Hindi na itinatago ni Polo Ravales na may bago na siyang girlfriend, a non-showbiz girl na nagngangalang Bianca Villamores. Galing daw sa Amerika ang girlfriend ni Polo at nandito ito ngayon sa bansa para maging isa sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2009.
Nahihiya pa ngang pag-usapan ni Polo ang tungkol sa kanyang non-showbiz girlfriend, pero napilitan na rin itong magsalita para malaman na rin ng iba ang tungkol sa status niya.
"Since kukulitin din naman ako ng iba when she makes it as one of the candidates, might as well na magsalita na rin ako, di ba?" sabi ni Polo sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Patuloy niya, "Yes, Bianca is my girlfriend and we've been on for a long time na. She's a model and she's here to try her luck sa Binibining Pilipinas. I won't give details about us na lang. Ang importante ay inamin ko na I'm in a relationship, at si Bianca ‘yon at hindi sa ibang girl na inaakala nila."
KRISSA MAE & JEAN GARCIA. Ang tinutukoy ni Polo na inakalang girlfriend niya ay ang dating Gobingo Girl at co-star niya sa Gagambino na si Krissa Mae. Nagkaroon kasi ng balita noon na naging mag-on sila, na siyang ikinagalit ng dating karelasyon ng aktor na si Jean Garcia. Kailan lang ay may tsismis naman na break na sila ni Krissa Mae dahil may pinagselosan daw itong ibang babae.
Nagpaliwanag si Polo tungkol nga kay Krissa Mae at pati na rin kay Jean.
"Para maging malinis na ang lahat sa taong ito, yung tungkol kay Krissa Mae, never ko naman sinabi na naging kami. Yes, we were going out and wala namang masama kung magkaibigan kayo, di ba?
"Tungkol sa nag-break daw kami, hindi ko alam ‘yan. Kasi paano kami mag-break kung hindi naman kami nagkaroon ng seryosong relasyon, di ba? Kasama ko rin si Krissa Mae sa trabaho kaya naging close kami.
"Tungkol naman kay Jean, I respect her and I don't want to say anything na baka makasakit sa aming dalawa. I want to keep the friendship na meron kami. Though nagkaroon kami ng problema, nandoon pa rin ang respeto ko sa kanya bilang kaibigan. Mahirap naman kasi na mag-work kami sa isang show [Gagambino] kung pareho kaming may problema, di ba? Nagiging professional kami sa work namin kaya hindi apektado ang trabaho namin," lahad ni Polo.
BIANCA TO ENTER SHOWBIZ? Sa pagsali nga ng non-showbiz girlfriend niya sa Bb. Pilipinas, all out ang suporta ni Polo rito. Pinaghahanda na lang niya si Bianca sa mga magiging intriga na kasama sa pagpasok nito sa pageant.
"I tell her na maging maingat na lang siya. Kahit na beauty pageant ‘yan, parang showbiz din ‘yan, e. May intriga rin kaya I tell her to be strong and be prepared for anything that might happen. Mabuti na yung handa na siya sa mga isasagot niya."
May interesado na raw film producer na kunin si Bianca at gusto na itong papirmahin ng isang exclusive contract. Ano ang masasabi rito ni Polo?
"Hindi ko alam ang tungkol diyan. Marami naman kasi silang kakilala rin dito. Depende ‘yon kay Bianca if she wants to enter showbiz. Ako naman, nakasuporta sa kanya sa anumang gusto niyang gawin."
Dahil sa ipinapakitang suporta na ito ni Polo, masasabi na ba niya sa wakas na he is in love?
"Oo naman... Yes, I'm in love at si Bianca ‘yon," nakangiting sagot ni Polo.







Bawal po ang all caps
wala eh...