Sunshine Cruz on husband Cesar Montano: "I need him right now."

Rose Garcia
Wednesday, June 11, 2008 @ 05:43PM  |  10528 views

"Parang sa panahon na ito na kailangan ko ng masasandalan, parang wala. I'm not blaming Cesar. It is not my fight against Cesar, so I am trying to understand him. At alam naman niya yun, it's just that, I need him...I need him right now," says Sunshine Cruz.
Photo By: Noel Orsal













Pormal nang nagsampa ng dalawang counts ng libel ang aktres na si Sunshine Cruz laban sa kapatid ng mister niyang si Cesar Montano na si Maria Mercedez "Ched" Manhilot Cantu. Isinampa ni Sunshine ang libel case kahapon ng umaga, June 10, sa San Juan Prosecutor's Office.

 

Nagdesisyon si Sunshine na sampahan ng kaso ang kanyang hipag dahil diumano sa ikinakalat na mga mapanirang pahayag ni Ched sa Internet, partikular na sa social networking website na Friendster.

 

WHY SHE DECIDED TO FILE A CASE. Kinagabihan, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine sa burol ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez sa Heritage Park sa Taguig City.

 

Bagamat may pauna nang salita ang aktres na tungkol lang sana kay Daboy ang mga tanong na sasagutin niya, hindi na rin siya nakatanggi nang sunud-sunod na siyang tanungin tungkol sa alitan nila ng kanyang hipag at sa estado ng relasyon nila ngayon ni Cesar.

 

"I'm okay...ayos naman. Hayaan na natin...hayaan na natin. I cannot talk about it dahil naka-file na yung case na libel," nakangiting attempt niya na huwag na sanang pag-usapan ang kasong isinampa niya.

 

Pero hindi nakaiwas si Sunshine sa tanong ng PEP tungkol sa ini-release niyang statement. Ipinahayag dito ng aktres na dapat sana ay pinag-uusapan na lang nilang dalawa ni Ched o ng kanilang pamilya kung anumang hindi pagkakaunawaan ang nagaganap sa kanila ngayon para hindi na rin naaapektuhan ang mga anak nila.

 

"Nanahimik naman ako for nine years, e. I just have to fight for I know what is right. And I have to do it for my kids," maagap niyang reaksiyon.

 

"I CANNOT BLAME CESAR." Sa kabila ng mga naglalabasang isyu na nagtatampo siya sa asawang si Cesar dahil hindi siya nito maipagtanggol laban sa mga paninira sa kanya, sinabi ni Sunshine na naiintindihan niya ang mister.

 

"Sa totoo lang, I cannot blame Cesar. Of course, kapatid niya yun. Hindi naman sa hindi niya ako naipagtanggol, sinabi naman niya that it's not true. So, I understand him...I understand him."

 

Pero aniya, "Of course, I need him right now and that, you know, I would be able to feel the support."

 

Pagkatapos daw maglabasan ang mga paninira diumano sa kanya ng sister-in-law niya sa Friendster account nito, hindi pa raw sila nagkakaroon ng pagkakataon na magkausap nang personal ni Cesar. Puro palitan pa lang daw sila ng text messages. Very personal na raw ang mga mensahe nila sa isa't isa kaya hindi na niya maaari pang i-share sa lahat.

 

Tinanong namin si Sunshine kung sa text messages ba ay galit si Cesar.

 

"Pareho naman kaming may sama ng loob sa sitwasyon na kinakaharap namin ngayon. I'm hoping na siguro, kailangan lang na magpalamig ng konti," sabi niya.

 

Hindi rin itinanggi ni Sunshine na nasa proseso na sila ni Cesar na sinusubukan nilang ayusin ang relasyon nila bilang mag-asawa nang dumating ang bagong kontrobersiyang ito sa kanilang pamilya. Nilinaw rin ni Sunshine na walang katotohanan ang tungkol sa isyung annulment case na nilalakad nila.

 

"It's not true about annulment. Wala akong planong mag-file ng annulment. This is about the libel case and not about annulment," diin niya.

 

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name