koerkkajohn
Kung Ako Sila
Nakakaloka ang showbiz! Imagine, maski ang isnaban nagiging headline. Sabi ni Ruffa inisnab daw siya ni Lani. Sabi naman ni Lani hindi naman daw niya inisnab si Ruffa. Pinagtanggol ni Tita Lolit si Lani at kinampihan naman ni Tita Annabelle si Ruffa. Lagot!
Kung ako si Ruffa, the moment na feeling ko inisnab ako ni Lani e lalapit talaga ako and I will ask her kung may problema ba. Pag hindi pa din ako sinagot ni Lani e may problema nga. Kung ako naman si Lani, iisnabin ko ang lahat ng tao maliban kay Ruffa, Gretchen, Rufa Mae, at Osang. Kasi dahil may something, magiging issue kung iisnabin ko sila. As a matter of fact, kung ako si Lani, ako pa ang unang lalapit sa mga pangalang nabanggit. Tapos!
Teka, isip pa ko ng mga artistang na-headline at nagkaroon ng big issue. Tapos, chika ko sa inyo kung ano ang gagawin ko KUNG AKO SILA.
Kung ako si Bong, hindi na ako magpapa-link sa kahit sinong babae. Maganda naman ang misis ko at malalaki na din ang mga anak ko. Nakakapagod na din. Kung hanapin man ng katawan ko ang ibang putahe, I will make sure na hindi artista ang ulam na ‘yon. Walang issue, away, or isnaban na magaganap. Peaceful!
Kung ako si Tita Lolit, magbibigay lang ako ng official statement from Lani about the issue. Or pagsasabihan ko si Lani na siya ang sumagot, kasi ang ending, sasagot din naman siya.
Kung ako si Tita Annabelle, hindi ako makikialam sa mga issues ni Ruffa kasi malaki na siya. Lalo na kapag isnaban lang naman. I’m sure she could take care of herself.
Kung ako si Regine, hindi ako aalis ng GMA. Kahit isipin hindi ko gagawin kasi Reyna ako doon. Kahit SOP lang ang show ko, ang importante pag Christmas Special ng Kapuso network, ako ang kumakanta sa harap at take note, nasa gitna ako. Tapos maglalambing ako ng bonggang-bongga sa mga boss ko at hihingi ng show na parang Betty La Fea. Pwede ang Blusang Itim, Cofradia, Miss Tilapia, Kurdapya, at kung ano pa na pangit ang character ko pero maganda ang role. Diva?! Malamang ganito din ang ginawa ko kung ako si Angel Locsin.
Kung ako ang ABS-CBN, ibibigay ko ang role na Betty La Fea kay Pokwang or Eugene Domingo para maiba naman.
Kung ako si Kuya Germs, lalagyan ko na ng star si Ai-Ai at Claudine sa Eastwood. Ayaw kong ma-stress ang mga fans nila.
Kung ako naman si Ai-Ai at Claudine, kunwari magugulat ako pag tinawagan na ako sa innaguration ng star ko. Tapos papupuntahin ko ang lahat ng fans ko at pasisigawan ko sila ng “Finally!”
Kung ako si Gretchen, hindi ko aawayin si Nadia. Iiyak lang ako nang iiyak sa mga interviews ko. Puro positive words ang sasabihin ko about Nadia at ask ko lang siya kung bakit niya nagawa sa akin ‘yon. Tapos, kakanta na ako ng isang malungkot na kanta sa album ko that I will dedicate to Nadia. Sisiguradohin kong umiiyak ako habang kumakanta at simple lang ang suot kong damit if ever. Preferably, bigay ni Nadia ang isusuot ko. Tignan ko lang kung hindi ma-soldout ang album ko the next day. Kabog!
Kung ako naman si Nadia, magpapa-interview din ako at puro magagandang bagay lang ang sasabihin ko about Gretchen at ask ko lang siya kung ano ba ang nagawa kong mali sa kanya. Tapos, magti-thank you ako ng bonggang-bongga dahil sa nag-dedicate siya ng kanta for me. Then bibili ako ng madaming copy ng album niya at ibibigay ko sa mga mahihirap. Taray!
Kung ako si Rufa Mae, nang makasabay ko si First Gentleman sa flight papuntang Hong Kong, nagkipag-chika-chika ako with him. Tapos pag tinanong niya kung ano ang pangalan ko, ang say ko, “Jessa po.” Hahaha.
Kung ako si Jennylyn, hihingi ako ng sustento kay Patrick at sisiguraduhin kong kasama ko siya sa aking pagbubuntis. Mahirap mag buntis ‘no. Tapos, pag nanganak na ako at na-realize ko na hindi ko na pala type si Patrick, doon ako makikipaghiwalay. Pero ipahihiram ko pa din ang anak namin sa kanya, in case gusto niya, para mapaghandaan ko naman ang comeback ko.
Kung ako naman si Patrick, ipagpipilitan ko ang sarili ko kay Jennylyn para sa baby namin. Kahit moody si Jen dahil sa pagbubuntis, titiisin ko. Anak ko yata ‘yon and I know that a child is a blessing. Para ma-bless naman ako at ayaw ko manega. Tapos, magwo-work to death ako para sagot ko lahat ng pangangailangan ng baby ko. Pag dumating na ang baby namin at hindi ko na type si Jen, doon ako makikipag-break sa kanya. But I will make sure na susustentuhan ko ang bata at kikilalanin niya akong ama. Blessing!
Speaking of blessing, kung ako si Dennis Trillo noon, inamin ko na magiging tatay na ako. Kasi wala namang lihim na hindi nabubunyag. Ang last line ko sa official statement ko, “I’m proud to be a father. Sa mga fans ko sana mapatawad niyo ako. Kailangan ko po ang suporta ninyo sa oras na ito.” Sabay tulo ng luha sa kanan then promote ng upcoming TV show or movie. Applauded!
Kung ako si Carlene, kinaibigan ko si Cristine. Malamang niyakap ko siya the first namin magkita. Mahigpit na mahigpit ko siyang yayakapin. Kung masaktan man siya hindi halata in case makunan sa camera.
Kung ako naman si Cristine, makikipagkaibigan din ako kay Carlene. Makikipag-compare notes ako sa kanya about Dennis. Hindi ako aaray kung yakapin man niya ako ng mahigpit na mahigpit dahil ako naman ang nagwagi kay Dennis.
Magbo-volunteer din akong ninang ng anak niya at magpapatawag ako kay Calix ng Ninang Wagi. At kung ako si Cristine, si Dennis Trillo ang boyfriend ko until now or at least kay Dennis lang ako magpapa-link. Mas wagi!
Kung ako si Willie, hindi ko na pakakawalan si Cristine. Pasensiya na.
Kung ako naman si Ara……………………………………………………….na-mental block ako. Pass muna. Pasensiya na.
Kung ako si Richard Guitterez, liligawan ko si KC. Kung ako naman si KC, sasagutin ko si Chard. Kung ako sa Star Cinema, papayag ako makipag=co-prod sa GMA Films para matuloy ang movie ni Chard at KC. Mala-Romeo and Juliet ang tema ng pelikula. Nag-aaway at demandahan ang dalawang pamilya ng magsyotang lead characters. Parang true to life. Exciting!
Kung ako si Hope noon, hindi ako nagpa-interview. Tapos, ide-deny ko ang chismis tungkol sa amin ni James. Kasi kung totoong may namagitan sa amin, jackpot ako. Sarap! To be honest, hindi naman ako masyadong pretty.
Kung ako si Kris, papadalan ko ng cute pictures ni Baby James si Baklang Bakulaw. Hindi ako titigil ng pagpapadala. Madaming-madaming copies, hanggang sa madaganan siya. Ang cute!
Kung isa ako sa mga actors na nachi-chismis na pumatol sa bakla, aamin ako. Sa pag-amin ko, invited ang mga members ng HACAP, ProGay, LadLad, mga sing-along masters at mga reporters. Ang last line ko, “Hindi ko po pinagsisihan ang ginawa ko. Huwag sana ikakasama ng loob ng mga gays pero hindi ko na po uulitin ‘yon. Nangailangan lang po talaga ako noon. Pero kung sakaling magutom ako ulit, pag iisipan ko po.” I’m sure standing ovation ang mga bakla sa audience at the next day, superstar ako. Mas sikat pa ako kay Jake, Diether, Marvin, Zanjoe, at marami pang iba. Winner!
Kung ako si politician na mister ng isang sikat na actress, hindi ako pumatol sa secretary ko. Kasi pag napuno ang misis ko, baka kahit barangay captain hindi na ako manalo.
Kung ako si Martin, friend ko na forever si Pops at gagawa kami ng madaming shows together. Iba kasi talaga ang team-up namin. Kung mag-away man kami, gimik na lang for publicity.
Kung ako si Pops, friend ko na forever si Martin at gagawa kami ng madaming shows together. Iba kasi talaga ang team-up namin. Kung mag-away man kami, gimik na lang for publicity.
Kung ako si Marian, gagawin kong bestfriend si Katrina. Aw!
Kung ako si Katrina, gagawin kong bestfriend si Marian. Aw!
Kung ako si Katrina, hihilingin kong launching movie ko ang remake ng Diyosa ni Lorna Tolentino. Ganda! As a matter of fact, hindi ako si Katrina pero feeling ko bagay sa kanya. Even Direk Soxy Topacio who wrote the movie agrees.
Kung ako si Polo, liligawan ko si Jean.
Kung ako si Jean, sasagutin ko si Polo.
Kung ako si Jolo, tinanan ko na si Lovie pero iuuwi ko din the next day. Hehehe.
Kung ako si Lovie, sasama ako kay Jolo pero magpapahatid din ako pauwi the next day. Chika!
Kung ako si Bossing, pakasalan ko na si Pia.
Kung ako si Pia, pakasalan ko na si Bossing.
Kung ako kayo, magwa-watch ako ng Showbiz Central every Sunday. Panalo!
Kung ako si Ate Guy, ah…ah…ah…gosh, wala akong maisip. Hindi ko yata kayang maging si Ate Guy. As in.
Kung ako si Madam Auring……………………………………….Ay, thank you po at hindi ako si Madam Auring. Hahaha.
Hypothetical lang ang mga ideas ko, pero pwede sana kung ako sila. ‘Yung iba mas tama sana kung ‘yon ang ginawa ng mga taong nabanggit. Walang gulo, walang away. ‘Yung iba naman joke lang, pero kung pwede lang sana ‘yon gawin ng mga taong nabanggit, mas masaya sana. ‘Yung iba wishful thinking ko lang pero parang imposible or malabong mangyari. Kung matupad man, baka ako lang ang sumaya. Iba-iba din kasi ang mga pananaw natin sa buhay. We make our own decisions and so we must face its consequences. Madalas ko din marinig, everything happens for a reason. For now. these things will remain thoughts in my head. Na-share ko lang sa inyo. Sa mga nag-agree, salamat, pero hindi ako sila.
Want list
I’ve been thinking.
What’s the difference between want and wish? Kailan mo dapat gamitin ang I want to or I wish to? Basta ang alam ko, ang Tagalog ng want is gusto, ang sa wish naman ay pangarap. I checked the dictionary—ang nakalagay, want is a desire at wish naman hope or aspiration. I am not losing hope pero madami akong desires. Libre ang mangarap pero mas accessible ang mga bagay na gusto ko.
And if you think about it, iba ang mga bagay na gusto natin sa mga bagay pinapangarap natin. Yung pangarap, parang ang tagal pa maabot or mahirap maabot. Yung mga bagay naman na gusto mo, parang ang daling maabot pero hindi mo pa inaabot, or may mga taong humahadlang para maabot mo sila. Let me explain, maaabot niyo din ang ibig kong sabihin.
So naisip ko, kung yung iba may wish list, ako naman may want list. Mas madali pang ma-achieve at posibleng mangyari, at least durng my lifetime. I wish. Hahaha.
I want Showbiz Central to be the number 1 showbiz talk show in the country. Four months na ito nangyayari, sana ma-maintain namin.
I want to have another show where I can practice my comic skills. Sayang naman ang pagiging komedyante ko. P’wede ako sa isang sitcom, gag show or soap, basta comedy ang role ko. Modesty aside, feeling ko mas magaling ako magpatawa keysa mag-host.
I want to be a part of a show na family ang turingan on and off camera. As in parang Eat Bulaga…Grabe ang mga ‘yan, super close daw talaga. Sama na din sa want list ko ang, I want to guest in Eat Bulaga. P’wede na sa akin ‘yon.
I want to have a show on MTV Philippines or Channel V. Ganda ng concept ko. Nakakatawa pero wala lang. ‘Di ba gano’n ang mga show doon? Parang wala lang.
