Muling nagbalik si Kris Aquino bilang guest co-host ng The Buzz noong Linggo, December 17.
Pero bago siya isinalang sa live interview ng dalawang The Buzz hosts na sina Boy Abunda at Toni Gonzaga, nagbiro si Kris na parang pinag-host lang siya para ipamukha sa kanya na two years na siyang "alone" sa Christmas at walang lovelife.
May VTR messages kasi sa kanya ang ilang taong nakasama niya sa trabaho at naging kaibigan. Nagpahayag ang mga ito na pagdating sa trabaho, walang karate-arte at kakiyeme-kiyeme si Kris.
Gaya ng naging pahayag ni Angelica Panganiban, na co-star nila ni Dingdong Dantes sa Metro Manila Film Festival entry na Segunda Mano.
Sabi ni Kris sa mga sinabi sa VTR messages, "Gusto ko yun, walang kaarte-arte sa trabaho. Sa work.
"At least, yun ang importante. Na nte times ninyong inulit na queen without a king.
"How do I feel about that? Matutuwa ba ako na bumalik ako dito?
"Inapi-api n'yo lang ako. Pag-uwi ko ngayon, iiyak lang ako nang iiyak.
"'Yan ang gusto niyong ma-achieve? Ganoon?
"Yun ba ang gusto niyo para pag-uwi ko, depress na depress ako?
"Na, 'Oh my God, oo nga pala, two years na akong alone sa Pasko!' Ganun? Yun ang gusto mong mangyari, Boy?" biro nito kay Boy Abunda.
Natatawang sagot naman ni Boy: "Oo! Lahat masaya kapag ganyan ka."
Buwelta naman ni Kris, "Talaga? Lahat kayo masaya except me? O, sige na, ganyan na lang talaga ang buhay."
MARRIAGE PLANS? Sinundan naman ito ni Toni, na nagsabing akala raw niya ay wala nang planong magpakasal si Kris.
Sabat ni Boy, "Ayaw na namin siyang magpakasal ni Bimby."
Kaya ang balik ni Toni Gonzaga, isa sa mga hosts ng programa, ano naman ang masasabi ng Queen of Talk dito?
"May requirements ako!" ang natatawang sagot ni Kris.
"Hindi, ipinagdarasal ko kay God.
"Siyempre naman, Boy naman, siyempre naman, you want me naman [to be happy].
"You're not joking!" sambit ni Kris nang maramdamang hindi nagbibiro si Boy.
"You're selfish. Lahat talaga ng bading na nagmamahal sa akin, lahat kayo, ayaw na talaga!"
Sabi naman ni Boy, hindi pa raw kasi nila nakikitang ganito ka-stable o kasaya si Kris.
Tanong naman ni Toni: "Kapag walang lovelife si Ate Kris, mas stable siya?"
Natatawang sagot naman ni Kris: "Parang may mali talaga sa akin, ha!"
Dugtong niya, "Pero Toni, just like you, dinala rin naman si Direk Paul [Soriano, Toni's boyfriend] ni God sa buhay mo.
"So, palagi kong 'pinagdarasal kay God na, 'God please, ngayong stable na ako, now that okay na 'ko, hindi na ako selfish.
"'Dalhin mo na siya. Pero 'wag muna sa 2012, ha. Sa 2013 na lang.'
"Kasi sa 2012, I am an actress. 'Yan ang aking mantra, Boy, pagbigyan mo na."
TELESERYE WITH ANNE CURTIS IN 2012. At ni-reveal na nga ni Kris na, "I can confirm it, but I cannot say kung sino yung mga leading men.
"Pero Anne Curtis and I will definitely do our teleserye on 2012. I'm so excited about that.
"And then, may movie po ako na hindi horror, at pinagkatiwalaan na ako finally ng Star Cinema na bigyan na ako ng drama.
"So, I am an actress."
KRIS WILL DO LOVE SCENES. Nag-e-expect na ba ng award si Kris for 2012?
"No. But I am expecting, talagang ano...parang si Direk Chito [Roño].
"Alam mo kung gaano kaprangka siya. Sinabihan niya ako, 'Hoy, Krissy, Ms. Witch.'
"Witch ang tawag niya niya sa akin.
"'Kapag hindi mo pa ginawa 'to, tapos na, hindi ka na pagnanasaan. So, umoo ka sa akin na magla-love scene ka.'
"So, binasa ko, iyak ako nang iyak sa love scene."
Sa lahat naman ng iiyakan niya, love scene pa?
"Sabi ni Direk Chito, 'Wala namang nipple exposure.'
"'Okay Direk, go!'
"Hindi niyo kinakaya 'to. Naiyak talaga ako dahil naramdaman ko talaga.
"Kasi naramdaman ko talaga.
"In any relationship, it's about the breakdown of the relationship.
"In any relationship, there's passion, there's love, and then there's hatred. It encompasses all of that.
"Siguro naramdaman nila na ready na ako for that and excited ako for that."
CAN SAY "GOODBYE" TO SHOWBIZ. Sinabi ni Kris na ang love daw ay nakalaan pa sa 2013. But since life is full of surprises, ready ba si Kris for surprises this 2012?
"Yes! Ay, yes na naman!" natatawa niyang sagot.
"Hindi, kasi, di ba, ayoko namang gawin ang mga bagay na hindi sa tamang panahon.
