PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fashion designer Oskar Peralta agrees to be deglamorized for indie film Tarima

Oskar says he harbors no ill feelings towards Bea Alonzo, but admits he is disappointed with her.
by Rey Pumaloy
Published Aug 26, 2010
"Seventy-five years old ako dito. Talagang nagmukha akong 75 no'ng tinanggal ko ang wig ko. Kay Fanny lang ako napapayag na magtanggal ng wig. Never again to remove my wig, never!" says Oskar Peralta about his role in Tarima.

Maliban sa pagiging fashion designer, nakahiligan na rin ni Oskar Peralta ang mag-artista. Katunayan, nakapag-taping na siya para sa fashionserye ng ABS-CBN na Magkaribal. Kasama rin siya sa cast ng indie movie na Tarima, na pinagbibidahan nina Fanny Serrano at Rocky Salumbides, mula sa direksiyon ni Neil Tan.

Kuwento ng mga bilanggo sa loob ng kulungan ang Tarima.

"Olga ang pangalan ko. Dumating na ako sa edad na 75. Ayaw ko nang lumabas kasi wala na akong uuwian, wala na akong kamag-anak, wala na akong kaibigan. So, I'd rather stay sa vicinity ng bilibid kaysa lumabas pa. Sa kuwento, 20 years akong nakulong. Nakapatay ako ng boyfriend ko kasi nagtaksil sa akin," paglalarawan ni Oskar sa kanyang role nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sa kauna-unahang pagkakataon ay pumayag si Oskar na tanggalin ang kanyang wig in public para lamang sa role niya sa Tarima.

"Seventy-five years old ako dito. Talagang nagmukha akong 75 no'ng tinanggal ko ang wig ko. Kay Fanny lang ako napapayag na magtanggal ng wig. Never again to remove my wig, never!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ng sikat na fashion designer, "Ginawa ko lang yun dahil kay Fanny. I love him. Maganda yung friendship namin, kahit hindi kami nagkikita nang madalas. Nagkikita lang kami 'pag sa mga fashion show, sa mga parties.

"Pero kapag sa mga ganitong mundo [pelikula], meron lang siyang feeling na parang lucky charm niya ako. Kumbaga, kumportable lang siya when I'm around kahit maliit lang yung role ko. Kaya nga never again na makita ako ng publiko na deglamorized."

LOVE FOR ACTING. Nakapag-taping na rin daw si Oskar para sa Magkaribal ng Kapamilya Network, kung saan ang role niya ay siya mismo.

"Nakapag-taping na ako with Robert Arevalo, hindi pa ipinapalabas," banggit niya. "Siguro mga apat o limang beses pa akong magti-taping. Naghihintay lang ako ng tawag nila. Ako yung confidante ni Robert sa series."

Hindi career ang rason kung bakit pumapayag si Oskar na mag-artista.

"Wala lang. Kalokohan ko lang, out of nothing to do, with love of doing it—that's it. Love ko talaga. Pero hindi talaga yung panay-panay. Pero pag si Fanny na ang tumawag, hindi ako makakatanggi kasi naniniwala ako na hindi niya ako pababayaan," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinanggi ni Oskar na kabilang siya sa liga ng mga matataray, matapobre, at mayabang na established fashion gurus sa bansa.

"Misunderstood siguro. Lahat ng mga akala nila, it's not true. I don't think na yung mga kaibigan kong matataray, magiging kaibigan ko kung gano'n ako. 'Pag ganyan, lalayo na yang mga yan sa iyo," saad niya.

DISAPPOINTED WITH BEA ALONZO. Ayon kay Oskar, siya ang nakadiskubre sa young actress na si Bea Alonzo, na isa sa mga bida ng Magkaribal.