I want to endorse a clothing brand. Pwede ako sa Folded and Hung since mga bakla naman ang isa sa target market nila at panay ang bili ko ng outfit doon. Pwede din ako sa Human, ‘tapos ang tagline, “I am Human too.” P’wede din ako sa Penshoppe. Si Uma nga kinuha nila, e.
I want to endorse a food product. I’m thinking of a ketchup na sweet or a sweet chocolate drink, better yet, a fast food chain…P’wede, ‘di ba?
I want to be a part of a shampoo commercial. Hindi ako yung endorser since hindi naman kalambutan ang buhok ko (sabagay p’wede din). Yung parang ako yung host ng isang shampoo challenge. Parang ang tagline is, “Soft ba ang hair mo at dandruff free? Don’t lie to me, yes or no?”
I want to endorse a multi-vitamin kasi malaki talaga ang naitutulong sa health ko. As in. Kaya full of energy ang pag-“Shake it Sweet” ko. Aminin niyo ‘yan, if ever, bibili kayo ng multi-vitamin na tini-take ko to be energetic. Tama?
I want to be an endorser of a time piece. Si Ate Glow nga nag-endorse ng Swatch. Inggit ako noon, pero na-realize ko, endorser naman ako ng salon. Mas bongga! Hahaha.
I want to have my own house and lot in Quezon City. Sa QC na ako pinanganak so dito ko na din gusto tumanda at mamatay. Madaming nag-o-offer sa akin ng house and lot sa Laguna, Tagaytay, Cavite, at Marikina na bagsak presyo pero ayaw ko talaga. Maganda sana sa Marikina kasi malinis. Pero dahil nandoon daw ang fault line, ‘yon daw bahay na may second floor after ten years, e, mawawala ang taas pero magkakaroon ka naman ng basement. Hahaha. Kung second house and lot ko, siguro p’wede pa. Ay gusto ko din ‘yon. Hahaha.
I want to have my own van. Puro 4 x 4 ang dalawang kotse ko. Gusto ko naman van. Yung madaming upuan, para ‘pag lumalabas kami ng mga pamangkin ko at friends, hindi na kami nagkakandungan.
I want to have a real boyfriend. Yung ‘pag sinabihan ko ng I love you, “I love you too,” ang sagot at hindi “thank you.” Obviously, gay din ito or at least bisexual. ‘Tapos sa sobrang mahal din niya ako, ok lang sa kanya na alam ng mga kamag-anak at kaibigan niya na boyfriend niya si John Lapus, yung baklang nagsasayaw sa TV, maingay, nagdadamit babae at nagta-tanga sa mga live shows.
I want my gay friends to realize that their straight boyfriends will not be with them forever. Hindi ko ito masabi sa kanila kasi baka sabihin nila na bitter ako, or porke nangyari sa akin, eh, gano’n na din sa kanila. Dati nagpaparinig pa ako kunwari, I would ask them, “’Pag hindi mo na binigyan ng pera or work ang boyfriend mo, boyfriend mo pa kaya ‘yan?” Ang nakakaloka, walang sumasagot. Minsan may isang sumagot, “Alam kong iiwan na niya ako if ever. Masakit ‘yon. Pero ang mahalaga, masaya ako noong kasama ko pa siya.” Taray! Pang Miss Universe ang sagot. Sana lang maging masaya siya ulit if ever din. Which brings me to my next want list…
I want my friends to know that I will be here for them habang nasasaktan sila. Hahanapan ko pa sila ng bagong straight boyfriend. Mas masarap, mas pogi at sanay magsabi ng “I love you” kahit hindi mini-mean. P’wedeng i-display in public at ipakilala sa mga kamag-anak sa probinsiya. Sulit ang allowance na ibibigay nila. Hahaha.
I want to organize a group that would help gay people in the society. Closet, Paminta, Operada, Out at Batukling alike…Help in every sense of the word, hindi yung papupuntahin lang ang mga bakla sa mga rally or campaign to endorse a candidate, but to really help. Tulong! Tulungan ang mga closet gays na mag-out sa family nila. Tulungan ang mga Paminta na umarte na para talagang lalaki para hindi stiff kumilos. Tulungan ang mga Operada na depressed dahil bakla pa din ang turing sa kanila ng mga boyfriend or family nila. Tulungan ang mga Out na discriminated sa work place or school. Tulungan ang mga Batukling na huwag umiyak ‘pag tinutukso ng mga kalaro na bakla siya. Help!
I want to do a movie na mano-nominate ako sa kahit anong award-giving body. Commercial or Indie. Kahit libre, basta ma-nominate ako. Gumawa na ako ng mga libreng digital movies, hindi naman ako na-nominate.
I want to do another stage play. Yung masaya at pag-uusapan ang role ko. Yung pagdating ng curtain call, standing ovation ang beauty ko.
I want to put up another business. Bar ulit or salon, basta business. ‘Tapos malalagay ako doon sa libro na Young Entrepreneurs ek-ek. I will make sure that my story would really be inspirational. Yung sa iba kasi, kaya naging successful ang business dahil mga anak mayaman or may business na ang mga parents nila kaya doon sila kumuha ng pangpuhunan.
I want to teach young artists the do’s and don’ts in showbiz. Yung iba kasi tumatagal sa industriya ng walang mabuting asal. Hindi pa man sumisikat, nagiging bastos na. I want them to realize their role in the society. How people, especially the young ones, look up to them for inspiration, and find a little joy upon watching them. Konting acting workshop na din on the side para hindi naman sila OA ‘pag humarap sa camera.
I want to quit smoking. Now na!
I want this blog to get published as a book. May mga pictorials and new anecdotes from yours truly that would make it a best seller. Yung after mong basahin, either kakamuhian mo ang showbiz or kakaawaan, ‘tapos sa sobrang honest at direct to the point ko, feeling mo best friend mo na ako.
I want to have a real vacation. Hindi yung nagpupunta ako abroad dahil may work at in between shows lang ako nakakapahinga. Naiinggit ako sa ibang artista who can afford a vacation. Actually can afford din ako pero iniisip ko ang gastos at yung mga mawawalang work ‘pag nagbakasyon ako. Gaga di ba?!
I want to go to Europe, Middle East, and Australia. Ganda daw sa mga lugar na ‘yan. Kainis, hindi pa ko nakapunta. ‘Eto kahit may work na kasama, ok lang.
I want to be able to sleep by myself. It’s bound to happen so I want to try it as soon as possible. Yung mga friends ko kaya so try ko din. No autophobia, no fears, no sadness…sleep.
I want to be happy.
In fairness, mukhang madali nga ma-achieve ang want list ko. Posible naman lahat. Yung iba, p’wede na nga now or bukas or this year. Teka, compare ko nga sa wish list ko.
I wish for homophobia to stop.
I wish straight boyfriends would truly love their gay lovers.
I wish that kaplastikan in showbiz will end. Asus.
I wish that graft and corruption in government will stop.
I wish child labor would end.
I wish to be contented.
I wish for peace on earth.
I wish.
Parang ang hirap ma-achieve ng wish list ko. Alam kong posible pero hindi ko alam kung kailan. Sakit ko ‘yan, mahilig ako sa wishful thinking to the point that I get to neglect the things that are easier to achieve. Lagi ko kasi naririnig ang mga salitang “dream big” at “aim high.” Kakaisip ko ng mga bagay na big, hindi ko na nakikita ang small. Kaka-aim high ko, hindi ko napapansin ang mga nasa harap ko. Now I realized, I should take one step at a time. Unahin ko muna ang want list ko. Maybe next time, ang iba sa wish list ko, want list na lang. That I want to happen.
‘Eto kwento before I go. Last Wednesday, nagpunta ako sa Baclaran, this I usually do every Wednesday ng madaling araw. Napadaan kami sa Airport Road going to Baclaran. May mga beer house doon na tabi-tabi. Walang customer yata that night. Yung mga babae sa isang bar, nagpapatintero sa kalye at ang isa pang bar, Trip to Jerusalem naman ang nilalaro. As in nilabas nila ang mga silya sa bar nila at naglaro sa kalye. Mamatay-matay ako sa kakatawa. In fairness, ang saya nila.
I’m sure wish nilang umahon sa kahirapan, but that night, they just want to be happy.
Diamond Star
I was planning to give you a new entry before my lipo last week. Naubusan lang ako ng idea. Normally, I would start reading muna your comments para magka-idea ako on what to write about. Problem. Sira ang comment part ng blogs ng PEP. Nawindang daw kasi ang server ng blogs. So, na-writer’s block ako, wala pa akong mabasang comments at na-lipo pa kaya, eto, another delayed post. I am sorry.
Magpo-post sana ako ng tula for this entry kasi na-inspire ako when I went to Baguio. In-invite ako ng Kumareng Jenny Bautista ko of Waltrix Productions to judge Little Miss Flower Princess. Siya ang producer ng mga past shows ko sa Baguio hanggang sa naging magkumare na kami. Tenth year na rin pala ng production house niya. Anyway, yung winner will be the Flower Princess for their yearly Panagbenga Festival. Ilalagay siya sa tuktok ng isa sa mga floats.
Ang cute ng mga girls. May mga sumayaw at kumanta pero yung isa nag-interpretative dance, to the tune of “Sinong Baliw.”Six years old lang si candidate number 4 pero tumatawa at umiiyak during her talent portion. May props siyang ate at kuya na tinutulak-tulak siya habang namamalimos. I realized that the little girl knows na acting lang ito. Husay. Yung ibang bata, napaka-pretty na halos mukhang manika na. Pero itong si chinitang bungi, na si candidate number 4, ang naging favorite ko after makita ko ang talent niya.
First line na ako ng poem ko, “The Flower Princess got her wish.” Then I suddenly remembered na birthday na nga pala ng Diamond Star na si Maricel Soriano. Hindi naman din ako makapag-isip ng ka-rhyme ng “wish,” so next time na ang poem.
Just like Little Miss Flower Princess, may wish din ako noong bata ako: Ang maging si Maricel Soriano. Hahaha.
Idol siya ng Ate ko noon. Lahat ng outfit at buhok ni Maricel, ginagaya ng Ate ko. Ako naman bilang batukling, nakigaya na din pero to the point na ang feeling ko, si Maricel Soriano ay ako. ‘Pag mag-isa lang ako sa bahay, sinusuot ko ang mga damit at sapatos ng Ate ko at ginagaya ko ang acting ni Maricel.
“Wala sa damit, nasa puso ang pagmamahal.”
“Ang anak hindi napapalitan, pero ang asawa nahihiwalayan.”
At ang favorite kong, “Ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho, ayoko ng putik!”
Pati ang mga dance number niya, ginagaya ko. “Shake Body Dancer” naman ang favorite kong sayawin sa mga signature dance pieces niya. Sa slum book ng mga classmates ko noong elementary, Maricel Soriano ang nilalagay ko sa favorite actress. Yung ibang classmate ko, sila na naglalagay ng Maricel Soriano sa part na ‘yon bago pa ako pumirma.
Mahadera ang mga bruha. Hahaha.
May kaaway ako noon. Transferee siya. Nilinyahan ko siya ng, “Huwag kang makaarte-arte na akala mo kung sino ka dahil sampid ka lang dito.” Ewan ko kung nabuko niya na galing ‘yon kay Maricel sa pelikulang Pinulot ka lang sa Lupa.
Noong nagpa-blonde ng buhok si Maricel, gusto ko din magpakulay pero bata pa ako noon. Noong nag-tanga (pronounced as tangga) siya sa Maricel Live!, gusto ko ding mag-tanga pero bata pa ako noon. Nang luminya siya ng, “Kaya kong abutin ang langit,” pinangarap ko din ‘yon pero bata pa ako noon. Basta, gusto kong maging si Maricel Soriano, kasi nga, bata pa ako noon.
Noong high school ako, every Tuesday ang Maricel Drama Special. The next day, Wednesday, gagayahin ko ang eksena ni Marya sa episode niya the night before. Kaeksena ko madalas si Ranilyn Cunanan at Annabelle Lusung na mga Maricelian din. Pumapalakpak ang buong klase sa amin. Pati ang hinga at diin-diinan ng salita, acting ni Marya, gayang-gaya ko. Pati ang choreography ni Marya sa Maricel at 17, kaya ko. “Play me the music/ All I need is a mirror/ and a chance to dance for you.” Yakap sarili then pose.
Memorize ko noon ang lahat ng bonggang dialogue ni Marya sa Ikaw Pa Lang Ang Minahal.
“Si David ang magmamahal sa akin…David?”
“Binuhay mo ko? Napakasama mo.”
“Magbibilog ako ng bulak.”
“Sa kasamaang palad.”
Ito ang favorite movie ko ni Marya to date. Kaya ganon na lang ang muhi ko kay Lorna Tolentino noong nag-grandslam siya that year over Maricel for Narito ang Puso Ko.
Nakarma ako, first segment ko as a researcher for Showbiz Lingo ay ang pagiging Grandslam Queen ni Lorna. Hahaha.
