True to her title as FHM's Philippines' Sexiest Woman this year, Cristine Reyes came to the grand launch of FHM's Sexiest Women list na very sexy sa kanyang Michael Jackson-inspired outfit. FHM's Sexiest Women in the World 2009 grand launch was held this afternoon, July 1, at Kamayan, Saisaki, and Dad's restaurant in Greenhills EDSA.
Hindi maikakailang very happy si Cristine sa pagiging No. 1 niya sa listahan ng FHM's Sexiest Women ngayong taon.
"Sobrang masaya! As in, sobra! Hindi ako nakatulog kagabi, kasi kagabi ko lang nalaman," sambit ni Cristine sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.
Anong pakiramdam niya na naagaw niya ang korona sa dating mga No. 1 kaseksihan na sina Marian Rivera (No. 3), Angel Locsin (No. 4), at Katrina Halili (No. 5)?
"Sobrang happy talaga ako. Hindi ako makapaniwala at saka, honestly, hindi ako nakatulog, as in!" ulit niya.
Ang Transformers star na si Megan Fox ang pumangalawa kay Cristine sa FHM list.
BEATING MARIAN & ANGEL. Pero gaano man ka-positive kay Cristine ang kanyang pagiging No. 1 this year, meron pa rin mga nagkokomento na paano raw siya naging No. 1 sa listahan gayong mas marami ang fans ng mga sumunod sa kanya sa ranking na sina Marian at Angel.
Ano ang masasabi niya tungkol dito?
"I think, tinanong ko 'yan sa mga taga-FHM. Kasi ako mismo, hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na ako ang naging No. 1. Sabi nila, iba raw yung mga voters na sumusuporta sa FHM," sagot ni Cristine.
Sa July 9 na rarampa si Cristine bilang pinaka-seksing babae, kasama ang iba pang celebrities na nakapasok sa Top 100 Sexiest Women ng FHM. Ano ang dapat abangan sa kanya sa gabing yun?
"Asahan nila na rarampa ang Cristine Reyes na super sexy...sexy talaga!" sambit niya.
Pero "secret" muna raw kung ano ang isusuot niya.
"Abangan po nila 'yan!"
May limitation ba siya?
"Ngayon pa? Ngayon pang No. 1 ako? Hindi ko na iisipin 'yan. Magpapakaligaya ako sa July 9!" natatawa niyang sabi.







So malamang si CR talaga ang choice ng subscribers to think konti lang namn fans nyang hindi lalake. LOLZ!
mukhang xa rin ang nagbababa ng mga pagkakataong nag papa akyat sa career nya...
ganun din kay dennis na napakagaling na actor. patuloy pa rin ang pagtangkilik sa kanya ng mga manonood.
i think natauhan na rin si dennis sa tunay na ugali ni cristine. salamat ng marami sa Dios!! i hope makahanap na si dennis ng mabait, matalino, matino and hindi mapagmura at immature na girlfriend.
pareho silang singungaling...