[x]
"Idea ko itong sprial stairway for positive vibes"—Mark on his new home. (Hi! October 2007 issue) Photo: Ruel Mendoza

 

Gumana ang pagiging Architecture undergrad ng singer/aktor na si Mark Bautista sa kanyang pinatayong bahay sa Don Jose Heights along Commonwealth Avenue, Quezon City.

 

Third year sa Architecture si Mark when he joined Star For A Night five years ago.

 

"Yung hilig ko sa Architecture, inilabas ko rito sa house na pinagawa ko," pagmamalaki ni Mark. "Yung ibang furnitures, yung spiral stairs at railings, idea ko yun. With the help of a friend na interior designer, lumabas naman maganda itong house."

 

Isinabay ni Mark ang house blessing sa kanyang 26th birthday noong August 11, 2007.