Sa labas ang taping ng Maricel Drama Special noon. Kahit nagwo-work na ako sa ABS-CBN, hindi ko pa siya nakikita in person. Ang promise ko sa sarili ko, ‘pag nakita ko si Marya, iiyak ako.
Scintillation is the twinkling of light that occurs whenever a diamond is moved.
1993 noon, Christmas Special ng ABS-CBN. First time ko din magse-celebrate ng Pasko sa aking new job. Nakabantay ako sa mga dressing room para mag-interview ng mga artista. I was requested to be at the dressing room of Sharon kasi last part pa ang labas niya. Aliwin ko daw muna ang Megastar baka maiinip.
Habang inaaliw ko si Mega, may kumatok sa dressing room niya. Kasalukuyang sumasayaw ako ng “Earthquake” noon for Mega. Pagbukas ng pinto, ang petite at kumikinang na kutis ni Maricel Soriano ang bumulaga sa akin. Hindi ako nakapagsalita. Para akong na-freeze. Nag-usap sina Marya at Mega, pero parang hindi ko naririnig ang chikahan nila. Nakatitig lang ako kay Marya. Basta narinig ko lang, “Pahiram mo naman sa akin ‘yan sa kabilang dressing room.” I obliged.
Pagpasok ko sa dressing room ni Marya, nandoon si Mama Bec (her sister) at Chiwa (her Yaya). Para akong batang nagpakilala sa kanila, “Hello po. Ako po si John Lapus.” Say ni Marya, “Anak, matagal pa yata ako. Kwentuhan mo naman ako.” I cried. Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari, basta ang naaalala ko niyakap ako ni Marya at hinalikan. Hindi ako makapaniwala na ang idolo ko, tinawag ako ng anak.
Naging magkaibigan na kami since then. ‘Pag nagpupunta siya sa ABS-CBN to guest sa mga live shows, I would always approach her para magbigay-pugay. Dumating ang time na pinapagtrabaho ako sa Christmas Special para lang magbantay kina Marya at Mega. Nag-volunteer akong mag staff sa Maricel 22 on 2 para lang makasama si Marya.
Some of the characteristics of a diamond are brilliance, clarity, flawless, and sparkle.
Minsan, pinapadalaw ako ni Marya sa set ng Maricel Drama Special. Nakatulog ako sa set ng taping nila at paggising ko may pera ako sa bulsa ng polo ko. She would tell me, “Anak, gift ko sa ‘yo ‘yan kasi anak kita.” Kaloka kasi wala naman okasyon.
Madalas akong i-guest sa Maricel Drama noong nagsisimula na akong mag-artista. Si Marya kasi ang producer at si Mama Bec naman ang executive producer. As in almost every month, guest ako. Eto ka, one time, pack up na ako sa taping ng MDS. Pero si Marya, hindi pa. Pauwi na ako pero nawawala ang gamit ko. Yun pala, pinatago na ni Marya ang mga gamit ko para antayin ko siya matapos. Ang ending, nakidnap na ang beauty ko. Niyaya niya akong matulog sa bahay niya. Yun pala, gawain ni Marya sa lahat ng mga anak-anakan niyang bakla. Kidnap. Hahaha. So naging automatic na ‘pag guest ako sa MDS, dapat sa bahay niya ako matulog, together with the other anak-anakang bakla. Doon ko na din nakilala si Buboy (anak-anakan niyang production designer), Francis (anak-anakan niyang assistant director) , at Anthony a.k.a. Tonet Macho (anak-anakan niyang talent coordinator). Sa bahay na din ni Marya ko na meet ang mga kapatid niyang sina Mel at Mykey Martinez, at ang nag-iisang si Mommy Linda.
Sa dami ng aircon sa room ni Marya, lumalabas ako sa hallway ng room niya ‘pag umaga na, kasi hindi ko kaya ang lamig. I didn’t mind, for I love the feeling that I was part of the family. Totoy pa noon si Marron at baby naman si Tien. Gustung-gusto ni Marya yung kumakain kaming lahat sa hallway ng room niya habang naka-indian seat. After dinner, kukunin na niya ang video cam niya at kukunan niya ang show time ko. Ginagawa ko lang bra ang T-shirt ko at tanga ang brief ko. Happy na ang Diamond Star.
Like a Diamond, Marya is hard and precious. She is honest, frank, and direct to the point kaya madalas nasasabihang mataray. No wonder I love her, dahil pareho kami ng personality. One time, she asked me kung ano daw ang Zodiac sign ko. I said, “Cancer,” and she said, “compatible tayo.”
Diamond is the hardest natural material known to humankind.
Minsan, I was assigned to cover Marya’s shooting in Subic with Bong Revilla. I didn’t know na Tatay ko pala ang writer ng pelikula. Hindi ako makalapit sa set. Kinuyog ako nina Bong at Marya. Pinakikiusapan ako ni Bong na lapitan ko daw ang Tatay ko kasi tatay ko naman daw ‘yon. When Marya saw na ayaw ko, she calmly said to Bong, “Hayan mo na ang anak ko, kilala ko ‘yan, hindi pa siya handa.”
I became Marya’s automatic segment producer for Showbiz Lingo. ‘Pag Maricel ang issue, dapat ako ang mag-cover at dapat ako ang maka-interview sa kanya. Naloloka ang ibang showbiz reporters sa amin kasi hindi nga basta-basta nagpapa-interview si Marya sa kahit anong issue, pero ‘pag sa Showbiz Lingo, appear siya. She was one of our consistent Showbiz Lingo Darlings.
Noong nag-resign ako sa Cristy Per Minute, she paged me (pager pa lang noon) na ‘pag wala daw akong trabaho, abisuhan ko lang daw siya.
The name Diamond is derived from the ancient Greek ‘Adamas,’ which means invincible.
Marya requested me to be one of her sidekicks in Kung Ayaw Mo, Huwag Mo under Star Cinema. Comeback ng lovetam nila ni William Martinez.
I eventually got closer to her brother Mykey. Minsan, nagpunta kami sa Boracay ni Mykey with our friends Rey Kilay and Phillip Lazaro. Pag-uwi, kinuwento namin kay Marya ang mga adventures namin doon. Hindi pa pala nakapunta ng Bora that time ang Diamond Star. So, the next day, tinanong niya ako kung may gagawin ako that weekend, when I said none, mag-impake na daw ako at babalik kami ng Bora. Taray!
May time na ang pinagkakakitaan ko lang ay ang mga live comedy shows. Nag-produce si Marya ng show para sa akin. Buong pamilya niya, full support. Nakakaloka. Yung show ko sa Folk Arts Theater, namakyaw si Marya ng tickets para lang madami ang manood.
During the Middle Ages, it was believed that diamonds would grow darker on the face of guilt and shine brightly for the innocent.
Nagkaroon ako ng isang matinding issue few years ago. When it hit the papers, si Marya ang unang tumawag sa akin. I can still remember her words until now, “Anak, kung ano man ang pinaparatang nila sa iyo, alam kong hindi mo ginawa. Naniniwala ako sa iyo. Mahal na mahal kita.” ‘Yun lang ang kinailangan ko para malampasan ang issue na ‘yon. She then texted me the prayer of Jabez, “Oh that you would bless me ang enlarge my territory! Let your hand be with me, and keep me from harm so that I will be free from pain.”
It was also believed that diamonds have been used as a healing stone. It can detect and detoxify poison, open spirituality channels, and assist in calming creatures.
Until now, nagti-text si Marya sa mga taong mahal niya ng mga inspirational quotes at passages from the Holy Bible. Isa ako sa mga nakakatanggap everyday.
Marya is my second Mother. Our relationship has gone beyond idol and fan or friends. She had thought me things about the business, about life, about family, and God. Hindi ko man natupad ang wish ko na maging si Maricel Soriano, pero naging anak-anakan naman niya ako, which is definitely much better. Hindi na ako bata, and yet, Marya inspired me to grow.
I texted her yesterday to greet her a Happy Birthday. She replied, “Thanks anak for remembering. I love you.” Kung alam lang niyang muntik ko ng makalimutan na birthday na nga pala niya. But I will never forget the things that she did to me and for me. Until now, she still is elusive and seldom grants interview. She deserves it. Hindi basta-basta nabibili ang Diamond. But once you have it, you keep and treasure it. And you don’t have to look at it closely to know what it’s worth.
Happy birthday, Ma! I love you.
Hate, love, and lipo
I am very sorry for a super delayed post.
I was filled with the feeling of hate last week. Pinabasa kasi sa akin ng Nanay ko ang article ni Baklang Bakulaw sa isang magazine about Baby James. My god! Sinungaling daw si Kris for saying na cute si Baby James. Nakarma daw si Kris dahil pintasera. Halos sabihing pangit ang bata. So much hatred for a little boy na wala namang kamuwang-muwang.
Maski ako, hindi ko nga alam kung bakit hate na hate niya si Kris. Basta ang alam ko, binibigyan siya ng pera ni Kris noon. Pinakikiusapan pa nga niya ako noon na laitin ang long hair niya para bigyan siya ng pera ni Kris, pang-hot oil. Walang utang na loob. Dinamay ang bata dahil hate ang ina. Demonyo!
Pinagsabihan na daw ‘yan pero malakas talaga ang kapit. Taga-hugas daw kasi ng maduming labada at taga-linis ng ebidensiya. Kadiri! Ni hindi ko mabanggit ang pangalan kahit kaya ko naman. Pwe!
Kinilabutan ako. Yung kilabot ko, naging bw*set. Yung bw*set naging hate.
May nag-text din kasi sa akin na nilait-lait na naman daw ako ng mag-inang kutis porselana sa radio regarding one of my blog entries. Sinabayan pa ‘yon ng ina ng laging saklolo ng blind item na sa sobrang baho, tipong hate ang maiisip mo. Halatang hindi naman binasa ang entry at may nag-emote lang, pero may dagdag na parang scriptwriter. Maryosep!
So last Wednesday, at around 11:45 p.m., nagpunta ako sa usual Internet cafe na pinaggagawan ko ng blog sa Tomas Morato. I was determined to post an entry triggered by hatred. Kahit yung ibang walang malay, isusulat ko ang kasamaan ng ugali, which I personally experienced in the past. Damay-damay na ito. Sa sobrang tindi sana ng entry ko, malamang sumabog at may tamaan. Worst, may aaray.
I was even supposed to post a video blog of a former dancer-actor admitting na pinilit siya ng nanay-nanayan niyang TV host na makipag-s*x sa kanya. I was about to name drop a TV host na iba-iba ang tatay ng mga anak at naging home wrecker noon. I was about to post evidence about a TV host na nang-agaw ng boyfriend ng isa pang TV host. I was about to enumarate the reasons kung bakit hindi matanggal-tangal ang gay TV host sa isang show kahit lahat na ng tao pinapatanggal na siya. Ipo-post ko din ang mga na-save kong text ng mga kaibigan ko, mula sa network ni gay TV host, confirming the reasons kung bakit hindi siya matanggal-tanggal. I was really angry. Ang title dapat ng entry ko “Hate” or “Huwag Akong Galitin Kasi Hawak ko ang Lihim ng Golden Buddha.” Kaya lang ang haba. Hate.
Nasa harap na ako ng computer. Nasabi ko na kay Ate na bantay ng Internet na open time lang ako at baka matagalan ako.
This is it…type…type….type…………………………………………………I could not open my e-mail.…………………………………………………………………aaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!
P*tang-ina! Doon ako nagta-type at nagsi-save ng mga entries ko. Weird! Hindi ako nagbago ng yahoo account at lalo na ng password ko. Bakit hindi ko ma-open? Kaka-try ko, na-block na ang beauty ko sa pag-open ng sarili kong e-mail ad. Bw*set!
Sa sobrang init ng ulo ko, lumabas muna ako sa cafe to smoke. Nasa labas din ang grupo nina AJ Dee na madalas ding tumatambay sa Internet cafe na ‘yon, together with his badminton friends. Pagkakita sa akin ni AJ, binati niya ako, nang naka-smile, ng “Happy Valentine’s Day.” Hindi ako nakapagsalita. Nakalimutan ko na Valentine’s Day na pala. I texted Kris Aquino and John Prats earlier knowing that it’s their birthday, but I completely forgot na Valentine’s Day din pala. After a few seconds pa ako nakasagot ng, “Oo nga pala, Valentine’s Day din ngayon. Thanks.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Para akong baliw na biglang tinurukan ng tranquilizer. Para akong batang umiiyak na biglang nilagyan ng tsupon sa bibig.