Kuwento niya, "Ginawa ko siyang third runner-up [sa isang beauty contest], kasi medyo mataba pa siya noon. The thing na naka-attract sa akin ay yung talent niya na super fabulous. Sobra talaga. She was 13 or 14 yata siya that time. Yung contest sa Pasig. I was the chairman of the board. Ginawa ko siyang third runner-up, sinabi ko doon sa kasama ko na si Archie Ilagan. Sabi ko, 'Uy, Archie, punta ka sa backstage. Yung third runner-up na babae doon, yung mestisa, alagaan mo, magkakapera ka diyan.' Na naging manager niya."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Walang sama ng loob, pero disappointed raw si Oskar kay Bea, dahil hindi na raw ito nakakaalala.

"Ini-expect ko lang na 'pag kailangan niya ng damit, sa akin siya tatakbo," sabi niya. "Kasi I used to dress her up no'ng wala pa siyang pera. Wala naman akong regrets na natulungan ko siya. I was disappointed lang dahil hindi ko siya matahian.

"Pinapagamit ko sa kanya ang kotse ko, ang driver ko. Siguro, a year? Alam ni Bea na kotse ko yun. She promised me na kapag nagkapera siya at nagkabahay siya, ako ang mag-i-interior. Gusto niya yung bahay niya, maging kamukha ng bahay ko na ganun din kaganda. Gandang-ganda siya sa bahay ko."

Dagdag niya, "Parang batang pangarap na pag nagkaedad na at nakahawak na ng pera, nakakalimutan ka na. Parang typical na tao. Sanay na ako sa ganyan. I'm not blaming anybody, kahit yung manager niya. Nasa kanya yun, e. Kasi puwede naman niyang sabihing, 'Tito Archie, dalhin mo ako kay Tito Oskar.' Wala. Walang gano'n e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nililinaw lang ni Oskar na wala siyang sama ng loob kapag nababalitaan niyang ibang designer ang nagdadamit kay Bea.

"Okey lang sa akin kasi i don't love. Wala siyang nagagawang masama sa akin. Ako ang nagpagamit sa kanya. Disappointed lang ako dahil tumulong ako sa kanya, e, sana i-acknowledge lang niya. Hindi naman para bayaran ka. Yung ano lang, 'Hi Tito.' Kahit text lang. 'Have a nice day, I love you. Take care of yourself, ganun-ganon...You're getting old.'"

Inaasahan ni Oskar na magkikita sila ni Bea isa sa mga taping days niya sa Magkaribal. Kung sakali raw na babatiin siya nito, hindi niya ito dededmahin.

"Of course, bakit ko naman gagawin yun? Wala akong sama ng loob sa kanya, disappointed lang ako. Pero hindi ako unang babati sa kanya, matanda ako, e."

COMPARING GRETCHEN & ANGEL. Pagdating naman sa kanyang obserbasyon sa klase ng pananamit nina Gretchen Baretto at Angel Aquino, na kasama rin sa Magkaribal, hindi niya maikumpara ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko puwedeng maano, e. Masyadong far-far behind si Angel kay Gretchen. Ang kay Gretchen, pang designer talaga na damit. Nung in-interview nga ako ng ABS-CBN kay Angel, sinabi ko ngang naawa ako. If I could make dresses for her, I'll do it for her. Pero maaasahan mo lang ako sa bonggahang damit. But not for every day na damit, hindi ako marunong sa ganyan. Pero pag rampa, kaya ko yun," sabi niya.

Hindi raw sa pagtataray, pero wala raw nakikita si Oskar na sinumang artista na puwedeng masabing best dressed.

"Wala, e. Malalim ang best dressed. Akala ng mga tao madali lang ang best dressed dahil signature ang mga damit, mamahalin, nadadala... Pero hindi ganun yun, e. Sa akin, ang best dressed, yung consistency. Yung pagkagising hanggang sa pagtulog. Puwedeng best dressed for that particular event. Kung sino ang pinakamaganda for the night. Pero yung totally, lifestyle niya, wala," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Seventy-five years old ako dito. Talagang nagmukha akong 75 no'ng tinanggal ko ang wig ko. Kay Fanny lang ako napapayag na magtanggal ng wig. Never again to remove my wig, never!" says Oskar Peralta about his role in Tarima.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results