Wendy Valdez on long-distance relationship with Bruce Quebral: "There's nothing to worry about."

Rose Garcia
Friday, April 24, 2009 @ 06:03PM  |  4270 views


Though marriage is the farthest thing from her mind,  Wendy Valdez is hoping that present boyfriend Bruce Quebral is her Mr. Right.

Photo By: Noel Orsal













Sa upcoming romantic series ng ABS-CBN na Precious Hearts Romances, kapansin-pansin na bagong mga pares ang tampok sa bawat istorya nito. Sa isang episode, ang magkatambal ay sina Wendy Valdez at Joem Bascon, na una nating napanood sa I Love Betty La Fea nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

 

"Actually, meron din nga kaming bed scene ni Joem sa Betty kaya medyo na-familiarize na rin namin ang isa't isa. So, ine-expect ko na medyo mas kumportable na kami sa isa't isa," sabi ni Wendy sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

 

Ibinuko pa ni Wendy na nagkakailangan daw sila ni Joem sa Betty La Fea noon.

 

"Super nagkakailangan kami sa Betty, na umabot kami ng ilang takes sa bed scene namin. Kasi, siyempre nakaka-ano yung mag-ulit-ulit ng kissing scene, di ba? So, hopefully, I'm expecting na ngayon, one take na lang."

 

After niyang "awayin" si Joem, naging okey rin sila agad?

 

"Well, hindi naman inaway yung away... Parang, 'Joem naman!' Yung mga ganoon lang. Siguro ngayon, feeling ko naman, magiging kumportable na siya," sabi ng dating housemate sa Pinoy Big Brother Season 2.

 

NOT FAN OF ROMANCE NOVELS. During the Q&A portion sa presscon ng Precious Hearts Romances, inamin ni Wendy na hindi siya nagbabasa ng mga romance books. Mas gusto pa raw niya ang mga horror books. Puwede kayang sabihin na hindi siya yung tipong romantic na tao?

 

"Hindi. Kasi, di ba, kapag horror, nandiyan yung medyo natatakot ka? But it doesn't mean, I'm not romantic. I love movies. Noon nagbabasa kasi ako noong high school pa, so medyo childish pa. At saka kapag movies, mas madali kasing manood."

 

Yung mga kuwentong gagawin nila na hango sa romance pocketbooks ay may mga eksenang sensual. Siya nga ba among the lead actresses ang magbibigay ng justice sa mga intimate scenes ng bawat episode?

 

"Posible, kasi galing ako sa ganoong role," sabi niya. "Baka ganoon..Pero ako kasi, medyo makulit kasi ang character ko rito. So, it's going to be fun. Actually, marami ngang mga bed scenes, pero lahat naman yata kami, maraming mga sexiness na ipapakita."

 

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP. Going strong pa rin daw ang relasyon nila ng boyfriend niyang si Bruce Quebral kahit nagdesisyon na ngang mag-quit ito sa showbiz at magtrabaho na bilang flight steward sa Emirates.

 

Masuwerte pa rin daw silang matatawag ni Bruce kumpara sa ibang mga nagtatrabaho abroad.

 

"Hindi naman kami yung madalang na madalang na magkita, na parang mga tipong OFW. We're lucky pa rin kasi sometimes, he has flight here in Manila and for four days, he can stay here, so I'll be with him."

 

December pa raw nang magsimula si Bruce bilang FA (flight attendant). Although for three months, training pa lang ito at ngayon pa lang talaga siya nagpa-flight.

 

"Nakauwi na siya ng for ten days straight at nakakadalawang flights na rin siya sa bansa."

 

1  2  Next »

Related Articles

51 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name