Never ko pa kasi na-celebrate ang Valentine kasi laging natataon na wala akong jowa ‘pag love month na. Yung una kong boyfriend, girlfriend ang ka-date ‘pag February 14. Ganoon talaga…kahit ako ang nagbigay ng pang-date nila. Hahaha. Kaya siguro nakalimutan ko kasi hindi ako nasanay na i-celebrate. Few years ago, nag-celebrate kaming mga baklang ABS-CBN, na walang jowa, ng Valentine’s Day. Alam ko, masaya kami noon pero nakalimutan ko na dahil nalasing ako ng bonggang-bongga. Ininom ko na lang ang kawalan ng jowa.
Hindi naman ako naka-inom last Wednesday, pero para akong lasing na nag-aamok sa sariling blog. There I was, thinking of these hateful people, without realizing na Valentine’s Day na pala. Umuwi na lang ako at idinasal ko na lang ang galit ko, sabay tulog. Paggising ko, thank God, ok naman na.
Text ni Kris Aquino ang gumising sa akin. She was inviting me for a mass and dinner sa new house nila to celebrate her birthday. Ang tagal na niya akong ini-invite at miss ko na din si Joshua so I confirmed. Hindi na ako umabot sa mass dahil nagpunta pa ako ng Makati for my lab test. Ila-lipo na ako ni Doc Manny Calayan on Monday.
Pagdating ko sa bahay ni Ganda, pumasok ako agad sa room ni Joshua knowing na nandoon siya. Nasa rooftop pala si Josh since doon ang dinner. Si Baby James ang nandoon playing with his Yaya. Ang cute ni Baby James. Nag-smile siya sa akin at dali-daling sumama. Nagulat ang Yaya niya dahil bihira daw sumama si Baby James sa ibang tao dahil nangingilala na. That was the second time na nakita ko in person si Baby James. The first time was kakalabas pa lang niya sa ospital.
Pag-akyat ko sa rooftop, ang 5′9” at 240 lbs. na si Joshua ang sumalubong sa akin. I hugged him so tightly at matagal ko din siyang hindi nakita. I told him I missed him and he said, “I love you, Tito John.”
Family at close friends lang ni Ganda ang bisita. People who love Kris and, for sure, Kris loves them as well.
After dinner, sinamahan ako ng friend kong si Louie Andrada (the business unit head of The Buzz, Boy & Kris, and Entertainment Live) to see Baby James again. We were joined by fashion designers Pepsi Herrera and Edwin Tan. Nagulat sina Pepsi at Edwin dahil biglang sumama na naman sa akin si Baby James. ‘Pag sa kanila daw, ayaw sumama, to think na madalas silang makita. Louie Andrada exclaimed, “Mahilig si Sweet sa bata. Baka nararamdaman nila ang taong love ang bata.” Love!
From that night until now, while writing this entry, I was inspired to think about love. People na ‘pag nakikita ko, I think about love because I feel loved. Natagalan akong mag-isip dahil lumalaban ang thought na hate sa isip ko. Ang hirap…Ayan na…Eto at nagwawagi na ang “love.”
I first met Inay Cathy Ochoa-Perez when I guested in Mel & Jay during my first year in ABS-CBN. Executive producer pa lang siya noon. The episode was about children who hate their parents. In my case, it was my father. She approached and introduced herself after the show. Niyakap niya ako and whispered, “Mag kaibigan ang mga tatay natin. Pareho tayo.” The connection was instant.
Nakitawag na din ako ng Inay Cathy sa kanya. She would always asked me kung kamusta na ako everytime na masasalubong ko siya. Noong naging artista na ako, she would guest me in her shows dahil bilib daw siya sa talent ko. She would invite me every year for the birthday party of her daughter. With the seven months na tengga ako, before I transferred to GMA-7, kinakalampag niya ang ibang shows asking kung may role for me. She was the most emotional sa mga bosses nang magpaalam ako days before my transfer. Para siya talagang Ina na mawawalan ng anak. No wonder Inay ang tawag sa kanya ng mga tao. She is now the business unit head for Sharon and Volta. I saw her last month when I guested in Mega’s birthday in Araneta. Ang bungad niya sa akin, “Anak, salamat at tumawid ka. I love you.”
I met my kumareng Boyet Mariñas on my first day as co-host of The Buzz years ago. He is the owner of Hairwatch Salon. The week before, nagpagupit sa newly-opened Mother Ignacia branch ng Hairwatch Salon ang friend kong supervising producer ng show na si Roxy Liquigan.
Tinanong daw ni Boyet si Roxy kung sinong artista ang ang pwedeng isponsoran nila to promote Hairwatch. Roxy suggested me since magiging co-host na nga ako the week after. So during my first Sunday sa show, nilapitan ako ni Boyet. Natawa pa nga ako noong una kasi parang joke. Bakla, endorser ng salon? Hindi naman ako si Mama Ricky. Sabagay, may ganda din naman ako. Hahaha. Since then I became the first gay celebrity na endorser ng salon (na hindi ako ang may-ari). Suplada.
Noong tengga ako, inatake ako ng depression. Naglalakad ako sa mall, walang trabaho, walang pera, at walang masyadong bumabati sa akin. Nag-sink in sa akin that day na laos na nga ako. Tinawagan ako ni Boyet asking for a new picture dahil may promo daw ang Hairwatch. I told him, “Huwag na lang ako dahil nakakahiya naman na endorser ako pero wala akong show na pwede ko silang i-promote.” I even suggested my celebrity friend na ipalit sa akin at ako mismo ang kakausap. Say ni Boyet, “Gaga! Ang tagal mo na sa Hairwatch bakit kita papalitan? Marami lang show ngayon ang friend mo pero mas sikat ka pa din sa kanya. At dapat ang endorser ng salon, maganda. Kaloka ka!”
Wala na ang Hairwatch Salon sa Mother Ignacia at wala na ako sa The Buzz pero endorser pa din ako ng Hariwatch Salon at kaibigan ko pa din si Boyet. Almost everyday day magkasama kami. Minsan, he would checked my blog bago ko i-post and he would tell me kung puno ng hate kaya papadagdagan niya ng love. Until now, he gives me the feeling na ‘pag nalaos ako ulit, maganda pa din ako.
Matagal ko ng nakikita sa mga events at shows ni Tessie Tomas si Tia Ambi Burac. First time naming nagkatrabaho sa Star Dance hosted by Vanessa del Bianco, Marvin Agustin, Bianca Gonzales at JC Cuadrado. ‘Yon yata ang last show ni Marvin sa ABS-CBN.
Naging guest judge ako sa isang episode nila. Naaliw siguro si Tia Ambi, who was the executive producer of the show, at ang mga staff kaya ginawa na akong regular judge with Douglas Nieras at Gina Valenciano-Martinez. Gosh, hindi naman ako dancer pero judge ako ng isang reality dance competition. Comedy lang kasi ang mga comments ko kaya siguro sila naaliw.
Sa Grand Finals sa Aliw Theater naghanda na ako ng outfit ko. Bigla akong nilapitan ni Tia Ambi the day before at say niya talaga, “Pasensiya na Sweet. Hindi ka judge sa Grand Finals at ayaw ni Botox [codename ko ito sa taong binanggit niya]. Naloloka nga ako at after ilang episodes, ngayon lang niya sasabihing ayaw ka niya mag-judge. Pero gusto ko, nandon ka pa din. Ipaglalaban kita. Alam mo naman na bilib ako sa talent mo.”
I ended up being an anchor host during the Finals. After the show, Tia Ambi hugged me and said, “O, ‘di ba, sabi ko sa iyo, ipaglalaban kita.” Spunky si Tia Ambi pero may puso. Palibhasa pareho kami ng birthday. Wala na kami pareho sa ABS-CBN pero until now, she would text me inspirational quotes and passages from the Holy Bible. I texted her the other day asking kung puwede ba niya hawakan ang Anniversary show ko. Sagot niya, “Oo naman, basta ikaw.”
I worked with Rafael Rosel sa movie ni sister Jolina entitled Kung Ikaw ay Isang Panaginip. First comedy movie ito ni direk Wenn Deramas under Star Cinema. Leading men ni Jolina sina Rafael at Leandro Muñoz. Kaka-launch pa lang kay Rafael sa Star Cirlcle that time. Role niya yung gumagalaw na model sa billboard.
Nakakatawa kasi may accent siya na kakaiba that time. Sabi nga ng iba, pina-dubbing ang boses niya sa movie na ‘yon. Yun pala Norwegian ang Tatay niya at Cebuana naman ang Nanay. Fluent siya mag Norwegian at Bisaya keysa sa Tagalog. Kaya mula noon, Norbuano ang tawag ko sa kanya. Hahaha.
Ang galing na mag-Tagalog ni Rafael ngayon at mas lalong sumikat at gumuwapo. Sarap! Until now, he would always be the first one to greet me. Grabe, lagi siya nauuna. Sa gym kahit malayo, bibigyan niya ako ng close-up smile. Sa internet café, ganoon din. Isa siya sa mga badminton friends ni AJ Dee at madalas nga kami magkita doon. Ngayon lang, habang ginagawa ko ‘tong entry na ito, nilapitan niya ako at kinamusta. Hindi ko naman siya nakita since nakatalikod ako pero kusa pa din siyang lumalapit. Prangkahan na, kung ibang artista, dedma na ‘yan. I love you, Rafael!!!
Naku, isa pa itong si Iza Calzado. Hindi pa naman kami nakapag-work together pero sobrang loveable. Punung-puno siguro ito ng love kaya gustong i-share sa mga tao. Sa sine minsan, siya pa ang lumapit sa akin at ipinakilala ang boyfriend at brother niya. The other day sa Showbiz Central, nasa itaas siya ng stage at nasa baba ako. When she saw me, ang say niya talaga, “Sweet, nandiyan ka pala. Pagbaba ko, kiss kita ha.” Kaloka! Ang sweet.
Naiisip ko din si Rams David at yung pag-mediate niya sa aking pagiging Kapuso. Si Sharon Cuneta sa patuloy na pagmamahal. Si Mykey Martinez na madalas akong sabihan ng, “I love you.” Si Maricel Soriano sa pagiging pangalawang ina ko. Si mareng Judy Ann Santos kahit bihira na kami magkita. Si Janno Gibbs. Si Deo Endrinal. Sina Alan Real, Louie Andrada, Roxy Liquigan, Jojo Saguin, Eugene Domingo, Vice Ganda, Chokoleit, Joyce Bernal at Wenn Deramas…There are too many names to mention…Sino pa? Ayan naiisip ko na sila…mga staff ng Showbiz Central at Hairwatch Salon. Ang dami pala. Ang mga suki ng GRAFFiTi noon. Ang mga pamangkin ko, Ate ko, Nanay ko at kayo ……………..Love! Love! Love!
At dahil love ko din kayo, eto na ang mga sagot ko sa tanong niyo.
Sa mga nagsabing nasa Walk of Fame na ang Star ni Piolo, korek kayo! Pasensiya na. Yung iba naman, parang gusto niyo na akong patayin. Masama ‘yan. Hate ‘yan. Don’t Lie To Me, nagkamali na din kayo, di ba? Agree naman ako na dapat nandoon si Piolo. Sina Ai-Ai delas Alas at Claudine Barretto na lang ang wala pa. I wonder why?!
MARIA, sa Broadway mo na lang ipadala ang lechon. ‘Nood ka na din ng Showbiz Central. Thanks.
BABYCHI, I am only 34 years old.
PAMIN, hindi jowa ni Direk Wenn si DJ. Bakit si Eugene, Chokoleit at ako, package deal din sa mga projects niya. So jowa niya din ba kami? Hahaha.
CUTE, si Chokoleit nga ang kasama ko sa Power Exchange. Exciting!
SOLID at LOVEY, lalaki yung bulol. Ssshh…
PACHUCHU at ATROPHIO, korek na korek kayo John! Galing.
MILK, point taken. Relax.
AI80, let’s see.
LADYLARA, yes ang sagot sa lahat ng tanong mo.
ROTTI MAMA, malamang magka-show din si Charlene Gonzalez sa GMA-7. Hindi ko din alam kung bakit hindi pa nagpapakasal sina Ogie at Regine. Sa March an ang Pinoy Idol. Abangan! Hindi ko alam kung sino ang Dyesebel at ang bagong Darna. Gusto ko din po gumwa ng movie with GMA Films. Ang ganda ng BFGF. Nag-watch ako nung premiere night. Inggit nga ako kina Ariel at Maverick. Ka-rubbing elbows nila ang mga big bosses ng GMA-7. Taray! Lastly, hindi ko po alam kung bakit galit si Tito Alfie kay Piolo. I’m sure the feeling is mutual. Hahaha!
Sa mga KAPAMILYA na love pa din ako, salamat. Nakakataba ng PUSO.
Ayan, ok na ako. Nagwagi na ang feeling of love sa feeling of hate. Sana ang feeling of hate, masama na ni Doc Manny sa pag-lipo niya sa akin on Monday. Pero hindi naman ‘yon pwedeng higupin tulad ng taba.
