"Isang beses lang kami ikakasal, and it is the happiest day of our lives. So, siyempre, gusto namin memorable and, of course, bongga!" says Maggie Wilson about her wedding.

Photo: Noel Orsal

Nitong nagdaang December 18, ikinasal ang beauty queen-actress na si Maggie Wilson kay Victor Consunji, na kabilang sa pamilyang nakilala bilang construction magnates, sa isang beach sa Legazpi, Albay.

Pero bago natuloy ang kanilang kasal ay kung anu-anong kontrobersiya at aberya muna ang nangyari.

Una na rito ang pre-nuptial video nina Maggie at Victor na nag-spark ng controversy dahil sa pagka-senswal ng tema nito. (CLICK HERE to read related story.)

Nagsalita na si Maggie dito, at sinabi niyang ang intensiyon talaga nila ay maging "uncomfortable" ang mga makakapanood nito.

Sabi pa niya, "Kanya-kanyang taste lang 'yan. I mean, everyone's entitled to their own opinion, and you can't please everybody. At the end of the day, it's my video, it's not theirs. So if they can't take the heat, then don't watch it!"

Pangalawa, sa mismong araw ng kanilang kasal ay may aberya pa ring naganap at muntik nang hindi matuloy ang plinano nilang beach wedding.

Hindi kasi sila allowed ng simbahang Katoliko na makasal sa beach nang hindi pa ikinakasal sa loob ng simbahan. Kaya sa mismong araw na yun, hora-horada ay nagpakasal muna sina Maggie at Victor sa malapit na simbahan.

Ilang oras pagkatapos ng kanilang church wedding ay muli silang ikinasal sa beach. Unfortunately, inabot na ng malakas na ulan ang beach wedding. Pero itinuloy nila ito.

A few days after their wedding, nakausap ng Showbiz Central si Maggie. Ikinuwento nito ang mga naganap sa kanyang kasal at kung gaano siya kasaya bilang Mrs. Victor Consunji ngayon.

"Ang gusto ng priest, ikasal muna kami sa church. Mauna muna yung church bago yung beach wedding. 

"Yun ang deal ng church, kasi nga, Catholic wedding siya. And usually, hindi pumapayag ang Catholic church na magpakasal sa beach. Gusto raw talaga nila sa loob mismo ng church.

"Hindi namin alam. Sinabi lang sa amin noong araw na yun, noong morning na yun, na ang gusto nila, sa church muna. So, ganoon ang nangyari. 

"Nagkaroon muna kami ng small ceremony sa church ng Misibis with family and closest friends. Konti lang kami, mga fifteen lang siguro kami do'n," paglalahad ni Maggie.

After that daw, nagbihis lang siya ng wedding dress niya at nagtuloy na sila sa beach para sa kanilang "second wedding."

"What's so funny, yung priest na nagkasal sa amin, nabanggit pa niya ang pre-nup video namin. Ginawa talaga niya yung homework niya," nakangiti pa niyang kuwento.