Patuloy ang pag-iinit ng love team nina Kris Bernal at Aljur Abrenica dahil muli na naman silang pagsasamahin ng GMA-7 sa isang bonggang telefantasya na may working title na The Last Prince.
After ng kanilang successful na Dapat Ka Bang Mahalin? at All My Life, muli masusubukan ang lakas ng tambalang Kris at Aljur. Mahuhusay na mga artista pa ang kinuha para suportahan sila sa bago nilang TV drama. Kabilang rito ay sina Eula Valdez, Emilio Garcia, Chanda Romero, Angelu de Leon, Karen delos Reyes, Chynna Ortaleza, Paolo Ballesteros at marami pang iba. Sa ilalim ito ng direksyon ni Mac Alejandre.
Pang-opening salvo ng GMA-7 for 2010 ang telefantasya na ito, at di lang excited ang dalawa kundi tinitingnan nila itong malaking hamon sa kanilang kakayahan.
"Gagawin pa rin namin ang best namin para hindi kami mapahiya," diin ni Kris.
Sabi naman ni Aljur: "Huhusayan namin ang pagganap namin para marami kaming mapasaya."
DEBUT FILM SANK BY ONDOY. Tinanong namin ang dalawa tungkol sa hindi magandang resulta sa box-office ng unang pagbibida nila sa pelikulang Nandito Ako... Umiibig Sa 'Yo. Nalungkot sila dahil sumabay ang showing ng kanilang pelikula sa aftermath ng bagyong Ondoy, pero tanggap naman daw nila ang nangyari.
"Wrong timing lang talaga kasi kakatapos lang nung matinding bagyo at halos lahat ay sa pagtulong sa mga nabiktima ng bagyo ang hinarap," ani Kris. "Kesa nga naman manood sila ng sine, ang pagtulong ang inuna nila at yung iba ay mas inuna kung paano sila magsisimula ulit sa buhay nila."
Medyo na-depress si Aljur noon dahil alam niyang make or break ang pelikula nila ni Kris. Pero nagpapasalamat siya na hindi nawala ang tiwala sa kanila ng GMA-7.
"Yun naman ang maganda kasi hindi nawala ang trust ng GMA-7 sa amin ni Kris. Magaganda naman ang reviews ng movie namin kaso talagang hindi naging priority ng marami ang manood ng sine that time. Nakakalungkot pero 'yan ang katotohanan.
"Natuwa lang kami ni Kris nang mabigyan kami ng bagong show at kinuha pa kaming endorser ng Bench. Nakabawi na kami roon kasi nangangahulugan na nagtitiwala pa sila sa love team namin kahit hindi kumita ang movie naming dalawa."
TERM OF ENDEARMENT. "Bebs" na ang tawagan ng dalawa sa isa't isa.
"Hindi ko alam ko kung kelan kami nagtawagan ng Bebs. Basta yun na lang ang tawag namin ngayon sa isa't isa. Dati pangalan, ngayon ay Bebs na lang. Nagustuhan namin yung Bebs kasi wala pang nagtatawagan no'n, e. Meron na kasing Baby at Babes, di ba? Kaya parang original na namin ang Bebs," ngiti ni Kris.
Para kay Aljur, senyales na raw iyon na may malalim na silang pagkakaunawaan ni Kris.
"Hindi pa ba obvious?" ngisi pa niya. "Kami naman ni Bebs, ayaw naming ma-disappoint ang mga sumusuporta sa love team namin. Kaya pinapakita namin na seryoso rin kami at kung ano ang gusto nilang mangyari sa amin, e mangyayari iyon. Basta kami ni Bebs, bukod sa nagtutulungan, nagmamahalan talaga kami."







Sana paghiwalayin na lang sila ng GMA, for sure may mararating si Aljur, ewan lang si kris.
33poisonous_h
yacinth33
November 8, 2009
05:12 AM
parang si MAHAL at JIMBOY lang ung nasa taas...
- - - - - - - -
ahahahaha!!!
pag flop, eh d flop wak na madaming alibi...
HINDI MAGALING UMARTE. NI HINDI MARUNONG.
sorry pero yun ang totoo. sana wag na lang sila bigyan ng big breaks kasi wala talagang star quality.
sorry pero true.
may pa-BEBS bebs pang nalalaman..
magpakatotoo na lang kasi sila.. halata namang ang walang gusto ang isa sa kanila sa partner nya..
hindi na kelangang may relasyon sila para matanggap ng public.. matatalino na ngaun ang audiences..
super ganda pa ni ms kris at cute at super gwapo din c aljur......kris stay as u are ur so beautiful morena looks at hndi kakasawa tingnan,,bihira nlang artista na gya mo lat sila magpapabelo or bleach pra pumuti pero ikw ganda mo so natural beauty!!!!!!
dun kayo sa gusto nyo!!!!!!!
alis alis!!!!!!!!!
EKLAT: BILIB talaga sa kanila ang KAPUSO, no? Ang TINDI, e!
HAHAHA!!!! sila sila lang naglolokohan. GMA at love team ni aljur at kris. ang tindi talaga!
yan galing na yan sa pinoy parazzi
I am sure some will agree with me. HINDI SILA MARUNONG!