At kung pwede naman, tulad ng taba, bumabalik din ang feeling of hate. Now, I know the remedy. ‘Pag nakakaramdam ako ng hate, iisipin ko ang mga tao na punung-puno ng love. In the end, nagwawagi ang love sa hate, kahit walang lipo.
I wonder why?!
Kinaya niyo ba ang sapakan ni Marimar at Angelika last Friday, February 1, sa Marimar? Abangan niyo ang iba pang mga nakakalokang kaganapan sa number one teledrama sa primetime TV. Aw!
After ng taping ko sa Marimar last Tuesday sa Zambales, dumiretso ako sa Baguio kasi nandoon ang mga staff ng Hairwatch Salon for their yearly seminar. Wednesday morning na ako dumating since madaling araw na nag-pack up ang Marimar. Naaliw si direk Joyce Bernal kaya dinagdagan ang eksena ko.
Ang lamig sa Baguio ‘pag gabi at umaga pero, Maryosep, ang init sa tanghali. Natulog lang ako buong araw since tulog ang ibig sabihin ng bakasyon sa mga artista. Paggising ko ng mga 7:00 p.m., super gutom ako. Nagyaya ang kumareng Boyet (owner of Hairwatch) ko sa resto/bar ni Kidlat Tahimik sa Session Road. Ang bongga, kasi may mga Igorot na nagsasayaw at tumutugtog ng mga ethnic instruments. Puro mga veggies at fruits lang ang lafes (gay lingo for food) kaya healthy.
After that nagpunta ako sa Nevada Square na gimikan doon. I saw my old friend Russel, na dating taga-ABS-CBN Baguio. I was surprised na sa SM na pala siya nagwo-work. I asked him kung bakit siya nag-resign, he joked, “E, malapit ng matalo ng GMA, Hahaha.” Nag-second the motion yung waiter by saying, “Totoo po ‘yan. Napakalinaw po kasi ngayon ng GMA dito.” Thank God! John Lapus po, proud to be Kapuso.
The next day, Thursday, bumaba na ako ng Maynila kasi may 1:00 p.m. call time ako for Bitoy’s Funniest Video. Ang sweet, and at the same time, nakakaloka ang pag-“yari ka” sa dalawang girls na victim. Host ako kunwari ng new reality game show ng QTV entitled Know it All. It is a game show for lovers, testing how much they know each other. Naloka ang dalawang girls kasi hindi nila alam na kasabwat ang mga boyfriends at barkada nila. I won’t go into details para naman ma-excite kayo. Abangan niyo na lang sa BFV.
Anyway, na-inspire kasi ako sa pagho-host ng game show while taping BFV. Na-miss ko bigla ang Blind Item, which I hosted sa ABC-5. Isang season lang ‘yon pero maganda ang concept na it is the first showbiz game show ng bayan. Uy, na-nominate ako sa Star Awards for that. Hehehe.
Nakaisip tuloy ako ng bagong game show. Ang title, I Wonder Why?! Ito yung mga bagay na hindi ko alam kung bakit nangyari or maraming posibleng dahilan kung bakit nangyari.
Ready, contestants? No coaching from the audience please! Hingang malalim. Kamay sa bibig. Dilat mata. Here is… I Wonder Whyyyyyyyyyy?!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Madalas akong manood ng sine sa Eastwood kasi konti ang tao at walang jologs. Tuwang-tuwa ako sa Walk of Fame na pinamunuan ni Kuya Germs. Nakaka-touch ang pagbibigay-pugay nila sa mga namayapang mga artista at iba pang buhay pa na nagbigay ningning sa pelikula at television. Madalas ko pang hanapin doon ang Star ni Marya, Sharon, at Goma, na mga favorites ko. Si Mareng Boyet, lumuluhod pa sa star ni Ate Guy. Nandoon ang Star ni Mareng Judy Ann Santos, Richard Gutierrez at Manny Pacquiao. Ang tanong, I wonder why walang Star sina Ai-Ai, Piolo at Claudine?
a) Hindi ka-chika ni Kuya Germs sina Ai-Ai, Claudine at Piolo.
b) Hindi ma-contact ni Kuya Germs ang managers nina Ai-ai, Claudine at Piolo.
c) Hindi pa natutulog si Kuya Germs.
d) None of the above.
Tuwing tinatanong ako ng mga tao kung saan ako nagsimula, proud kong sinasabi ang Teatro Tomasino. Visit my entry Teatro Tomasino for details. Galing si Piolo sa second batch ng That’s Entertainment bago siya sumali sa Teatro Tomasino. Ito yung batch na patapos na ang That’s. Napakahusay ni PJ umarte sa binatilyong edad. Na-nominate siya sa first play niya sa Teatro Tomasino entitled Juan dela Cruz: New York City.
Kaya naman pinag-audition siya ng Ate Noel Nuguit ko sa At Iba Pa, na isang children’s show na parang Batibot. Staff kami ni Noel doon that time kaya alam ko ito. After that, pinag-auditon din ni Noel si PJ sa Star Cirle at masuwerte naman siyang nakapasok.
Si Noel Nuguit ang unang manager ni PJ. Halos ilako ni Noel si PJ sa mga shows para lamang magkaroon ng mga guestings. Sina Rico Yan, Diether Ocampo at Marvin Agustin ang mga namamayagpag ng mga panahon na ito, so hindi masyadong naka-eksena si PJ.
Box office hit ang play at talaga namang nagtitilian ang mga tao kay PJ, at namangha sila sa husay niya umarte. Kinailangan ko pang pagsuotin ng wig si PJ dahil nakaka-distract ang kanyang kagwapuhan. Nag-request pa ako ng presscon sa officers ng Teatro Tomasino that time para naman mapag-usapan ang comeback ni PJ, kahit sa stage lamang. During our play, dumating kay PJ ang pinakahihintay niyang offer from ABS-CBN. The rest, as they say, is history. I wonder why sa picture book ni Piolo entilted Believing, e, hindi man lang nabanggit ang pangalan ni Noel Nuguit?
a) Hindi alam ng author ang story na ito.
b) May personal na galit ang author kay Noel.
c) Kulang sa research ang picture book.
d) None of the above.
Si TV host ay bulol at may depekto sa pagsasalita. In fairness, medyo mahangin pero mabait si TV host at napaka-bonnga ng karisma sa tao. Maski ang ilan sa mga staff niya ay hindi makapaniwala na binigyan ito ng ganitong break ng kanyang network dahil hindi naman daw ito magaling mag-host. I wonder why ginawang host ng network si TV host?
a) Mas gusto ng kanyang network ang karisma keysa sa talent.
b) Sobrang sipsip ni TV host sa kanyang mga boss.
c) Sinasadya niyang maging bulol para mag-wonder tayo.
d) None of the above.
Number 3 sa takilya ang Shake, Rattle and Roll 9 ng Regal films noong nakaraang MMFF. Every year, two to three entries ang pinapasok ng Regal sa MMFF, at lahat ito ay mga box-office hits. I wonder why until now, hindi pa ako bayad sa SRR 9?
a) Busy sila at hindi pa tapos magbilang ng kinita.
b) Halos lahat ng artista, matagal bayaran ng Regal kaya huwag ako dapat umasa.
c) May sinusunod na Feng Shui si Mother Lily sa pagbayad ng artista.
d) None of the above.
Ayon sa kasabihan, “Ang anak, matitiis ang magulang pero walang magulang na matitiis ang anak.” I wonder why nagpa-interview si Jean Saburit sa TV at sinabi niyang tinulak at sinipa siya ng nag-iisang anak na si Nicole?
a) Hindi totoo ang kasabihan.
b) Balak i-remake ni Jean Saburit ang launching movie niyang Kaladkarin.
c) Si Jean at hindi si Nicole ang nainpluwensiyahan ng ibang tao.
d) None of the above.
Madami ng artista ang nawalan ng fans dahil sa issue ng alak, droga at lesbian affairs. I wonder why ang mga Noranians, ipaglalaban pa din ng patayan si Ate Guy?
a) Mas importante sa kanila ang talent ni Ate Guy keysa lifestyle.
b) Nag-try din uminom, mag-drugs at makipag affair sa lesbian ang ilang Noranians at ok naman sa kanila.
c) Mas madaming negative na issue about Ate Guy mas dumadami ang mga Noranians.
d) None of the above.
Ang sabi ng iba, hindi daw maganda ang over exposure sa isang artista. Madali daw magsasawa ang mga tao ‘pag madalas kang nakikita sa TV. I wonder why ang idol ng bayan na si Joey de Leon, e, napaka daming show at lahat naman ay nagri-rate?
a) Basta talented ka at gusto ka ng tao, kahit Sunday Mass at Three o’ clock prayer, pwede ka mag-host.
b) Applicable lang ang over exposure sa mga artistang over acting.
c) Sa dami ng fans ni Joey de Leon, naghahati-hati sila na panonoorin ang mga shows ni Joey.
d) All of the above.
Fan ako ni Ai-Ai delas Alas. Mahusay, nakakatawa parati, at ang bait. Box-office queen din siya at lahat ng tao of all ages, gusto siya. Madami siyang commercial endorsements at nagri-rate ang mga shows. Until now, I wonder why natengga si Ai-Ai ng almost a year sa kanyang home network last year?
a) Honest case of kalimot.
b) Madami ng artista sa home network niya kaya pasensiya na Ai-Ai.
c) Hindi marunong sumipsip si Ai-Ai tulad ni TV host na bulol.
d) None of the above.
Nasa GMA na ako pero hindi ako umaalis sa Star Magic dahil sa utang na loob at maganda naman ang samahan namin. I wonder why umalis si Joross Gamboa sa Star Magic at lumipat kay Becky Aguila?
a) Na-insecure si Joross jay Jake Cuenca.
b) Ayaw na niyang makita si Roxanne Guinoo.
c) Magde-demand si Becky na bigyan ng shows si Joross or ipu-pull out niya si Angel Locsin.
d) None of the above.
Speaking of Star Magic, nakaka-touch ang mga bagay na nagawa at ginagawa nila para sa akin. Hindi nagbago ang pagtingin nila sa akin kahit proud Kapuso na ako. Inaasikaso nila ang mga bookings ko kahit one hundred thousand and above lang ang accounts na kukuhanan nila ng kapiranggot na 10%. Dahil dito, sinisigurado kong um-attend sa kanilang Christmas party every year mula nang napasok ako sa kanila. Bigay-pugay na din sa ginawa nila for me. I wonder why ang ibang Star Magic artist ay hindi um-attend ng kanilang Christmas party last December? Kami lang yata ni Chokoleit, na kababalik lang sa Star Magic, ang dumating.
a) Nagbigay na sila ng pang-raffle kaya ok na.
b) May work silang lahat that day.
c) Huwag kang madrama John kasi party lang naman ‘yon.
d) None of the above.
Nabalita ko na sa entry kong Super Sweet dahil sa sighting ko kina Ethel Booba at Alex Crisano na nag-aaway nung panahong iyon sa isang bar. Halos matanggal ang peace of mind ko nang makita ko sila ulit na magka-holding hands, on the same bar, the week after. I wonder why.
a) Masarap ang karinyo brutal.
b) Ginagaya ni Ethel at Alex ang relasyon noon ni Gwen Garci at Andrew Wolfe na away-bati.
c) They are a perfect match dahil pareho silang may amnesia.
d) None of the above.
Mga PEPsters, tama ba ang inyong mga sagot? Tulad ko, napa-I wonder why din ba kayo? Magbabalik ang round 2twong pinakabagong game show ng bayan ang….I Wonder Whyyyyy?!!!!!!!!
Commercial muna at sasagutin ko ang inyong mga tanong para hindi kayo mag-wonder. (Read more… )
Mga pamantayan sa buhay
I’m sure minsan naririnig niyong sinasabi ko sa Showbiz Central, “ang pamantayan ko sa buhay, past naman na puwede nang pag-usapan.”
Madami akong ganyan…mga pamantayan sa buhay na ang ibang tao wala or hindi lang nila alam na ganoon din sila. Minsan naloloka ang mga kaibigan ko sa akin ‘pag nililinya ko ang mga pamantayan ko sa buhay. Natatawa sila kasi in fairness daw, e, logical lahat at valid naman ang mga pamantayan ko.
Pasintabi sa iba, na baka mamalditahan sa akin, pero pasensiya na po at ganito talaga ang mga pamantayan ko sa buhay.
“Past na, pwede nang pag-usapan…”
Unahin ko na ito dahil madalas ko namang banggitin. Naloloka ako sa mga artista na ayaw nang mag-comment kasi past naman na daw at nakapag-move on na sila sa isang issue or isang tao. Ang point ko, kung nakapag-move on ka na, pwede nang pag-usapan, ‘di ba. Wala na yung galit, angst, pain, or any emotion for that matter. Usapan lang. Especially ‘pag bad experience, for me, dapat i-share yun para maging lesson and inspiration sa ibang tao. That, I think, is truly a sign of moving on.
