Ilang buwan na rin ang nakakalipas mula nang aminin ni Ogie Alcasid sa YES! Magazine ang totoong estado ng relasyon nila ni Regine Velasquez, bagama’t matagal nang alam ng halos lahat na may namamagitan nga sa kanila. Hati ang reaksiyon ng madla sa pag-amin nina Ogie at Regine—may mga natuwa at meron din namang hindi.
Bago kasi ang pag-amin ni Ogie ay alam ng karamihan na kasal pa ito sa kanyang Australian wife na si Michelle Van Eimeren kaya ang turing nila kay Regine ay “mang-aagaw” at “homewrecker.”
Pero ayon nga kay Ogie mismo, matagal na silang hiwalay ni Michelle, na ngayon ay sa Australia na naninirahan kasama ang dalawang anak nila na sina Leila at Sarah. Hindi pa nga lang ibinibaba ng korte ang kanilang annulment case kaya technically, mag-asawa pa rin sila.
Sa kabila ng mga espekulasyon at batikos ng marami, nanatiling tahimik si Ogie sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Michelle. Kaya ang napagbibintangan tuloy ay si Regine, na minsan na ring inakusahan na nang-agaw ng boyfriend—si Ariel Rivera na noo’y kasintahan pa lang ng asawa na niya ngayong si Gelli de Belen.
Base sa mga nababasa naming reaksiyon ng mga PEPsters sa mga artikulo kaugnay ng relasyon nina Ogie at Regine, marami pa rin ang hindi sang-ayon sa kanilang relasyon at kung anu-anong mga masasakit na salita ang ibinabato nila sa Asia’s Songbird—na ang karamihan ay hindi na namin nilalathala dahil sa sobrang foul na.
Sa kabila nito ay hindi maitago nina Ogie at Regine ang labis na kaligayahan na nararamdaman nila ngayong malaya na silang ipahayag ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa, lalo pa’t matagal nga nilang inilihim ito sa publiko.
Tuwing Linggo ay saksi ang maraming manonood kung gaano ka-sweet sina Ogie at Regine sa kanilang musical variety show na SOP. Nariyang magyakapan at maghalikan sila sa harap ng camera bukod pa sa paghahayag nila kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Tuloy, pinupuna ng iba ang kanilang sobrang PDA (public display of affection).
Kasabay nito ay ang tila pagiging sobrang iyakin ni Regine. Nagsimula ito pagkatapos lumabas ng YES! magazine kung saan inamin ni Ogie ang kanilang relasyon. Sa presscon ng Pinoy Pop Superstar finals ay inihayag din ni Regine ang kanyang nararamdaman para kay Ogie kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. Nasundan ito sa presscon ng concert nina Ogie at Ai-Ai delas Alas sa U.S., kung saan naging special guests sina Regine at Martin Nievera.
Nitong nakaraang two-night (August 24 and 25) birthday concert ni Ogie sa Music Museum ay naulit muli ang pagluha ni Regine. Sa first night ng concert, kung saan habang inaawitan ng singer-songwriter si Regine ng “Kung Mawawala Ka” ay hindi rin napigilan ng Asia’s Songbird na mapaluha. Nang sumunod na gabi, sinabayan na ni Ogie ang pag-iyak ni Regine habang inaawit ang parehong kanta.
Kinabukasan, August 26, sa birthday celebration ni Ogie sa SOP ay mas marami pang luha ang ibinuhos ni Regine. Una habang nagdu-duet sila ng kantang “Pangarap Ko Ang Ibigin Ka”, na siya palang unang kanta na nilikha ni Ogie para kay Regine. Pagkatapos ay nang mag-usap sa kauna-unahang pagkakataon in public sina Regine at ang misis ni Ogie na si Michelle Van Eimeren via phone patch.
Hindi kinaya ni Regine ang pagtatanggol sa kanya ni Michelle laban sa mga taong bumabatikos sa Asia’s Songbird sa pakikipagrelasyon nito kay Ogie. Kay Michelle na mismo nanggaling na tanggap niya ang relasyon nina Ogie at Regine.
Hindi man nagbigay ng detalye si Michelle sa kinahinatnan ng pagsasama nila ni Ogie, malinaw na walang kinalaman dito si Regine. Sinabi pa nga ng dating Miss Australia na pamilya ang turing niya kay Regine, na ikinaluha talaga ng Asia’s Songbird.
Bagama’t hindi pa talaga annulled ang kanilang kasal ni Ogie, obvious namang nakapag-move on na si Michelle at nananatili silang malapit na magkaibigan ng dating asawa—pati na ng bagong kasintahan nito.
Sinasabi dati ng iba na paanong liligaya sina Ogie at Regine gayong alam nila na may isang taong nasasaktan. Ngayong nagsalita na si Michelle at sinabing tanggap niya ang relasyon nina Regine at Ogie, sino ba tayo para panghimasukan pa ang kaligayahan nila? Kita naman sa pananalita at kilos nina Ogie at Regine kung gaano nila kamahal ang isa’t isa kaya maging masaya na lang sana tayo para sa kanila.


The awards night of the 32nd Metro Manila Film Festival (MMFF) will be held tonight, December 29, at the Aliw Theater. The MMFF Awards Night is one of the most awaited events in Philippine entertainment, even eclipsing the awards night of the major award-giving bodies.
My future as a fortune-teller looks really bleak that I’m now seriously considering sticking to my day job. This I have proven after Mau Marcelo was crowned as the first-ever Philippine Idol.
The fourth season of StarStruck, GMA-7’s reality-based artista search, premiered last night, December 4. Billed as StarStruck The Next Level, the show is once again hosted by Jolina Magdangal, Dingdong Dantes, and Raymond Gutierrez.
Philippine Idol is nearing its finale (performance night on December 9 and results night on December 10 at the Araneta Coliseum), and only three contestants are left—Mau Marcelo, Gian Magdangal, and Jan Nieto—after Miguel Mendoza was (deservingly) voted out last Monday night.
Early this year, Regal matriarch Lily Monteverde threatened never again to join in the annual Metro Manila Film Festival (MMFF). The threat came after her protest over what she thought was a questionable awards night where Canary Film’s entry last year, Kutob, won more awards than her movies—Joel Lamangan’s Blue Moon, in particular.