Ara Mina admits dating young businessman

Rose Garcia
Monday, January 12, 2009 @ 07:47PM  |  7674 views

  "If ever na magkaroon ng something talaga, siguro I'll keep it private na lang. Ayoko nang pinag-uusapan ang lovelife ko. Kumbaga, I'm a new Ara Mina now, it's 2009," says Ara Mina.
Photo By: File photo













"Okey, I'll be honest," sabi ni Ara. "Siguro kung sino yung pinaka-tumagal kong relasyon. Si Jomari yun at four years kami. At saka ganoon naman yun, kung hindi n'yo mahal ang isa't isa, hindi naman kayo magtatagal."

On Raymond's turn, ang naging tanong niya kay Ara ay ito: "May nakarelasyon ka bang artista na hindi alam ng publiko?"

"Ay, hindi, honest naman ako. Siguro, merong naging close, pero hindi naman nakarelasyon."

Pagkatapos ng lovelife, tungkol naman sa professional life ni Ara ang itinanong nila.

"Gagawa ulit ako ng movie this year and, I think, I will be doing two indie films. I support indie film at isa na rito yung Marino," pagbabalita ng nakatatandang kapatid ni Cristine Reyes.

Pia asked, "Will we be seeing more of you here in GMA-7?"

"I'm freelance naman, e," sabi ni Ara. "Ever since, noong gumawa ako sa kabila [ABS-CBN], for that show lang at hindi ako naka-contract sa kabila. So, I can do any shows sa kahit na anong network."

"Sa tagal ng samahan n'yo sa Bubble Gang, nagsisisi ka ba na umalis ka?" tanong ni Sweet.

"I missed Bubble Gang!" sambit ni Ara. "But no, no naman...it's just a matter of, you have to do something for yourself lang at wala naman akong bad blood dito sa GMA. Nagpaalam naman ako nang maayos. They allow me. At okey naman, even sa kabila. Ako naman, ano naman ako, Miss Friendship nga ako."

Follow-up question naman ni Rufa Mae sa tanong ni Raymond kung sino ang naging close ni Ara na hindi na-announce.

"A, si Ogie [Alcasid]," sagot ni Ara.

"Naging more than friends kayo?" singit ni Mo.

"Hindi naman more than friends. Ang iniisip kong relasyon, yung naging boyfriend. So, ka-close lang."

Tanong ni Mo, ano ba talaga ang naging pinakamalaking dahilan kung bakit sila nag-break ni Polo?

"Malaking dahilan? Wala naman. Hindi lang talaga kami masyadong nagkakasundo. Iba ang gusto niya, iba ang gusto ko. Iba ang pananaw niya sa buhay, so that's it. Small stuff. Kasi, I'm very independent person."

« Prev  1  2  3  Next »

Related Articles

46 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name