Nagkaroon ng grand press conference ang second season ng Darna kahapon, November 30. Kasabay nito ay ang pagpapakilala sa mga bagong character na makakalaban ni Darna, na ginagampanan ni Marian Rivera.
Ang mga bagong cast members ng Darna ay sina Katrina Halili bilang Serpina; Rochelle Pangilinan, Babaeng Manananggal; Jackie Rice, Helga; Akihiro Sato, Vladimir, at ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez bilang Electra, the Queen of Planet Women.
Nauna nang pumasok ang character ni Dennis Trillo bilang Pancho, ang kababatang pulis ni Narda at makakaribal ni Eduardo (Mark Anthony Fernandez).
REGINE & KATRINA AS DARNA'S VILLAINS. Marami ang nagulat kay Regine na pumayag siyang magkontrabida for the first time. Kaya naman very flattered si Marian nang kuhanan siya ng reaksiyon hinggil sa bagay na ito.
"Oo nga, e, natuwa ako," sabi ni Marian sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Actually, sinabi 'yan sa akin nila Momsie [Popoy Caritativo, Marian's manager], 'Magiging kontrabida mo si Ate Reg mo.' 'Talaga? Si Ate Reg pumayag?' 'Oo, kasi gusto raw niyang makapasok sa Darna.'
"Kaya sabi ko sa kanya, ako mismo, magte-thank you sa kanya [Regine] dahil tinanggap niya. At sa lahat ng kontrabida ko rito, nagpapasalamat ako dahil bilang maging kontrabida ka, di ba, malaking oportunidad para sa akin na magpasalamat sa kanila. Na binigyan nila ng pagkakataon ang Darna at hindi naman magiging successful ang Darna kung walang kontrabida, di ba?"
Dagdag niya, "At saka hindi ko ine-expect na si Ate Reg mismo ang may gustong maging kontrabida ni Darna, so malaking karangalan para sa akin."
Masaya rin daw si Katrina na makakasama niya uli si Katrina, na una niyang nakasama sa Marimar.
"Siyempre, happy ako at saka wala namang isyu sa amin ni Katrina. At nagpapasalamat ako sa lahat ng kontrabida ko. Hindi magiging successful ang Darna kung walang kontrabida, di ba?"
PRIMETIME QUEEN. Sa ngayon, masasabing hawak ni Marian ang titulong Primetime Queen dahil sa consistent rating ng Darna sa Mega Manila (based on AGB Nielsen Phils.). Ano nga ba ang masasabi niya na napapanatili niya ang titulong ito?
"Sa mga bagay na 'yan, e, siyempre nagpapasalamat ako. Nakakataba ng puso. Salamat at ibinigay nila sa akin yun. Pero siyempre, ang mga tao pa rin ang makakapagsabi niyan at thank you sa management kung ganun ang ano nila. Pero pagbubutihin ko pa rin ang trabaho ko."
Hiningan din ng reaksiyon si Marian hinggil sa pagpasok na ni Claudine Barretto sa Kapuso network. Sa palagay kaya ni Marian ay posibleng maging threat sa kanya si Claudine as Primetime Queen?
"Ay, hindi naman," sabi niya. "Parang wala, e, ganoon naman talaga ang artista. At si Ate Claudine naman, nakakausap ko sa phone, kay Kuya Raymart [Santiago, Claudine's husband and Marian's co-star in Darna]. At happy ako na Kapuso na siya. At least, dumarami tayo. At excited ako na makatrabaho siya."
CHRISTMAS GIFTS. Natatawa naman si Marian dahil tila interesado talaga ang entertainment press kung ano ang magiging regalo nila sa isa't isa ng rumored boyfriend niyang si Dingdong Dantes ngayong Pasko. Sinabi na kasi ni Dingdong na may nakaplano na siyang regalo para kay Marian. (CLICK HERE to read related story.)
"Actually, ngayon ko lang nalaman na may pagdadalhan pala siya," nakangiting sabi ni Marian. "May tatlong gifts pala siya sa akin! Parang nalugi ako dun na parang ngayon pa lang, mag-isip na rin ako. At sisiguraduhin ko na mas espesyal yun kesa sa gagawin niya, di ba?"







ano naman kung nakalimutan na? haha!! kelangan buhayin? para ano? para sumikat si KARYLLE? haha
MARIAN FOREVER!!!
excited ang line up ng makakalaban ni DARNA!!! ganda talaga ng story at mabilis ang facing.. di nakakabagot panoorin!!! EXCITEMENT IS THERE!!!
AKHIRO, RESINE, ROCHELLE, KATRINA AT JACKIE RICE!! WELCOME Sa DARNA!!!
congratulations DARNA!!!
GMA RULES
Pls check your definition of immoral. Hindi sila kasal, so walang na-violate na moral standards. As long as hindi pa kasal, even if they are committed to each other, they are technically free to live their lives individually. Nagkataon na one thing peculiar about their chosen career is they are always in close contact or always in the company of equally attractive people. So syempre in the long run, the characters they portray will rub off on them. In fairness to DD and MR, it took them more than a year, meaning it wasn’t impulsive. Im pretty sure they withheld their emotions as much as they can. At least they had the decency to end their previous relationships.
Logically sa lahat ng mga taong nagmahal, maiintindihan ang ginawa nila. Bottomline, hindi sila kasal, so naging fair lang sila sa sarili nila.
wala na ba talagang ibang pwedeng mapagusapan.parang sirang plaka.hahahaha
masaya na si k kaya hayaan mo na siya, ihanap mo na din ng papa kng naawa ka sa kanya.
move on girl kaw na lang ata ang di nakapag move on.
Basta kami excited next year! Go DongYan!
congrats team darna
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa..
laV it!!!!
Mamatay ka sa inggit!
Go DongYan basta kami excited sa muli nyong pagtatambal!