"Masaya ako, e. Parang you don't want to do anything na ikasisira ng ikinasasaya mo. And of course, I have big respect for her, and love," says Aiza Seguerra about her relationship with girlfriend Chen Sarte (inset).

Photo: Glen P. Sibonga

Masayang-masaya ang tinaguriang Asian Acoustic Sensation na si Aiza Seguerra sa launching ng kanyang bagong album under Star Records na pinamagatang Aiza Live, na ginanap nung Lunes ng gabi, August 10, sa Mugen Bar sa Metrowalk Ortigas. Pagkatapos kasi ng success ng kanyang certified platinum album na Open Arms, also from Star Records at ini-release pa internationally, natupad na sa bago niyang album ang matagal na niyang gustong gawin, ang magkaroon ng isang live album.

Kabilang sa mga tracks na nakapaloob sa live album na ito ang first single niyang "Anything For You" ni Gloria Estefan, ang version niya ng "Man In The Mirror" ni Michael Jackson, at ang sarili niyang rendition ng Eraseheads' hits gaya ng "Huling El Bimbo" at "Magasin."

Kasama rin ang mga awiting "Run Away," "Kiss From A Rose," "Ipagpatawad Mo," "Everytime," "Crazy Little Thing Called Love," "Bette Davis Eyes," "Paglisan," "Bilanggo," "Isipin Mo Na Lang," "Iris," at ang original composition ni Aiza na "Tanging Ikaw." Nakapaloob din sa CD ang limang bonus videos ng live performance ni Aiza during the album's recording sa Teatrino sa Greenhills.

"Actually itong Aiza Live, the songs are really...yun ang mga most requested songs sa mga gigs namin. Kaya nabuo 'yang konsepto na 'yan. Isinama ko yung banda ko dahil sila yung mga kasama ko every gig. So, ito talaga yung mga songs na lagi pinakamarami ang requests," pahayag ni Aiza nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal)  bago siya sumampa sa stage at mag-perform sa kanyang album launch.

SONG FOR CHEN. Happy rin si Aiza dahil present sa album launch ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at siyempre ang girlfriend niyang si Chen. Simula nang maging open si Aiza tungkol sa kanyang pagkatao at sa relationship nila ni Chen ay kapansin-pansing mas naging masaya at inspirado si Aiza. Kaya naman hindi maiwasan ng PEP na magtanong tungkol kay Chen.

Kumusta naman si Chen?

"Okay naman siya," sagot ni Aiza.

Masaya naman sila together?

"Very, very."

Gaano na sila katagal?

"Five years."

Paano niya ide-describe yung relationship nila ngayon?

"Ang masasabi ko lang masaya. Kaya nga wala ka nang hahanapin pang iba."

Sa tuwing maglu-launch siya ng bagong album ay lagi siyang tinatanong kung anong song ang dedicated para kay Chen. Dito sa Live album niya, ano yung song niya para kay Chen?