week na yung show namin nina Dennis at Yas sa Sanfo. Biyahe na naman. May mami-miss nga ako na audition sa Pinoy Idol. Haaay…
Wala akong magawa kasi matagal nang naka-book yung show sa Sanfo, e.
JONIE, ang pagkaalam ko, sa april ang airing ng Pinoy Idol. May gagawin akong movie this year with Gabby Concepcion, excited na ako.
MARIPOSANG_GALA, hi! Ano lasa ng bourbon chicken? ‘Di pa ‘ata ako nakakakain nun. Taga saan ka? Sana makatikim ako nun.
MRS SMITH, depende kung anong store ang pupuntahan niyo—may mura, may mahal. Pero tingin ko, walang hindi affordable kung talagang gusto mo yung store na yun, e. Sa Beverly Hills at Rodeo Drive, lahat ng stores ay branded so may ‘pag mahal, sa mga outlet store na mas mura ng konti ka na lang, pero ‘di ‘ata lahat ng branded stores andun.
ENCANTADO, thank you sa tiwala mo sa ‘kin ha. Basta abangan mo ang Pinoy Idol. Honest lang ako sa pagja-judge. Salamat talaga.
LEN, hahaha!!! Natawa talaga ako sa comment mo. Parang na-imagine ko na after mo mabasa yung mga sked ko, napagod ka din. Thank you for reading.
ANEWOR, naku…Hindi na nga ako nagka-jet lag kasi sandali lang naman yung Amerika ko. Parang nag-taping lang ng soap at inabot ng next day ang dating. Abangan mo yung Pinoy Idol ha.
EMILY1, eto na at inuubo na ako, kakatapos lang kasi ng napakabigat na sipon. Ininuman ko ng gamot agad, and after 2 days, medyo nabawasan yung sipon pero parang bumaba naman sa dibdib kaya ubo ang kinalabasan. Tsk! Kaya eto, iinom naman ako ng gamut na pang-ubo. Baka after two days, bumama naman ng tiyan at maging LBM. Hahahahahahahahahaha!!! Joke lang.
PURPLEBUTTERFLY, I’m glad nag-enjoy ka sa blog. Siguro para ‘di madaling tumanda, dapat lagi lang positive ang outlook sa buhay para laging happy. Lalung-lalo na dito sa mundo ng showbiz. Dapat kaya mong ma-control ang kalooban mo kasi ‘di lahat ng mga bagay, sasang-ayon sa gusto mo at ‘di lahat ng tao, totoo. Mabibilang mo lang ang mga totoong kaibigan. So kung negative ka sa buhay, mahahawa ka sa kanila, pero ‘pag positive ka, mahahawa mo sila. Tingin ko, ‘di lang naman sa showbiz yun, panglahatan na yun.
MALIZYOZA, sana makapag-audition ka sa SM Clark. Kaya mo ‘yan! Malay mo, ikaw ang maging Pinoy Idol. Don’t miss the chance! Thank you sa pagbati mo sa ‘kin sa “Constellation of Stars.” Close nga kami ni Kyla. Hahaha! Nakikita pala na lagi kami nagtatawanan. Pagkatapos kasi ng mga kanta namin, bulungan lang kami ng bulungan sa likod. Yung sa tanong mo, wala silang past kasi nung nagkakilala sila ni Jay-R, may girlfriend na siya’t alam ni Kyla yun. Talagang bagay lang sila kasi sobrang nagbe-blend yung boses nila. At masarap sila panoorin together. Tungkol naman sa ‘min ni Bebong, wala pa muna sigurong planning ng kasal kasi kailangan muna maging stable ang isa’t-isa.
JASMIN05, siguro talagang ini-enjoy ko talaga ang mga ginagawa ko kaya fresh pa rin. ‘Di ba ‘pag gusto mo naman yung ginagawa mo, parang go, go, go lang palagi.
SHANANGSHANE3, thank you for reading my blog. At thank you din dahil lagi mong pinapanood ang “Constellation of Stars” sa SOP. Ang mga kanta para sa buong February, puro love songs kasi nga love month. Happy puso day din sa ‘yo.
PARTYPPOL, positivity is the best!!!
