Umaasa si Polo Ravales na kahit paano'y mapapansin siya ng award-giving bodies dahil sa performance niya sa pelikulang Walang Kawala na idinirek ni Joel Lamangan. Ito ang inaasam na mangyari ni Polo dahil sa palagay niya, ito na ang panahong dapat ay matutukan na ng mga kritiko ang kanyang pagpapakaseryoso bilang aktor.
"In fairness, ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko, tinanggal ko na ang lahat ng inhibitions para lang maging kapani-paniwala sa role namin dito ni Joseph Bitangcol as gay lovers. Wala naman akong kiyeme talaga dahil, unang-una, mature na ako for such a portrayal. Naiintindihan ko na ang demands ng ganyang klaseng role at inihanda ko ang sarili ko para riyan. Sana lang, makalusot sa panlasa ng critics at ng mga manonood," asam ni Polo.
Sa telebisyon naman, mapapanood si Polo sa bagong fantaserye ng GMA-7, ang Gagambino. Kagabi, October 13, ginanap ang presscon nito sa Studio 3 ng GMA Network Center.
Kasama rin sa Gagambino ang rumored girlfriend ni Polo na si Jean Garcia at sa press launch kagabi, marami ang nakapunang parang tila may panlalamig kay Jean tungkol sa mga isyung may kinalaman sa kanila ni Polo.
May lovers' quarrel (LQ) ba ang dalawa?
"Uy, wala!" tila nagulat si Polo sa obserbasyon ng ilang reporters. "May mga intriga pa rin, pero hindi kami affected. Naiintriga ako sa co-star ko ritong si Krissa Mae na nami-misinterpret yung isang incident na tinulungan ko siya. Pero ayoko na lang magsalita doon dahil baka lumaki, pagmulan pa ng gulo. Alam naman ng mga tao yung pakikitungo ko kay Jean, 'tapos may mga ganyang intriga.
"Wala talaga, it's not really true, and I don't need to elaborate. Mahirap sa parte ko. And I just came to realize, kapag malapit ka na sa isang babae sa showbiz, mahirap din yung maka-close mo yung iba dahil gagawan at gagawan ng intriga."
Pero bakit ganoon na naman ang hilatsa ng mga sagot ni Jean? At parang super-deny pa ito sa kanilang tunay na relasyon?
"Nilinaw ko na 'yan na may mutual understanding na sa amin, kaya dapat ay tapos na lang doon. Siguro paulit-ulit na lang ang naitatanong kay Jean at kapag ka-close niya ang mga reporter, naiintindihan siya sa ganoon; na parang nagpapa-moody siya. Pero hindi naman talaga ganoon.
"That's true, walang dapat i-confirm o i-deny si Jean, because we are really very close. Kung ano na lang sana ang nakikita sa amin, yun na lang ang paniwalaan ng mga tao. We don't need to talk much about it," natatawang sabi ni Polo.
Matagal nang magka-close sina Jean at Polo bago pa sila nagkasama sa La Vendetta at doon umusbong ang romansa.
"Ang maganda sa amin, napapaghiwalay namin ang propesyunal sa personal," sabi ni Polo. "We work very well together. Halos lahat ng projects namin ngayon, magkasama kami, and we're happy that way.
"At saka konting bagay ngayon sa amin, napapag-usapan, nabibigyan ng kahulugan. Talagang ganoon siguro kung kahit paano, open na sa mga tao at may ideya na sila what's really going on between the two of us. Para wala na lang kung anu-ano pang pupuwedeng sabihin, mas mabuting hindi na lang kami magsalita dahil nagkakaintindihan naman kami ni Jean."
Proud din si Polo sa FHM cover featuring Jean. Done in good taste ang pictorial nito at marami ang nagagandahan.
"Hindi ako naniniwalang hindi bumenta yun dahil marami akong kakilala na bumili agad ng copies. In fact, nang magpahanap ako noong unang labas, wala agad akong nakita. It took a couple of days bago yata naglabas ng new copies to sustain yung bentahan. Almost everybody na kakilala ko, nakabili ng FHM issue na yun, and they text me about it. So, paano magiging isyu na hindi nabebenta yun?




0