Napapalakpak ako sa gilid ng Showbiz Central set nang aminin ni Nadine Samonte ang naging bad experience niya sa relasyon nila noon ni Oyo Sotto. Halos matanggal naman ang litid ko sa pagtili nang aminin ni Mark Anthony Fernandez, sa Central Jury din, na nagka-something sila ni Osang noon. ‘Yan ang para sa akin, e, talagang naka-move on na.
“’Pag nagsasabi ka ng totoo, hindi ka mayabang.”
Nakalagay sa Bible, we should be honest. Nakalagay sa mga pader, “Honesty is the best policy.” E, bakit ‘pag sinasabi ng isang tao na maganda siya or may bago siyang kotse, e, mayabang siya sa paningin ng iba? Weird! Kung totoo naman na maganda ka at may bago kang kotse, bakit ka naging mayabang?
Problema sa ibang Pinoy, sobrang humble to the point na nawawala na ang self-confidence. ‘Pag pinupuri mo, ang sagot, “Hindi naman po.” Asus! Dapat ‘pag pinuri ka, ang sagot mo, e, “thank you!” ‘Pag sad ka, tell yourself na maganda ka. ‘Pag may bago kang kotse, thank God kasi blessing ‘yon.
Maganda ang Showbiz Central! Mataas ang rating ng Showbiz Central! Showbiz Central na ang number one showbiz talk show! Maganda ako! Thank you!
“Hindi dapat napapagod ang walang pera.”
Alam ko medyo malakas ang dating nito. Alam ko, dapat nagpapahinga din tayo. Alam ko, napapagod din ang tao. Pero kung wala kang pera, hindi mo dapat indahin ang pagod. Prangkahan na, mahirap ang buhay ngayon. Kung nag-work ka at nakaipon for one whole year, ‘ayan mag-bakasyon ka or mag-day-off. Make sure na may savings ka. May kaibigan ako, work ng one year sa Japan ‘tapos bakasyon ng one year sa Pilipinas. So, nauubos lang ang lahat ng pinagpaguran niya. ‘Yon ang nakakapagod.
Hindi ko din kinakaya ang ilang kababayan natin na sumisigaw ng “tulong” dahil pagod na daw silang maging mahirap. Malaman-laman mo na hindi pala nagtatrabaho. Maryosep! The other day ko lang nalaman, may mga squatters daw na binibigyan ng relocation site ng government ‘tapos binibenta nila ang bigay na ‘yon at nag-i-squat ulit sa ibang lugar. Nakakapagod!
“’Pag mayaman ka, dapat may tinutulungan ka.”
Naiiyak ako ‘pag napapanood ko si Oprah na may tinutulungan na mahihirap. Naiiyak ako pag may tinutulungan si Ellen Degeneres. Maraming artista, businessmen, at pulitiko na mayayaman sa Pilipinas. I pray na may tinutulungan din sila, kasi kung wala, maiiyak din ako.
“Ang mga mababait, nagkakasala din.”
It’s true that “Nobody is perfect.” So I can’t help but wonder kung ano ang imperfections ng mga tao na nakikita natin na parang perfect? Mabait, respectable, may mga tinutulungan at talented. What if, ang pinakamabait na tao na kilala ng lahat ang nagkasala sa iyo? Ako na po ang sasagot, kakampihan siya ng lahat at dadamputin ka sa pansitan.
I remember one conversation with my friend Alessandra de Rossi. Sabi niya, ayaw na daw niya sumagot sa mga issues, kasi dahil mataray siya at prangka, siya daw ang nagmumukhang maldita. Point taken.
“Ang sinungaling, kapatid ng magnanakaw. Ang magnanakaw, kayang pumatay.”
Nakuha ko ito sa Nanay ko. Naglaro kami ng mga childhood friends ko sa loob ng bahay namin ng taguan. Kabilin-bilinan ni Nanay na huwag daw ako magpapapasok ng ibang tao sa loob ng bahay namin. Yung kalaro kong si Boshong, nagtago sa ibabaw ng lababo sa banyo. E, mataba siya, bumagsak ang lababo. Basag! Pagdating ni Nanay, sabi ko, “Hindi ko alam kung bakit nabasag.” Parang lie detector test ang Nanay ko kaya napaamin din ako. Pinalo niya ako habang paulit-ulit niyang sinasabing, “Ang sinungaling, kapatid ng magnanakaw. Ang magnanakaw, kayang pumatay.” Ito ang una kong naging pamantayan sa buhay at paulit-ulit ko din sinasabi sa sarili ko hanggang ngayon.
Sabi ng friend kong pulis, bihira na raw ngayon ang mga magnanakaw na hindi pumapatay. Halos lahat daw ng magnanakaw na nahuhuli, may pending murder case. Mukhang korek ang Nanay ko.
“Ang nagkakasala, dapat parusuhan at mag-sorry.”
Hindi ako in favor sa death penalty. Pero minsan, ‘pag may nawa-watch akong karumal-dumal na krimen sa 24 Oras, parang gusto kong baguhin ang stand ko. May God forgive me. Alam ko na dapat “’pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay,” pero there was a time na gusto kong palamanan ng bato ang tinapay. Bwis*t kasi minsan, binato mo na nga ng tinapay, hindi pa nag-sorry.
“’Pag hindi ka kagandahang bakla at may naglibre sa iyo ng drinks, kabahan ka na.”
Naging pamantayan ko ito just recently. I heard a story. May dalawang bakla daw ang binigyan ng beer ng mga group of boys sa isang bar. Kinilig ang dalawa and decided to invite the boys sa table nila. The next day, nagising ang isang bakla sa bahay niya without recalling the events of the previous night, except yung nag-join na ang mga boys sa table nila. Yung isang bakla was found dead in his house. 24 stab wounds at ninakawan pa. Tinanong ko yung nagkuwento sa akin kung magaganda ba yung dalawang bakla para ilibre ng mga boys, walang kaabog-abog niyang sinagot, “Hindi!”
“’Pag hindi ka kaguwapuhan at sumama agad sa iyo ang isang babae, kabahan ka na.”
Yung ibang mga kaibigan kong lalaki, nagpupunta sa mga bars to meet girls. Some of them daw end up having a one-night stand. Libre daw. Pa-motel at drinks lang daw. Hindi naman daw lasing or naka-drugs yung girl. Alam ko na liberated at intelligent na ang mga girls ngayon. Alam ko na may mga boys na sa sobrang guwapo, maghuhubad agad ng panty ang ibang girls. Pero teka, sa observation ko, 70% ng mga nagpupunta sa mga bars are boys. 20% ang girls. 10% ang mga bakla at tomboy. So, sa dami ng lalaki sa bars, knowing na hindi ka kaguwapuhan, bakit sasama sa iyo ang isang girl ng walang bayad at hindi lasing? Scary!
“Kung hindi ka kagandahan or kaguwapuhan, dapat friendly ka.”
Ewan ko ba, pero ang mga guwapo at maganda ‘pag hindi naka-smile, parang lalong nagkakadating. Siyempre, dapat lahat tayo friendly at hindi ko naman sinasabing excuse ang mga may itsura sa pagiging friendly. Pero I’m sure naka-meet na kayo ng tao na ang pangit na, nakasimangot pa. Kaloka!
Napatingin ako sa rubber shoes ng isang kasamahan ko sa gym. Ang ganda nung shoes. Nag-smile ako sa kanya para ‘pag nag-smile back, e, tatanungin ko kung ano ang tatak. Inirapan ba naman ako. E, nang matitigan ko, ang pangit niya. Teka nga. Inantay ko ulit siyang mapatingin sa akin. Bawal mag-ingay sa gym namin, so nang mapatingin siya ulit, walang sound kong sinabi na bukang-buka ang bibig ko: “Ang…pa…ngit…mo…”
“No comment means meron something…”
“No comment” na yata ang pinaka-kinaiinisan ko na sagot ng mga artista sa mga issue. Para kasing bitin. Pwede namang, “No comment po muna kasi hindi pa tapos ang kaso.” Or, “No comment po kasi hindi po ako involved diyan.” Better yet, sumagot ka ng simpleng “yes” or “no” kung answerable naman ng ganoon. Kasi kung wala ka naman talagang alam or hindi naman talaga totoo, puwede naman aminin. Yung “no comment” kasi para sa akin, parang nag-lie ka na, parang nagmukha ka pang tanga.
Si direk Paul Soriano, tinanong daw kung siya ba ang ama ng baby ni Camille Prats, ang sagot, “no comment.” Ayun, nag-comment si John Prats. Hahaha.
“I-deny mo na ang asawa mo huwag lang ang anak mo.”
A child is a blessing. Para sa inyo ito mga daddy since kayo ang mahilig mag-deny na may anak na. Mas hahanga pa ang girls ‘pag inamin niyo na may anak kayo. Plus points na po ‘yan ngayon lalo na kung hiwalay ka naman sa nanay ng anak mo.
May kaibigan akong lalaki na almost a year ko na ka-gimikan, ka-textan, at ka-chika pero ngayon ko lang nalaman na may anak na. Kung hindi pa ako nagpunta sa bahay nila, e, hindi ko malalaman na may anak na pala siya. Na-offend ako para doon sa bata kasi napaka-cute at kilala ako (o, ‘di ba?). Nang i-confront ko yung friend ko, ang say niya, “Hindi mo naman tinanong, e.” Sinagot ko siya sa garalgal kong boses ng, “Hoy! Ang anak, kahit hindi tinatanong, dapat kusang kinukuwento sa mga kaibigan. Imbiyerna!”
“’Pag may nag-text or missed call sa iyo, sagot.”
Nasubukan mo na bang mag-text or tumawag sa isang friend mo ‘tapos hindi siya nag-reply kahit the next day? Kaloka ‘di ba? Big issue ‘yan sa akin. Papaano kung emergency and it’s a matter of life and death? Patay ka na! ‘Pag may ganyan kang kaibigan, burahin mo ang number niya sa cell phone mo. Maloloka siya kasi ‘pag siya naman ang nag-text, ang sagot mo, “Hu u?” Hahaha.
“Walang artistang nagbo-bold na virgin pa.”
Years ago, may nabasa ako sa tabloid tungkol sa isang bold star. Ang headline in bold letters, “Virgin pa po ako!” Maryosep, mga kamay lang niya ang takip sa pechay at mga monay niya. At naka-smile siya, na kung tawagin ko ay “pilya look.” Paano niya naisip ang pose na ‘yon kung virgin pa siya? May ibang bansa daw na considered art ang nudity. Ibang bansa ‘yon. Pilipinas po ito. Wala ng bold movies ngayon. Karamihan daw sa mga bold stars noon, either nagwo-work na sa mga clubs, or ibinahay na ng D.O.M., or nag-Japan. Kaya si bold star na nakita kong naka-pose, e, malamang hindi na virgin.
“Ang cell phone unit, dapat sang-ayon sa estado mo sa buhay.”
Alam niyo naman ang mga bakla, mamigay lang ng cell phone, e, nagkaka-jowa na kami. May jowa-jowaan ako noon. Ang gusto niyang ibigay kong cell phone ay katulad ng sa akin. Stress. Kailangan ko pang i-explain sa kanya na mahal ang cell phone ko…na artista ako at waiter siya. As a matter of fact, bigay lang ng text SWEET to 2366 or ng SWEET to 2371 ang cell phone ko. Aba na-offend! Porke ba daw waiter lang siya, e, hindi na siya pwede magkaroon ng cell na katulad ng sa artista. Para walang issue, yung katulad ng sa akin ang binili ko para sa kanya. After five days, palitan ko na lang daw ng mas mura kasi inaalaska siya ng mga kasamahan niyang waiter at mga kamag-anak niya sa bahay. I asked him kung anong pang-asar nila sa kanya, say niya, “Sabi nila, namamakla daw ako!” Buking. Hahaha.
Mga pamantayan ko lang ito ha. Hindi ko sinasabing gayahin ninyo or paniwalaan. Sa mga namalditahan, pasensiya na at hindi po ako perfect. I’m sure meron din kayong pamantayan sa buhay niyo na feeling ng iba ay weird at maldita. Pero kung effective naman, then go. Basta happy ka at wala kang inaagrabyadong ibang tao. I-post niyo ang sa inyo at baka maging happy din sa ako diyan. Thanks in advance.
Next week na ako babawi sa pagsagot ng mga tanong ninyo at medyo puyat ako from the shooting of Ikaw Pa Rin, starring Ai-Ai and Robin. ‘Tapos ngayon, guest ako sa Marimar. O, ayan natupad ang wish ng iba sa inyo. Uy, maganda din na pamantayan sa buhay ang, “Libre ang Mangarap.” Sweet dreams.
