Kinumpirma ng aktor na si Bernard Palanca na hiwalay na nga sila ng asawa niyang si Meryll Soriano.
Sa taped interview kay Bernard ni Ricky Lo sa Ricky Lo Expolosives na ipinalabas kagabi, Pebrero 21, 2007, sa QTV 11 ay isiniwalat ni Bernard ang isa sa mga dahilan ng paghihiwalay nila ni Meryll.
"Araw-araw kasi we would fight. Little things, useless things, parang nakakapagod lang," paglalahad ni Bernard.
Sa madalas na pag-aaway na ito, nilinaw naman ni Bernard na sinusubukan nilang dalawa na ayusin ito agad. Subalit sa ngayon, para sa aktor, masasabing "irreconcilable" na ang sitwasyon.
Paliwanag ni Bernard, "Because we both tried e. We both tried to fix it naman e. Talagang kung may nangyaring problema, definitely, either she would fix it or I would try to fix it, parang ganoon. Even together, hindi na kaya e."
THE SPLIT. Inilahad pa ni Bernard kung paano ang naging
sitwasyon nila ni Meryll sa loob ng humigit-kumulang apat na buwan nilang pagsasama bilang mag-asawa.
Panimulang pagsasaad ng TV actor, "Right now, I don't have a regular show, and she has. So she was working more than I was. She was working hard.
"Yeah, I understand...I know that it's supposed to be that—if one is down, the other one helps—but it came to a point na parang I just... It made me feel already na...I felt useless, so I thought na parang, ‘What's my worth?'"
Dagdag pa niya, hindi raw siya nakaramdaman ng suporta mula sa asawa. Sa halip na "helping me to lift up or stand up, or say na, ‘Hey, you know, this is okay,'" ang nangyari ay tila mas hinihila siya pababa.
Ayon pa kay Bernard, "Normally, I wouldn't care about life, wala akong pakialam sa buhay. But I couldn't ignore this one. 'Yon na nga lang ang natira sa akin, e inapakan pa."
DRUGS OR THIRD PARTY. Samantala, itinanggi ng aktor ang bali-balitang drugs o ibang babae ang posibleng dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Ani Bernard, "You know, if it's not drugs, it's another girl. But it's not another girl e."
At sa usapin naman tungkol sa droga, "You know, I laugh at it na lang kasi I know naman I'm clean e. I can be tested anytime."
Nang tanungin kung may pag-asa pa bang maisalba ang kanilang relasyon, heto ang kasagutan ni Bernard: "If we're gonna talk about me and her reconciling as husband and wife, I've already made my decision and I stick to my decision."
Sa kabila ng lahat, hindi naman pinagsisisihan ni Bernard ang pagpapakasal niya kay Meryll. Ayon sa kanya, mahal pa rin niya ang asawa at hindi raw mawawala iyon. Ang tanging pagsisisi lamang daw niya, "Sayang lang the time and energy and effort that we both put into it because it didn't work, 'yon lang."