"So, oras na maibigay ang annulment papers. Tapos kasi, may rules diyan, sixty days tumahimik ka.
"Dapat yung annulment, hindi pag-usapan dahil baka i-contést pa.
"So, after that sixty days at dumating siya sa buhay ko, e, di goodbye being an actress!
"Ganoon ako kadaling kausap."
BIMBY RULES? Tanong naman ni Toni kay Boy kung si Kris ready na magka-lovelife sa 2012, sila ba ni Bimby ay ready na ring magka-lovelife si Kris next year?
Si Bimby ang bunsong anak ni Kris.
Pero ayon kay Boy, si Bimby ang mas may opinyon tungkol sa buhay ni Kris.
Na sinegundahan ni Kris ng "Korek! And it's the opinion that I listen to.
"Dahil talagang tumitiklop ako.
"At saka, palagi niyang sinasabi na, 'Mama, I'm not getting married because if I'll get married, you'll gonna die.'
"Sinabi niya sa akin na mamamatay raw ako if he gets married, which is true.
"If it happens, it happens, di ba?" patungkol niya sa kanyang lovelife.
MAKE DINGDONG WIN! Ano ang mero'n sa Segunda Mano na pati buhay ng angkan niya ay itinaya na niya sa pagsabing siguradong magagandahan ng manonood at mapapa-"Oh, my God!' sa ending ng pelikula?
"Alam ninyo kasi, like Toni, siguro when you were working with My Amnesia Girl, ipinasa-Diyos mo na lang.
"'God, bahala ka na. We gave our very best. We feel it's a good product. But ultimately, yung mga manonood ang magdya-judge.'
"Ngayon, ang feeling ko, it's total surrender, Boy.
"Alam ko na malaki ang ginastos.
"Pinakitaan ako ng figure before coming here on what we're going to hit before the return of investment.
"Pero ang masasabi ko talaga, the trailer that you're seeing is not even two percent of what the movie will give you."
Dugtong pa niya, "Kasi ang pinaka-critical sa buhay ko, nakanood na sila ng portion.
"Si Vice Ganda, nanood noong nagda-dubbing akom, and Vice told me, 'Alam mo, matagal na nating alam lahat na si Angelica Panganiban, sobrang galing na artista.
"'Kayo ni Dong [Dingdong Dantes], question mark.' Ginanun talaga niya 'ko.
"E, I mean, di ba? Alam naman natin si Vice. Kaya ko siya mahal at mahal mo siya.
"Pero, napamura siya.
"Yung mura na nag-i-start sa letter P. Tapos sinabi niya, 'P' napakahusay ninyong dalawa!'
"Sa kanya nanggaling yun. Sinabi niya na, 'Yung eksenang 'yan, paano nagawa 'yan?'
"You know, it's really a movie about three characters kaya simpleng sundan.
"But it's a question of second chances. Lahat tayo, gusto nating mabigyan ng pangalawang pagkakataon.
"But I hope, umalis kayo do'n sa movie na 'yan na [sasasabihing]:
'While I'm living my life, I don't want a second chance.
'Kasi, gagawin ko na ang lahat ng maganda and mabuti ngayon.
'So, I won't need a second chance.'
"Yun ang ano talaga...maganda.
"Lahat ng gulat, takot, at lahat ng tumbling. Tumbling talaga at lunod, ginawa ko na dito."
During the interview, naikuwento ni Kris na ang isang PSG (Presidential Security Group) niya ay apat na beses na itinapon sa pool para makita kung lulubog, pero hindi raw ito lumubog.
Kaya hirit pa ni Kris, "Ang bait-bait niya, love niya akong talaga. May bonus siya sa akin.
"Pero, you see, nag-swimming lesson ako for this at makikita n'yo talaga yung realism ng movie.
"Sinabi ko talaga kay Joel [Mercado], yung writer ng movie, it's impossible na lumubog, you'll float, e."
PRAYING FOR HER LEADING MAN. Bukod kay Vice, ang assistant ni Boy na si Phillip Roxas ay sumasama rin daw kay Kris, at napanood daw nito ang dubbing ng movie.
Nang kumustahin daw ni Boy kay Phillip ang Segunda Mano, sinabi raw nito na maganda ang pelikula.
Tulad ni Nancy Yabut, ang executive producer ng The Buzz na nakasama raw ni Kris sa shoot ng Olay commercial, ito ang nagpapatunay na madali at generous na katrabaho si Kris.
Tinawag din ni Kris si Phillip. At sinabi nga ni Phillip na dapat daw manalo ng Best Actress si Kris for Segunda Mano.
Pero consistent si Kris sa pagsasabi na more than her, si Dingdong talaga ang gusto niyang manalo.
Ayon kay Kris, "'Huwag na po. Huwag n'yo na po akong papanalunin.
"Si Dingdong po ang papanalunin n'yo. I keep praying.
"You know that, Boy. I'm praying an extra rosary. I'm praying to all the saints.
"I'm praying at pati sa Victory [church], pumupunta na 'ko. Lahat talaga.
"Ipinagdarasal ko talaga si Dingdong Dantes because this is the performance of his lifetime talaga."
Natatawa naman si Boy sa hirit ni Kris na pati sa Victory, nagpunta siya.
Pero pinatotohanan ito ni Kris sa pagsasabing, "Yes, I went to Victory, and they liked me.
"Dinala 'ko ni Anne Curtis. Pati sa Born Again, go ako!"