Super Sweet
First time ko nakakita ng X-men comic book sa kalaro kong si Jon-jon Zaragosa noong bata pa kami. Naka-hard bound pa ang kanya na parang libro at giant size ang edition. Ang ganda! Very colorful. May mga naka-costume na super heroes at may mga bonggang-bonggang powers.
Sa sobrang ganda ng comic book ni Jon-jon, inuwi ko ito sa bahay namin, after he let me see it. Honestly, wala akong intensiyon nakawin, pero the fact na hindi ako nakapagpaalam sa kanya na hihiramin ko muna ito sa sa bahay, e, parang gano’n na din. Ayun, sinumbong niya ako sa Nanay ko. Pinagalitan ako ni Nanay. Lagot.
Lalo ako naging curious sa mga X-men na ‘yan. Bata pa lang ako, alam kong hindi kami kayamanan so hindi ko nakasanayang magpabili sa Nanay ko ng kung anu-ano. So tuwing pupunta kami sa mall or magpapasama si Nanay sa grocery, nagpapaiwan na lang ako sa National Bookstore para makapagbasa ng X-men.
Mga mutant pala sila na ginawang students ni Professor X para ma-control ang kanilang mga inborn powers at makatulong sa mga tao na kinamumuhian sila. Ang bait ‘di ba? Si Jean Grey ay may power to move objects and read minds. Si Cyclops, may laser beam na lumalabas sa mata niya. Si Storm namana, nako-control ang weather. Si Wolverine, may healing factor so hindi namamatay. Madami pa akong nakilalang X-men sa pagbabasa ko ng libre sa National bookstore. Salamat po, National Bookstore.
‘Pag Pasko at madami akong na aguinaldo, mga sale na X-men comic books ang binibili ko noong bata ako. Medyo hindi ko lang nasusubaybayan kasi nga, mga old issues na ang nabibili ko. Kaya naman sa unang sweldo ko sa ABS-CBN noong 1993, X-men comic books ang una kong binili.
Until now, collector ako ng mga X-men comics—New X-men, Uncanny, X-factor at iba pa. Yung mga luma ko, ibinibenta ko sa mga celebrity bazaar na bagsak-presyo basta for charity, kasi hindi na rin sila kasya sa bahay. Binibigyan ko rin ang mga pamangkin ko noon pero ayaw na nila ngayon kasi mas type nilang mag-computer. Yung iba, hinuhulog ko sa toy box ng Jollibee ‘pag December kasi ibibigay daw ‘yon sa mga bahay-ampunan.
Sa sobrang dami ng X-men comics ko, pwedeng tabunan si Jon-jon. Hahaha.
Naloloka ang mga kaibigan kong lalaki kasi ako lang daw ang baklang kilala nila na mahusay sa X-men trivia. Joke ko sa kanila, I am an ex-man after all. Hahaha.
Just like the X-men, ang feeling ko, may mutant powers din ako. Feeling ko, isa din ako sa X-men. Code name: Super Sweet. My mutant powers are the following:
Super Hearing. Kakaiba ang tenga ko. I could hear everything in my sorroundings. Kaya minsan, nadi-distract ako kapag may kausap kasi nadidinig ko ang chikahan ng kabilang grupo. May talent din akong umintindi ng mga sinasabi ng mga kausap ko kahit sabay-sabay silang magsalita. Ironic na nagkaroon ako ng nephew na deaf.
Dinig na dinig ko ang lahat ng okray ng mga tao sa sinehan when I watched some entries sa MMFF. Yung iba, medyo malayo sa upuan ko pero nadinig ko pa din na parang katabi ko lang sila. Check my blog entitled Bothered.
Dinig na dinig ko ang dalawang friends ko na pinag-uusapan ang director-friend namin. Nasa banyo ako that time pero parang tumatagos sa wall ang chikahan nila. Boyfriend na daw ng director-friend namin si closet gay actor. So kinamusta ko si director-friend when he went to our get-together and ask him kung sino ang jowa niya ngayon. Say niya ng walang kakurap-kurap, “Wala!” Sad. Akala yata ni director-friend, ichi-chismis ko siya, e, hindi ko gawain tumalo ng kaibigan at hindi naman sikat si closet gay actor. Tsk tsk tsk.
Super Lip Reader. May talent din akong mag-lip read. Minsan napapatingin ako from a distance sa dalawang taong nag-uusap, naiintindihan ko ang pinag-uusapan nila kahit hindi ko naririnig.
Last week sa isang bar, nakita kong nag-aaway sina Ethel Booba at Alex Crisano. Maingay sa bar so ang aking lip-reading powers lang ang gumana. Dumating si Alex na may kasamang girl ‘tapos na-offend for Ethel ang kasama niyang matrona-looking friend. Inaway ni friend si Alex ‘tapos kumampi naman si Ethel kay friend. May murahan at sumpaan na nangyari. Alam nilang nandoon ako so medyo nag-behave sila. Basang-basa ko ang buka ng bibig ni friend nang sabihin niyang, “Nandiyan si John Lapus.” Kung wala ako, baka nagkapisikalan. Sayang. Hahaha.
Super 20-20 vision. Alam niyo yung letter “E” na malaki sa eye chart? Basa ko ang pinaka-ilalim noon. At eto pa, 80% ang peripheral vision ko. Kahit nakatingin ako sa harap, nakikita ko ang view sa two sides ko. Kung tao, medyo walang details ang mukha niya kaya 80% lang daw. Kahit malayo, nakikilala ko ang isang tao na kilala ko. Parang may infrared din ang mata ko kasi malinaw pa din sa dilim.
Nasa party ako ng isang friend from ABS-CBN the other day. May dalawang taga-ABS-CBN na nag-uusap about their new show. Nasa tabing table lang ako. Kitang-kita ko sa aking peripheral vision na sumenyas yung isa sa isa na huwag daw maingay kasi nando’n nga daw ako. Asus.
Sa shooting ng Bahay ni Lola 2. Nasa second floor ako at nasa garden sa ground floor sina Dingdong Dantes at Karylle. Kitang-kita ko ang early sweet moments nila. Ayun, naging mag-syota sila by the time na showing na ang movie.
Remember yung direktor na gay at bagets na nakita kong nag-watch ng sine? Malayo pa lang sila, nakita ko na. Wala sanang malisya pero naghiwalay sila sa paglakad nang makita ako. Huli! Nakita ko ang direktor the other day sa grocery. Kitang-kita ko from a distance na bigla siyang umiwas when he saw me heading his way. Nagtaka nga ako kasi hindi naman niya kasama si bagets.
Nakikita ko si controversial basketball player sa madidilim na sulok ng isang bar na nakikipaghalikan sa iba’t-ibang girls every time I see him. Ako naman ang umiiwas sa kanya kasi baka sapakin ako.
Super Gut Feel. Grabe ako magkakutob sa isang bagay, tao or lugar. Minsan, may mga gamit ako na ipinamimigay ko na lang kasi parang may kakabit na malas. Umalis ako sa dati kong apartment, after two years, pinatay ang friend namin doon. May mga tao na ang tawag ko “dark people.” Yung iba ang dating sa akin. Mukhang mabait pero parang hindi. Kadalasan, iba-iba ang sinasabi pero hindi nagkukuwento ng personal background.
Kalaban ni Super Sweet ang mga ‘yan. Yung mga callboys na nakapuwesto sa kalye, hindi ko type. May ibang artista na kinakaibigan ako pero ayaw ko. After a few months, mababalitang may nakaaway ang artista na ‘yon. May mga lugar na ‘pag pumupunta ako, parang gusto ko ng umalis. Nanghihina si Super Sweet ‘pag nagpupunta sa mga lugar na ‘yan. Gay bar ang no. 1 sa listahan. Feeling ko any moment, may darating na raid.
Alam ko kung kelan nagsasabi ng truth or lie ang mga artista kahit hindi nakaupo sa lie detector test. Alam ko kung anong pangalan or issue na kapag binanggit sa kanila, e, mati-tense sila. How I wish na pwede akong magbigay ng list ng mga artista na sinungaling at hindi. Hindi kasama sa powers ko ‘yan.
Alam ko kung ang isang issue sa mga artista ay gimik lang or totoo. ‘Pag nagbabasa ako ng mga headlines dito sa PEP, hindi ko na binabasa ng buo yung iba kasi alam ko na ang laman. Minsan pati ang sagot na “friends lang kami” or “hindi po totoo ‘yan,” nape-predict ko. As in.
Alam ko na ang result ng lie detector test ay hindi dapat ituring na absolute truth. Pero alam ko kung kelan lalabas ang lie sa sagot ng nakaupo sa “Don’t Lie To Me.” Minsan mali ako ng akala pero mas madalas akong tama.
Alam ko kung sino si Kapuwet na paulit-ulit na sinasabi na makakarma daw ako. Sad, kasi kaibigan ko siya. Yun na.
Super Twinkle Toes. Yun daw ang tawag sa akin sabi ni Tita Geleen Eugenio kasi magaan daw ang paa ko ‘pag sumasayaw sa Showbiz Central. Napansin ko nga na kahit tumaba ako, ang gaan pa din ng feeling ko. Ang taas ko pa din tumalon until now. Noong bata ako, lagi akong pinagagalitan ni Nanay kasi mahilig ako tumalon sa bubong namin.
Nakakatalon ako sa ibabaw ng table or stage na sabay ang paa. Four to five feet yata ang pinakamataas kong natalon—stage ng SiS at Showbiz Central sa SM Taytay when Sergio held his fans day.
Super Non-Drowsy. Wala pang rides sa kahit anong perya or theme parks ang nagpahilo sa akin.
May nakakalokang ride sa tuktok ng Stratosphere Hotel sa Las Vegas. Nalula lang ako ng konti pero hindi naman ako natakot or nahilo. Lahat ng kasabay kong sumakay, namutla pagkatapos.
Yung mga rides sa Enchanted Kingdom at Star City, natatawa lang ako. Mas lalo pa akong natatawa ‘pag nakikita kong tumitili at takot na takot ang ibang nakasakay, maski na ang mga lalaki. Hahaha. Ugali kong magyaya ng mga kaibigan sa mga theme parks at pinipilit ko silang sumakay kasi nakakaaliw ‘pag nakikita ko silang namumutla. Naughty ko ‘no? Hehehe. (Read more… )
Gano’n na lang ‘yon?!!!
Nagkaproblema ang connection ng Globe last Tuesday. Buong hapon hanggang gabi ako nawalan ng signal. ‘Pag nagkakaroon, hindi naman maka-text or call. Nagpunta ako sa service center ng Globe kasi akala ko noong una, may sira ang phone ko. Nagkaroon nga daw ng technical problem sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas and Valenzuela) area at damay ang ibang parts ng Quezon City. E, taga-QC ako. Patay.
Stressed ako buong gabi dahil may mga inaantay akong tawag. Nakatsamba ako ng tawag sa 188. Doon tumatawag ang mga Platinum subscribers like me. Say ng operator, inaayos pa daw pero hindi makapagsabi ng exact time. Sa sobrang bwiset ko, say ko talaga sa kanya, “Gano’n na lang ‘yon? ‘Pag naayos na, tapos na. Wala man lang ba kaming matatanggap na text na nagso-sorry kayo?” Sa operator na ‘yon, I am sorry at mainit lang talaga ang ulo ko.
Alam ko na hindi naman din ginusto ng Globe ang nangyaring technical problem pero na-stress ang mga customers, so, dapat may apology ‘di ba? Minsan nagloloko ang Sky Cable ko pero hindi naman binabawas sa bill ko ang two to hours hours na nawala ang signal. ‘Pag tumawag ka, ‘tsaka lang may mag-a-apologize, ‘yon ay kung makaka-contact ka. Konting ambon at ulan, nawawala ang dial tone ng landline pero same pa din ang monthly dues niyo ‘di ba? May natanggap ka bang sorry?
Minsan, may unannounced brown out pero wala naman lumalabas sa bill natin na, “Pasensiya na sa brown out the other day. Sincerely yours, MERALCO.” Hahaha.
Na-stress ka, tumaas ang blood pressure mo at nasira ang araw mo, ‘tapos gano’n na lang ‘yon?
Ang “thank you,” bihira ko na din marinig. Kaya tuwang-tuwa ako ‘pag lumalabas sa isang mall or restaurant na nagti-thank you ang mga staff or security guard. Yung iba, bwiset. Pumasok ka, gumastos at lumabas na wala kang narinig na thank you. Try niyo sumakay ng taxi, ikaw pa ang magti-thank you sa driver dahil dinala ka ng maayos sa pupuntahan mo. Pero siya, hindi naiisip na kung hindi ka sumakay, e, wala siyang kita.
Lalo na sa jeep. ‘Pag may nagbayad sa dulo, sisigaw lang ang driver ng, “paki-abot nga po,” pero hindi siya magti-thank you sa dalawa or tatlong taong nag-abot. Gano’n na lang ‘yon?
