"If ever na magkaroon ng something
talaga, siguro I'll keep it private na lang. Ayoko nang pinag-uusapan ang lovelife
ko. Kumbaga, I'm a new Ara Mina now, it's 2009," says Ara Mina.
Ara Mina admits dating young businessman
Monday, January 12, 2009
07:47 PM
Rating
Isa pang bagong segment ng Showbiz Central this year ay ang "Intriga Crossfire," kung saan haharap ang isang guest celebrity at iinterbyuhin ng limang hosts na sina Pia Guanio, Rufa Mae Quinto, Raymond Gutierrez, Mo Twister, at John "Sweet" Lapus.
Kahapon, January 11, ang unang sumalang sa "Intriga Crossfire" ay si Ara Mina. Kaya hirit agad nito nang makitang nakapalibot sa kanya ang mga host ng Showbiz Central, "Ano ‘to? Para akong babarilin!"
"Ito ang ceasefire!" hirit ni Rufa Mae, na itinama ni Mo nang natatawa na "crossfire." Pero sumagot pa rin si Rufa Mae, sabay sabi na, "Hindi! Kaya nga crossfire, parang ceasefire ang pagtanong! Ikaw..."
Unang tanong ay galing kay Pia. Nagsalita kasi ang ex-boyfriend ni Ara na si Jomari Yllana na si Pops Fernandez na raw ang huling babae sa buhay niya. Kapag nakakarinig siya ng ganoon, nakakaramdam ba ng inggit si Ara?
"Hindi, hindi ako naiinggit!" natatawa niyang sabi. "That's good for him, I hope..."
Sumunod na tanong ay galing kay Sweet. Bakit daw noong baguhan pa lang si Ara, papalit-palit siya ng pangalan? Parang sa isang taon, tatlong beses siyang nagpalit ng pangalan?
"Hindi naman sa isang taon," paglilinaw ni Ara. "Parang isang movie, isang name yata before. Banggitin ko lahat ha... Aramina Reyes, Dara Mina, Danica Gomez yung pinaka-last. Tapos sabi ko sa mommy ko, ‘Mommy, balik na natin sa Ara Mina.' Kasi yung mom ko, nag-iisip, parang iniisip niya, walang nangyayari sa career ko. Parang iniisip niya, 'Palitan natin ang screen name mo.'"
Gaano katotoo na may boyfriend ka na raw na bagong businessman, ang tanong naman ni Rufa Mae.
"Hindi naman... Basta, I'm seeing someone. He's a young business man," sabay bati ni Ara ng "Hi!"
"Wow, ang sweet!" sabi ni Rufa Mae.
"Yeah, he's so sweet and he's so nice!"
"Ano'ng business niya?" tanong ni Mo?
"Huwag na, he's a private person," iwas ni Ara.
Sa puntong ito, winarningan ni Pia si Mo to be careful in asking Ara dahil allowed lang silang magtanong ng isang question at a time. Pero dahil unang salang lang daw nila sa "Intriga Crossfire" kaya't pinagbigyan nila si Mo na makapagtanong pa.
Ang tanong ni Mo kay Ara: "May bagong boyfriend ka, di ba? Pero sino ba ang mas minahal mo, Polo Ravales or Jomari Yllana?
"Okey, I'll be honest," sabi ni Ara. "Siguro kung sino yung pinaka-tumagal kong relasyon. Si Jomari yun at four years kami. At saka ganoon naman yun, kung hindi n'yo mahal ang isa't isa, hindi naman kayo magtatagal."
On Raymond's turn, ang naging tanong niya kay Ara ay ito: "May nakarelasyon ka bang artista na hindi alam ng publiko?"
"Ay, hindi, honest naman ako. Siguro, merong naging close, pero hindi naman nakarelasyon."
Pagkatapos ng lovelife, tungkol naman sa professional life ni Ara ang itinanong nila.
"Gagawa ulit ako ng movie this year and, I think, I will be doing two indie films. I support indie film at isa na rito yung Marino," pagbabalita ng nakatatandang kapatid ni Cristine Reyes.
- Ara Mina reveals how she lost 17 pounds!
- Ara Mina is now done doing sexy roles; eyes "acting-piece" projects
- Ara Mina says sister Cristine Reyes can't get married ahead of her
- Ara Mina on her non-showbiz boyfriend: "I hope siya na kasi nakakapagod yung paiba-iba."
- Ara Mina is back with Viva Entertainment
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More Articles
- Alice Dixson admits husband Ronnie Miranda got affected by separation rumor
- PART 1. Ruffa Gutierrez explains why her relationship with John Lloyd Cruz ended
- Raymart Santiago and Claudine Barretto deny rumored separation: "We are still together..."
- PART 1. Heart Evangelista on marriage plans with boyfriend Daniel Matsunaga: "Sinabi na rin nga niya sa akin na he wants to marry me."
- Heart Evangelista and Daniel Matsunaga: "We are still together!"
- Daniel Matsunaga says Heart Evangelista's rich family is not a factor in asking her hand in marriage
-
Weddings
FIRST READ ON PEP: Ms. Jolina Magdangal is now Mrs. Mark Escueta!
The bride and groom shed tears while reciting their vows.
-
Fashion
She reveals plan to put up a vintage store.
-
Health and Beauty
Dimples Romana's fuss-free beauty regimen
The Kapamilya actress believes that preparation is the key to fight ageing.
-
Society Watch
Divine Lee supports gender equality and gay rights.
Most Popular
- Anne Curtis: "I can't believe nag-concert ako!"
- PEP EXCLUSIVE: John Wayne Sace on being pasaway: "Burado na sa isipin ko yun..."
- PART 1. Heart Evangelista on marriage plans with boyfriend Daniel Matsunaga: "Sinabi na rin nga niya sa akin na he wants to marry me."
- David Archuleta to perform at Pyropalooza event
- Heart Evangelista says she's ready to work with Marian Rivera: "Professional lang tayo. Nasabi ko na yung mga gusto kong sabihin and that was it."
- Claudine Barretto "loses" account balance at a bank; money mysteriously disappears as she's about to withdraw it
- Raymart Santiago and Claudine Barretto deny rumored separation: "We are still together..."
- Dimples Romana's fuss-free beauty regimen
- Alice Dixson denies separation rumors anew
- Alice Dixson admits husband Ronnie Miranda got affected by separation rumor
Advertisement

