Nagkaroon ng grand press conference ang second season ng Darna kahapon, November 30. Kasabay nito ay ang pagpapakilala sa mga bagong character na makakalaban ni Darna, na ginagampanan ni Marian Rivera.
Ang mga bagong cast members ng Darna ay sina Katrina Halili bilang Serpina; Rochelle Pangilinan, Babaeng Manananggal; Jackie Rice, Helga; Akihiro Sato, Vladimir, at ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez bilang Electra, the Queen of Planet Women.
Nauna nang pumasok ang character ni Dennis Trillo bilang Pancho, ang kababatang pulis ni Narda at makakaribal ni Eduardo (Mark Anthony Fernandez).
REGINE & KATRINA AS DARNA'S VILLAINS. Marami ang nagulat kay Regine na pumayag siyang magkontrabida for the first time. Kaya naman very flattered si Marian nang kuhanan siya ng reaksiyon hinggil sa bagay na ito.
"Oo nga, e, natuwa ako," sabi ni Marian sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Actually, sinabi 'yan sa akin nila Momsie [Popoy Caritativo, Marian's manager], 'Magiging kontrabida mo si Ate Reg mo.' 'Talaga? Si Ate Reg pumayag?' 'Oo, kasi gusto raw niyang makapasok sa Darna.'
"Kaya sabi ko sa kanya, ako mismo, magte-thank you sa kanya [Regine] dahil tinanggap niya. At sa lahat ng kontrabida ko rito, nagpapasalamat ako dahil bilang maging kontrabida ka, di ba, malaking oportunidad para sa akin na magpasalamat sa kanila. Na binigyan nila ng pagkakataon ang Darna at hindi naman magiging successful ang Darna kung walang kontrabida, di ba?"
Dagdag niya, "At saka hindi ko ine-expect na si Ate Reg mismo ang may gustong maging kontrabida ni Darna, so malaking karangalan para sa akin."
Masaya rin daw si Katrina na makakasama niya uli si Katrina, na una niyang nakasama sa Marimar.
"Siyempre, happy ako at saka wala namang isyu sa amin ni Katrina. At nagpapasalamat ako sa lahat ng kontrabida ko. Hindi magiging successful ang Darna kung walang kontrabida, di ba?"
PRIMETIME QUEEN. Sa ngayon, masasabing hawak ni Marian ang titulong Primetime Queen dahil sa consistent rating ng Darna sa Mega Manila (based on AGB Nielsen Phils.). Ano nga ba ang masasabi niya na napapanatili niya ang titulong ito?
"Sa mga bagay na 'yan, e, siyempre nagpapasalamat ako. Nakakataba ng puso. Salamat at ibinigay nila sa akin yun. Pero siyempre, ang mga tao pa rin ang makakapagsabi niyan at thank you sa management kung ganun ang ano nila. Pero pagbubutihin ko pa rin ang trabaho ko."
Hiningan din ng reaksiyon si Marian hinggil sa pagpasok na ni Claudine Barretto sa Kapuso network. Sa palagay kaya ni Marian ay posibleng maging threat sa kanya si Claudine as Primetime Queen?
"Ay, hindi naman," sabi niya. "Parang wala, e, ganoon naman talaga ang artista. At si Ate Claudine naman, nakakausap ko sa phone, kay Kuya Raymart [Santiago, Claudine's husband and Marian's co-star in Darna]. At happy ako na Kapuso na siya. At least, dumarami tayo. At excited ako na makatrabaho siya."
CHRISTMAS GIFTS. Natatawa naman si Marian dahil tila interesado talaga ang entertainment press kung ano ang magiging regalo nila sa isa't isa ng rumored boyfriend niyang si Dingdong Dantes ngayong Pasko. Sinabi na kasi ni Dingdong na may nakaplano na siyang regalo para kay Marian. (CLICK HERE to read related story.)
"Actually, ngayon ko lang nalaman na may pagdadalhan pala siya," nakangiting sabi ni Marian. "May tatlong gifts pala siya sa akin! Parang nalugi ako dun na parang ngayon pa lang, mag-isip na rin ako. At sisiguraduhin ko na mas espesyal yun kesa sa gagawin niya, di ba?"







Kulang sa pito sobra sa walo. LOL!!!
Choice mo maging humble and simple so marami pang blessing na darating sayo for sure
Godbless and Merry Christmas girl
Ang sarap kayang magkuwento at sabihin ang nasa loob mo kung Tagalugin na lang. Bakit pilitin mong mag-English eh hindi naman tayo English, Americano. Dito nga sa work ko..pag may nagpadala sa akin ng Filipino jokes, tumatawa ako, tapos pinapa-interprete nila sa akin..ang hirap sabihin sa English..di na nakakatawa. Naging napakababaw na ba ang gauge natin ng intelligence o kaya IQ at ibabase na lang natin sa kung paano sila sumagot sa English. For me it is the other way around..Lahat ng mga kaibigan kong Filipino dito na matataas na ang posisyon sa mga companies dito..tunay na Tagalog kami mag-usap. Kinakantiyan nila pag ang isa sa mga kaibigan namin ay pa English English kahit puro kami Pilipino na nag-uusap. Sa office lang daw ang English dahil may bayad..sa labas relax na ang pagsasalita.
Dito na naman ang mga ignoranting pepster? they judged MR solely on her quot;english speaking abilityquot;, so how about those German and Japanese inventors who can't even complete a sentence in English? so d-u-m-b din sila? hahahah...kawawang kababayan! pinanganak na ignorante and mananatiling ignorante...hahah
lossers!!!!
kahit na ano pa ang sabihin ng iba dito para sa amin number one si marian at daming nagmamahal sa kanya.