Ewan ko ba. I am the type of person na apologetic sa mga tao na na-hurt or na-stress ko. Sadya man or hindi. I am the type na nagti-thank you sa mga tao na natulungan ako at napaligaya. Sadya man or hindi. So siguro I am expecting others to do the same. Pasensiya na pero gano’n ako talaga. Sa mga nakakaintindi, thank you.
Naisip ko tuloy ang mga bagay at pangyayari sa buhay ko that made me ask myself, “Gano’n na lang ‘yon?”
May isa akong pelikula na ginawa noon na hindi ko isinasama sa filmography ko. Pedrong Palad ang title. Launching movie ni Gerald Madrid. Si Nick de Ocampo, na critically-acclaimed director ng isang documentary, ang nag direk. Ang ganda ng script. Pang-art daw ‘yong movie. May eksenang hinah*da ko si Gerald. Pucha kahit daya lang, dinikit ko talaga ang mukha ko sa n*ta niya (naka-brief naman siya), kasi halata daw ‘pag hindi ko dinikit, kahit top shot. Hiyang-hiya ako kasi ang daming tao sa set. Kitang-kita ko din sa mukha ni Gerald na uncomfortable din siya. Ginawa ko pa din. Sumobra pa ng isang araw ang shooting ko, pero tinuloy ko pa din kasi nga art daw. Eto na, hindi ako nabayaran sa extra day kong shooting. Tinatawagan ako for dubbing pero sabi ko, dapat pay muna ang extra day. Nagulat na lang ako na showing na ang pelikula. Pina-dub sa iba ang boses ko. Kawawa naman si Gerald, kasi ‘yong poster, mas malaki pa ang mukha ng apat na bold star na cameo lang naman sa pelikula. Binentang sexy ang movie. Yung eksenang hinah*da ko si Gerald, na-edit out. Maryosep. Wala akong natanggap na sorry or thank you until now. Gano’n na lang ‘yon.
Napanood niyo ba ang Apat Dapat? May eksena doon na hinawakan ko ang isang budget call card with matching spiel na matipid ‘yon eklat. Dalawang eksena ‘yon na hard sell talaga. Nasa DVD na ang Apat Dapat pero wala man lang ako natanggap na gift pack or card na may nakalagay na, “thank you.”
Pangatlo sa box-office ang Shake, Rattle and Roll 9 sa katatapos lang na MMFF, pero hanggang ngayon, hindi pa ako bayad. Ok lang na wala akong matanggap na “sorry” sa delay pero huwag naman sana ako ma-thank you. Hahaha.
Noong nagsara ang second floor ng GRAFFiTi last year, mga kaibigan ko ang pumalit na tenants. Naiwan doon ang mga pinagawa kong cabinets, bar, flooring, ceiling, neon lights, glass doors/windows at ang sobrang mahal na steel balcony. Sisingilin ko dapat ang mga kaibigan kong lumipat pero sabi nila, nasa contract ko daw na ‘pag umalis ako, dapat maiwan ang mga permanent fixtures. Gosh, hindi ko alam ‘yon kasi bobo po ako sa mga contracts na ganyan. Since mga kaibigan ko naman ang nag-occupy, e, pumayag na din ako.
Nagsara na rin ang ground floor ng GRAFFiTi last January 5. Mga kaibigan ko na naman ang papalit. Iniwan ko ang lababo, inidoro, urinal, exhaust fan at mirror sa comfort room kasi wala naman akong pagdadalan ng mga iyon. Maniningil na naman ako dapat pero permanent fixtures din pala ang mga gamit sa banyo. Nge! Ang bobo ko talaga. Jackpot ang mga kaibigan ko sa mga naiwan kong permanent fixtures kasi hindi na sila bibili. Na-guilty pa nga ako kasi nag-attempt pa akong singilin sila, e, nasa contract pala ‘yon.
Pero alam niyo, even if I knew it’s in the contract na iwan ko ang mga permanent fixtures, but I still felt a little something in my stomach. So I consulted a friend and confessed my feelings. Sabi niya, “Oo, nasa contract mo nga ‘yon Sweet. Pero kung kaibigan mo nga sila, dapat hindi binabanggit ang contract or bayaran ka nila kahit na papaano at dapat mag-thank you sila sa iyo. Hindi pwede ‘yong gano’n na lang ‘yon!” Ayun.
Nagtanong kayo, sasagot ako kasi hindi gano’n na lang ‘yon.
Sa mga nagtatanong ng title ng bagong theme song ng “Don’t Lie To Me” ni Gloc 9, it’s “Shake it, Sweet.”
AsianObserver, korek ka, John! Nabother ako sa MMFF awards night na 45 minutes lang. Pero ang concert ni Lani Misalucha, e, two hours.
Boy_Alabama, korek ka din! Laking Lagro nga ako tulad ni Miriam Quiambao.
Mr. Suave, may double ako sa SRR 9 na nilagay sa harness at binaligtad. Yung puno, sa computer na lang pinatong.
Tirit30, ang episode mismo ang sinigawan ng pangit at hindi si Lovie.
Pink_Tulips, nawatch ko din ang Sakal, Sakali, Saklolo pero hindi ako nabother kasi naaliw ako.
Copymilyuck, point taken. I’m now looking at the option of having another manager aside from Star Magic. I could not just leave them because hindi gano’n lang ‘yon.
Peaches, please coordinate with my handler in Star Magic, Alan Real, 0917-8730498. I would love to help you with your research.
Espasolmo, I would love to have my own radio program. Unang mag-offer, baka tanggapin ko.
Sa mga nagtatanong kung ano ang reaction ng Megastar sa entry ko about her, eto ang text ni Shawie sa akin: “Iyak ako kasi may nagsend sa kin nung isunulat mo sa PEP for my birthday. Thank you my Sweet for thinking of me in that way. Di mo lang alam kung gaano kameaningful sakin nito at sa lahat ng nagawa mo for me. I love you John. Thank you from the bottom of my heart. Hope God’s angels surround you and keep you safe. Not just tonight but always. Mwah!”
Tignan niyo na, pati ang Megastar, marunong mag-thank you.
Lastly, I don’t want to impose anything on anybody, but I just want to remind them na sa buhay, hindi pwede ang gano’n na lang ‘yon.
Bothered
Na-bother ako when I watched Shake, Rattle and Roll 9. Siyempre, excited din ako kasi first movie ko ito na kasali sa MMFF (Metro Manila Film Festival). First episode ang sa amin. Nagsisigawan ang mga tao pero hindi dahil sa takot, ha. Sumisigaw sila ng, “Ang pangit!” “Ano ba ‘yang si Lovi Poe!” “Wow! Parang Lord of the Rings ang puno!”
May mga sinigaw pa sila na hindi ko na lang isusulat kasi offensive. Nagtuluy-tuloy ang sigaw nila hanggang sa second episode. Pinagtatawanan nila ang drama scene nina Roxanne Guinoo at Dennis Trillo. Nakahinga na lang ako ng maluwag nang palakpakan nila ang third episode. Napangiti na lang ako nang malaman kong pangatlo ito sa box office. Congrats, Regal Films!
Na-bother ako when I watched Bahay Kubo. Pagpasok pa lang, may nag-say na ng, “Bakit may sub-title na Pinoy Mano Po?” Husay na husay ako sa best actress na si Ms. Maricel Soriano at sa kaibigan kong supporting actress na si Eugene Domingo. Iyak ako ng iyak. Biglang nag-comment ang nasa likod ko, “Bakit puro iyak naman?” At say ng katabi niya, “Parang pagod yata si Joel Lamangan nang idirek ito.” Gusto ko na sanang awayin yung dalawang mahadera sa likod ko pero bigla kong narinig ang dalawang bakla sa tabi ko, “Ano ba ‘yan? ‘Di ba mahirap sila, bakit naka-highlights ang mga buhok?” Natawa na lang ako.
Na-bother ako when I watched Katas ng Saudi. Bumagay kay Jinggoy ang role at malinis naman ang pelikula maliban sa scoring at sound. Pero nakaka-bother kasi 20 lang kami sa sinehan. Konti na lang nga kami sa sinehan ay may isang babaeng palengkera pa ang sumigaw ng, “Hoy Lorna! Hindi na gumagalaw ang mukha mo sa botox!”
Mas lalo akong na-bother nang pumasok ako sa kabilang sinehan to check Anak ni Kumander. Pito lang ang tao, tulog pa ang isa.
Na-bother ako sa comment ng friend kong kasamang nag-watch ng Desperadas. Say niya, “Sweet, parang maganda na parang hindi.” Sa sobrang bothered ko, naikwento ko ito sa ibang kaibigan ko. Say nila, “Huwag kang mag-alala, Sweet. Ganyan din ang reaction ng mga tao sa pinagnoodan namin.”
Pinaka-nagpa-bother sa akin na noong Wednesday, January 9, halos hindi na palabas sa mga sinehan ang mga MMFF entries. Say ng friend ko, “Asa ka pa, Sweet. Showing na sina Will Smith, Nicolas Cage at yung cartoons tungkol sa mga bubuyog.”
Na-bother ako when I found out na binugbog ang anak ni Ai-Ai sa isang convenience store near UST. Bumili pa nga ako doon ng yosi while I was rehearsing Twosome. Na-imagine ko kasi na baka ako din mabugbog. Katakot.
Na-bother ako sa episode ng Showbiz Central last Sunday. Say kasi ng nanay ni Patrick na ayaw daw niya sana munang magsama si Patrick at Jen sa iisang bahay. E, may nagbulong sa akin na masama pa daw ang loob kay Jen ng adoptive parents niya. Naisip ko, saan nakatira si Jennylyn?
Lalo akong na-bother nang magsalita na ang mommy ni Jen ng, “Natuto ako uminon ng beer,” at “Paano na kami ngayon?” Breadwinner daw kasi si Jen. Eto pa, halos madurog ang puso ko when Jen’s dad cried na parang hindi na makahinga.
Mas lalong akong na-bother nang marinig ko sa isang friend ko na kawawa naman daw si Jen dahil ginawang breadwinner to think na ampon lang. May mga older siblings daw si Jen na wala naman daw ginagawa. Kaya say talaga ng friend ko, “No wonder nagpabuntis na ‘yang si Jennylyn. Gusto na sigurong humiwalay sa pamilya niya.”
Na-bother ako when I saw this young actor, na galing sa isang talent search, sa isang bar the other day. Alam ko kasi na may kaya ang pamilya niya at 17 years old lang siya. Ang say ng mga waiters at regulars ng bar, e, every night daw doon si young actor at laging lasing. Maryosep! Paano na ‘pag 18 na siya?
Na-bother din ako sa mga kwento ng mga baklang sing-a-long masters tungkol kay Pooh. Yumabang daw ito at lumaki ang ulo. In fairness, ok naman si Pooh sa akin at hindi pa naman niya ako niyabangan or nilakihan ng ulo. Nakaka-bother lang kasi medyo madami ang mga baklang may chika about him. Sad.
Na-bother ako when I guested as one of the surprise friends of Ms. Sharon Cuneta last Thursday sa Araneta. Pagbaba namin ng stage, binulungan ako ng isa pang kasama ko na nag-surprise for Mega. Whisper niya, “Narinig mo ba ‘yon? Ang message ni Shawie kay Direk Bert de Leon ay, ‘Nandoon ka ng mag-propose sa akin. Bakit hindi mo ako pinigilan?’”
Na-bother ako when I guested in Wish Ko Lang. Na-experience ko ang buhay ng isang tatay na may siyam na anak at isang apo pero ang trabaho niya lang ay manghuli ng kulokoy. Watch niyo ‘yan sa Wish Ko Lang at mabo-bother din kayo.
Na-bother din ako when I realized na matagal ko ng hindi na sasagot ang mga tanong niyo. Kaya ‘eto at babawi ako.
Sa mga tulad kong fans ng Diamond Star, Ms. Maricel Soriano, huwag kayong ma-bother. Isang bonggang-bonggang entry ang gagawin ko for her on her birthday sa February.
I_LURVE_GMA, I’ll keep blogging as long as you are there.
CHEL, baka busy ang iba kaya hindi nakakagawa ng entry. Pagpasensiyahan mo na.
JUSTME22, try mo din ang entries ko na “Choked” at “Cut,” baka maiyak ka din.
BLUESCOUT, korek ka John! I can deffinitely do movies for Star Cinema. I love working for them.
ESPASOLMO, oh, yes! Earthquake nga ng Flirtations ang favorite ni Mega ‘pag sinasayaw ko.
COPYMILYUCK, thanks for the info about the origin of the lie detector test.
Maba-bother ako ‘pag hindi kayo nag-watch ng Showbiz Central this Sunday kasi ang bongga.
Ayan. Nakabawi na ako, ha. Salamat at nakapag-emote na din ako sa inyo. Hindi na ako bothered.