ANGELA_MIE, gusto ko lang talaga ikuwento kung ano yung naging sked nung week na yun. Happy V-day din. Wala pa namang wedding bells.
DROPDEAD, why not, ‘di ba? asta enjoy lang tayo.
MYSTERY_POKLAT, oo nga, kakangarag…Basta hindi ko naman pinababayaan ang health ko kasi yun ang importante. Thank you for reading my blog. Abangan mo na lang yung Pinoy Idol ha.
ALEGNA_MAY, Happy V-day din. Tama, better late than never! Medyo sanay na rin ako sa ganung sked. ’Tsaka madali ako makatulog, kahit nga nap lang. Favorite ko din yung sunset. Mahilig ako magkukuha ng pictures ng sunset at sunrise. Napakaganda ng kulay, e.
JOATS04, hahaha!! Salamat naman at sinamahan ako ng imaginary self mo.. Natuwa ako. Masaya yun!
PROMDI_CA, belated Happy V-Day din. Talagang super enjoy. Kapagod man, pero ok na rin. Abangan mo Pinoy Idol, ha. Thanks.
JENNA, lakas kasi nung kulay ng yellow, e, medyo silk pa ang effect. Pero ok lang sa ‘kin. ‘Tsaka ok lang kung medyo kayumanggi ang kulay ko, I like it.
FASHONISTA_315, the best na shopping-an ng kung anu-ano ay ang Santee! Enjoy na enjoy talaga ako. Kahit ano, makikita mo dun at mura pa. Di nakakainis mamili kasi malamig naman ang hangin kahit maaraw. Sana shopping tayo together.
BLUE_NICZ. Hi. Nicole. Thank you for reading my blog. Hectic nga ang sked mo. Nursing pa naman. Enjoyin mo na lang yan, ha. Imagine na lang kayo ng friends mo na kayo ang cast ng Grey’s Anatomy, favorite series ko yun.
Siyanga pala, balik sa nursing, maganda ang kursong ito dahil ‘pag natapos mo siya, puwede ka magtrabaho sa Amerika. Ang laki ng bayad, promise! P’wede ka naman manood ng SOP, punta ka lang dun ng maaga ng Sunday ‘tapos pila na kayo sa entrance ng audience. Mas early, mas ok. See you!!!
ZZZZ, natutulog naman ako nung mga panahon na yun, ‘di nga lang sobrang haba.
Belated Happy V-Day!!!
JENNIE, medyo kulang nga ang tulog. At kahit pagod, happy talaga ako na nakapag-ice cream kami ni Bebong. Sayang nga ‘di ako natuloy dun sa soap na Kaputol ng Isang Awit. Pero ok na rin, kasi conflict talaga sa schedule ng Pinoy Idol, e. Thank you sa pagbasa mo sa blog ko, ha. May isa na naman akong mala-ganung schedule na dadating.
ANN BARR, nakakatawa lang yung ibang mga bilihin dun. Tumingin ako ng contact lens, binili ng ate ko. Pag-uwi namin sa bahay, may naka-print na demo!!! Hahahahahaha!!! Pero gustung-gusto ko talaga sa Santee. ‘Pag bumalik ako sa Los Angeles, babalik talaga ako.
PROUD2BKAPUSO, naku, kakaloka talaga, kaya nga ikuwinento ko dito sa blog ko kasi dami ko palang pictures na nagawa. May isa na naman akong ganyang sked, Abangan!
MR_SUAVE, yes, nag-u-Unang Hirit pa ako. ‘Di ko lang nilagay sa sked na ikwinento ko sa inyo kasi nung week na yun, ‘di ako nag-Unang Hirit.
ANGEL_BUJOY, ay naku, natawa nga ako nung gabing yun. Nasa bahay na ako nun nang may tumawag sa ‘kin na taga-Unang Hirit at sabi sa ‘kin na may kumakalat nga raw na balita. Sabi ko na lang, pakisabi sa nagkakalat nun, happy fiesta!!!
KHEIGH_POPCORN – meron na naman akong isang ganun—U.S. concert tour diretso ng Dagupan. Basta, ilalagay ko din dito sa blog ko yun.